Chapter 28

40 8 0
                                    

Maulan na umaga ang sumalubong sa akin. Mabilis akong pumasok sa sasakyan. Si manong Gaspar ang maghahatid sa akin dahil sa may urgent meeting sila Papa.

Habang nasa biyahe ako papunta sa North East Academy ay napatitig ako sa mga patak ng ulan na naghahabulan sa pagbaba.

Ang sarap lang sanang matulog sa ganitong lagay ng panahon. Pero wrong timing naman si haring ulan at ngayong Wednesday pa talaga bumagsak.

Every wednesday ay nakapang ordinary kami. Mabuti nalang at di ko sinuot ngayon yung white shoes ko paniguradong madudumihan sana iyon kung yun ang suot ko.

Pinapasok ko sa loob ang sasakyan para hindi na ako mahirapan pang bumaba. May payong naman akong dala pero mas maganda nalang na ipasok ang sasakyan.

Nang papunta na ako sa aming classroom ay mangilan ngilan ang nakikita kong estudyante. Dahil na rin siguro sa lagay ng panahon.

Pagkarating ko sa aming building ay sinarado ko na ang payong ko saka naglakad na papunta sa aming classroom ngunit bigla akong hinarang ng mga junior high school. Tatlo silang lalaki saka may kasama silang isang babae. Bakit sila napadpad dito?

"Ate, saan dito ang building ng Humanities and Social Sciences?" mabilis ko namang binigay sa kanila ang direksyon.

"Anong sadya niyo duon?"

"May kakausapin lang po. Sige po ate, Thank you!" pinagmasdan ko nalang sila na naglakad papalayo.

Humanities and social sciences? Napatingin ako sa aking relo at maaga pa naman. Imbes na maglakad ako pakanan ay pinili kong tahakin ang nasa aking kaliwa. Papunta ito sa building ng mga HUMSS.

Gusto ko lang icheck kung makikita ko muli yung babaeng iyon. Ngunit sa ilang beses kong subok ay hindi ko na naman siya nakita kaya nagpasiya nalang ako na pumunta sa aking locker para ilagay ang basa kong payong.

Pagbukas ko ng aking locker ay bumungad sa akin ang isang bouquet ng pulang roses. Hindi ko alam kung kanino ito galing kasi wala namang nakalagay na pangalan. May nakadikit na salitang "I" anong meron? Tumingin ako sa paligid, sino naman sana ang magbibigay sa akin nito? May kasama pa siyang strawberry na nakalagay sa  isang container.

Infairness, alam niya ang paborito kong prutas!

Kinuha ko nalang ang strawberry saka iniwan ang flowers, baka tanungin lang ako ng mga kaklase ko kung kanino nga ba galing iyon. Atleast itong strawberry hindi nila mapapansin.

Pumasok na ako sa classroom at nadatnan ko sila Lawrenz at Maxine na nag uusap. Napatingin ako sa aking upuan at may nakita na naman akong isang coke in can.

Napatingin si Lawrenz sa hawak ko at napakunot ang noo niya.

"Nakuha ko sa locker ko, do you want?" napatingin din sa akin si Maxine saka kinuha ang strawberries.

"Damn!" bulong ni Maxine kaya napatingin ako sa kanya. "So sweet!" saka niya nginuya ang isang piraso.

"Kanino to?" tanong ko sa coke in can na nasa table ko.

"I don't know! Nadatnan na lang namin yan ni Lawrenz." saad ni Maxine habang sumusubo na naman ng panibagong strawberry. Napatingin ako kay Lawrenz at nagkibit balikat lang siya.

Kinuha ko ito at napansin ko agad ang sticker na nakadikit.

May nakasulat na "Can" same font sa nakuha ko kanina sa locker ko.

"I can?" bulong ko at napatingin si Lawrenz sa akin.

"May manliligaw ka bang iba?" tanong ni Maxine kaya natawa lang ako.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon