Pagkapasok ng sasakyan sa loob ng Academy ay napabitiw na ako sa pagkakahawak sa aking dibdib. Nahirapan kasi akong huminga kaninang nasa gate kami.
Todo tawa naman ang bestfriend ko kaya inirapan ko lang siya.
"I told you! Maipapasok kita dito ng ganu'n kadali."
"I know right!" pilit kong sagot. Pagkababa namin ay muntikan pa akong matumba.
"Hindi pa tayo nagsasayaw tapos matutumba ka na Ally. My gosh! Hindi mo maeenjoy ang Christmas Ball kapag nagkataon." saad niya
Suot suot na namin ang aming mga mask na nakabagay din sa color ng aming damit. Naglakad na kami papunta sa venue, at kakaibang saya ang naramdaman kong muli na makapasok sa akademyang minahal ko ng sobra.
"It's good to be back, right?" saad niya.
"It's great to be here again."
Kitang kita ko ang pagpapalit palit ng color ng lights sa may fountain sa harap ng admin building.
"Hindi oras ng pagmumuni ngayon." Biro niya sa akin kaya napatingin agad ako sa kanya.
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa venue.
Pinagbuksan kami ng pinto ng mga security saka bumungad sa amin ang eleganteng white christmas theme ng christmas ball.
Everything is perfect.
From the designs, decorations, the music, the attires... It's like we're in a fairytale. Yun nga lang wala yung prince ko.
Nagsasayaw na sila ng pumasok kami rito, tapos na siguro ang opening. And tama nga si Kaira, walang mga Teachers na nandito sa loob.
Napatingin ako kay Kaira ng may magyaya sa kanyang sumayaw kaya naiwan tuloy akong mag isa na nakatayo sa harapan ng mga nagsasayaw na mga seniors.
Nagsimula akong maglakad ng dahan dahan baka may makita rin akong mga kakilala ko. Pero parang mahihirapan ako na maghanap dahil sa mga suot nilang maskara at dahil na rin sa madilim na dance floor.
Napatingin ako sa isang lalaki na umiinom ng isang light wine. Napatingin din siya sa akin at agad siyang ngumisi sa akin.
Binaba niya ang kanyang iniinom saka lumapit sa akin. Tumikhim pa siya bago nagsalita.
"Hi!" ngiti niyang bati sa akin.
"Hello!"
"A gorgeous lady should be dancing right now." saka niya inilahad ang kanyang kamay sa akin kaya inabot ko naman ito.
Napatitig ako sa kanyang mata, kilala ko ba to?
"What section are you from?" tanong niya sa akin.
Hindi ako sumagot kaya napatawa siya konti. Matangkad siya. Halos manginig pa ang aking kamay ng ilagay ko ang kamay ko sa kanyang balikat.
"Who helped you? Is it Kaira?" bulong niya sa tenga ko kaya naamoy ko ang kanyang bango.
"Kite?" bulong ko sa kanya at humarap na siya sa akin saka ngumiti.
"Yes, Beautiful lady!" saka niya ako hinila palapit pa sa kanya.
"How did you noticed me?"
"Your perfume!"
"What?"
"The perfume you used, I just knew one girl who used that perfume." tumitig ako sa kanya
"Ang lakas naman ng pang amoy mo!"
"Syempre,The last time I saw you in the bookstore, agad ko ng namemorize ulit ang amoy mo."
"What?"

BINABASA MO ANG
Chasing You (Completed)
Teen FictionEkilenoz Allystra Delzario was kicked out at Bright Academy, the most highly recommended school in their town. She was involved in a fight that made her staying at Bright Academy ruined. She loves to study at Bright Academy but she can't do anythin...