Chapter 20

40 9 0
                                    

Kinaumagahan ay maaga kaming naligo ni Maxine. Mag i snorkeling kasi kami ngayon at pupunta kami sa ibang Isla. May mga magaganda daw kasing spot duon sabi ni Maxine.

Nagsuot na agad kami ng aming rashguard. Yung dalawa kaya? Magrarash guard kaya?

"Iniisip mo rin ba kung mag rarash guard yung dalawa?" napatingin ako kay Maxine saka natawa. Same talaga kami ng takbo ng utak ng babaeng ito.

"Duh? walang abs yung mga yun. Seventeen palang tayo."

"Sixteen ako." tawa ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Walang abs si Lawrenz?" tanong ko kaya natawa naman siya.

"Lagi ako sa bahay nila at hindi ko nakita na maghubad yang pinsan kong iyan."

"Pinsan kayo?" lumapit ako sa kanya at tumango naman siya.

"Pinsan ko yun. First degree cousin kaya sobrang close kami." Akala ko magkaibigan lang sila.

"Pero walang abs yung dalawa kaya?" tanong ni Maxine kaya natawa kaming pareho. Hindi ko alam kung bakit ba namin sila pinag uusapan.

Paglabas namin ay sakto ring lumabas silang dalawa. Naka rashguard nga sila pero hapit na hapit sa katawan nila yung rashguard. Ang gwapo nilang dalawa.

Hinila ko agad si Maxine, nagpipigil na to ng tili. "Ang hot nila" bulong niya.

"Expected na mag rarash guard mga yun. Masakit sa balat ang sinag ng araw."

"Hindi natin yun naisip ah." Medyo malayo kami sa kanila kaya hindi nila kami maririnig.

Nagbreakfast muna kami saka kami nagtungo sa mga bangka. Nakasuot na kami ng Float vest at dala narin namin ang iba pa naming gagamitin para sa snorkeling.

Pagkarating namin sa  magandang spot ay sinuot na namin ang mga kailangan gaya ng snorkeling fins, snorkel mask at iba pa.

"Hindi ka takot?" tanong sa akin ni Lawrenz.

"Bakit ako matatakot? Andyan ka naman." banat ko sa kanya pero umiling lang siya. Nakita ko pa ang pamumula ng tenga niya.

Bumaba na kami sa tubig at naramdaman ko agad ang tubig na nagbigay ng magandang pakiramdam sa aking katawan. Napatingin ako kay Lawrenz. Sabay kaming sumisid sa ilalim ng dagat at bumungad sa amin ang madaming isda na nagsisilanguyan.

May tinuro siya sa di kalayuan at napatingin ako sa kanya. Tumango naman ako sa kanya at nagtungo kami ruon.

Nilangoy namin ang distansya saka napatitig sa coral reefs na kung saan madaming isda ang naglalaro.

Ang cute.

Tumingin ako kay Lawrenz at saktong nagtama ang paningin namin.Kinurot ko siya sa pisngi at mabilis akong umahon.

"What?" natatawa niyang tanong sa akin.

"Ang gwapo mo" yun lang nasabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Alam ko" Kinurot niya rin ako sa aking pisngi gaya ng ginawa ko kanina sa kanya. Napahinto ako sa pagngiti.

"I have to tell you something." Hinawakan niya ang aking kamay saka kami sabay na lumubog muli sa tubig.

Kita ko pa rin siya dahil sa suot namin.

May sinabi siya ngunit hindi ko maintindihan. Nasa tubig kami, parang tanga naman si Lawrenz.

Pagkaahon namin ay ngumiti lang siya sa akin.

"Ano yun?" tanong ko pero bigla akong tinawag nila Dyzan na nakalapit na sa amin.  Binigyan naman ako ni Maxine ng tingin na what-happened-look.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon