Chapter 29

31 7 0
                                    

It's been two weeks since Lawrenz decided to court me. And from that two weeks he did a lot to show his admiration with me. Well, he became more vocal with his feelings. Nalaman nga rin ng mga kaklase ko ang meron sa amin kaya todo sila sa pangbibiro sa amin.

Hindi ko na lang pinakinggan yung iba na wala namang sense ang sinasabi. Gaya ni Bea na hindi pa rin makamove on sa nangyari bago nuong two weeks school break namin. Bahala siya!

"Anong plano niyo this coming Christmas?"

"Hindi ko pa alam. Hindi ko pa natanong sila Dad tungkol dito eh." sagot naman ni Maxine kay Dyzan.

"Kayo ay Lawrenz?" baling sa amin ni Dyzan.

"Hindi ko rin alam."

"Lagi kami nag a-out of town tuwing Christmas." sagot ko kaya napatingin sila sa akin. "Last year kasi nagpunta kami ng South Korea..."Magsasalita pa sana ako nang biglang sumingit sa di kalayuan si Alden.

"Guys, punta raw tayong lahat sa classroom. May i aanounce ata." nasa labas kasi kami ngayon, nasa Field. Katatapos ng PE namin. Nakapagtataka naman ang biglang pagtawag sa amin.

"Let's go!" binuhat ni Lawrenz yung dala kong gamit saka niya binigay sa akin yung inumin niya.

"Kung nauuhaw ka, pwede ka uminom diyan." Napatitig ako sa tubig na binigay niya.

"Thanks" saad ko saka ako bumaling kanila Dyzan at Maxine na nag aaway na naman.

"Ewan ko sayo Dyzan, Hindi kita gets!"

"Akala mo naman, naiintindihan kita? In your dreams!"

"Letche!"

"Letche ka rin."

Bahala silang mag away diyan, magbabati rin ang mga yan mamaya. Habang naglalakad kami papunta sa aming Classroom ay bigla akong nakatanggap ng tawag. Napatingin tuloy sa akin si Lawrenz.

"Sasagutin ko lang to." sabay tingin sa phone ko.

"Hintayin na kita!"

Pagkasagot ko ng tawag ay masayang tinig ni Kaira ang bumungad agad sa akin.

"Hello Allys, I missed you so bad!"

"I missed you too!" natawa ako at napatingin kay Lawrenz na nakasalubong na ang kilay.

"Ano bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya.

"May magaganap kasi na Christmas ball dito sa Bright Academy..."

"And?" tanong ko. Yung pinakahinihintay ko na event sa dati kong school, hindi ko mararanasan. Yun kasi lagi ang inaabangan namin ni Kaira nuong Junior pa lang kami. At dahil senior lang ang pwede ay hindi kami nakakasali.

"Ito na yun Sis! My gosh! Excited na ako!"

Napairap ako, pinapainggitan ako ng best friend ko.

"O di ikaw na! Alam mo namang maiinggit lang ako eh. Bakit mo pa sinabi? Hindi ko na nga naalala eh."

Natawa siya sa kabilang linya, mas lalong nagtaka si Lawrenz dahil sa tono ng pananalita ko.

"Ipupuslit kita sa loob." saad niya kaya nanlaki ang mata ko.

"Seriously? Mamaya mahuli ka pa!"

"Hindi!Hindi ka rin mahahalata sa gabing iyon kasi nagkakasiyahan ang lahat. And masquarade ang theme ngayon. So better watch out!" saad niya kaya napangiti ako. Gusto kong pumunta, pero maipapasok naman kaya ako ni Kaira?

"Walang mga teachers sa gabing iyon kasi nga it's for senior highschool students only. December 18 ang Christmas Ball, nauna ko ng sinabihan si Tita kaya for sure magtatawag na yun ng designer para sa'yo!" Kinuntsaba pa talaga ang aking Mama.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon