"Lawrenz, please! Hindi ako manghuhula dito na kung saan huhulaan ko kung anong meron. Kung anong rason mo. Just give me your reason kung bakit ka nakipaghiwalay sa akin. Sabihin mo na nang matahimik na ako. Kasi..." napailing ako saka nag iwas ng tingin "Kasi... Tangina, hindi ko talaga maintidihan ang lahat."
Narinig ko ang mahina niyang mura kaya napatingin ako sa kanya. Ang kanyang mga mata ay nangungusap at makikitaan ng awa. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. It's been a month but still here I am, still chasing him to get an answer.
"Lawrenz!" medyo napalakas na ang sigaw ko na ikinagulat niya.
"Ang gago mo!" saad ko.
"I know." nag iwas siya ng tingin saka huminga ng malalim.
"Sobra." natahimik kaming dalawa. Nasa harap na kami ng bahay pero hindi pa ako bumababa sa sasakyan niya para pumasok sa loob. I need his answer, I need to know his reason. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo. Kinausap ba siya ni Papa nuong birthday ko? Sinabihan ba siya ni papa na hiwalayan ako. Kaya ganito nalang kami bigla ngayon? Hindi ko masunod si Papa kaya sa iba niya inutos, na kay Lawrenz niya sinabing hiwalayan ako?
Posible diba? Ang babaw naman kung ganun.
"Why did we ended here?"
"Dahil hindi tayo pwede."
"Ipaintindi mo sa akin kung bakit hindi tayo pwede. Kasi wala akong makitang dahilan para sukuan ka. I still love you Lawrenz. Walang gabing hindi kita inisip. Gago nga eh, sinaktan mo na ako't lahat lahat pero hinahabol pa rin kita. Na mahal pa rin kita. Ang rupok ko no? Ganuon ako karupok sayo! Na kahit ilang beses akong umiyak, ikaw pa rin at ikaw pa rin ang nasa isip ko." Hindi siya nakapagsalita. Mas lalong nag init ang dugo ko sa kanya.
"Lawrenz naman!" sumigaw na ako sa kanya. "ANO NA? WHY CAN"T YOU TELL ME?!" halos mamaos ako sa pagsigaw kong ginawa.
"Fuck!"
"Ano ba Lawrenz?"
"Pumasok ka na."
"Ayoko! Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi sa akin ang rason mo."
"Hindi mo na kailangan malaman kasi hiwalay na tayo."
"I still need to know! Kasi lagi kong tinatanong sa sarili ko kung saan ako nagkamali."
"Damn it! Wala kang pagkakamali."
"Then what? Ano nga? Bakit biglang nagkaganito? Ang kulit mo Lawrenz! Just tell me everything...yung direct to the point!" I demand to him.
"Pagkatapos kong masabi sa'yo ang rason ko natitiyak ko na hindi mo na ako hahabulin, na lahat ng nararamdaman mo para sa akin ay mawawala na. Na hindi mo na ulit ako kakausapin..." diretso niyang saad.
"I destroyed your dreams." he said in a small voice. But I barely heard it. What does he mean?
"You destroyed your promises!" pagtatama ko sa kanya. Napailing siya sa akin.
"I know! After you will heard everything, you'll curse me to death."
"You'll hate me that much!" I took a deep breath. My heart beats so fast, I can barely feel it.
"You'll regret that you loved me." Your making me confused Lawrenz.
"You'll regret that you still chased me even though I rejected you so many times." I looked at him with a confuse eyes.
"What do you mean?I don't get you."
"You'll regret that you loved this guy who ruined your dreams."
BINABASA MO ANG
Chasing You (Completed)
Teen FictionEkilenoz Allystra Delzario was kicked out at Bright Academy, the most highly recommended school in their town. She was involved in a fight that made her staying at Bright Academy ruined. She loves to study at Bright Academy but she can't do anythin...