Chasing You

49 5 0
                                    

"O my G! Look Ally, same hospital kayo ni Lawrenz. Same kayo ng immersion site." kinikilig niyang sabi.Tumitig naman ako sa kanya saka ngumuso.

"Nako! Ally! Mali ako na magkakabalikan kayong muli sa Batangas pero ngayon? Nafi-feel ko na tama na ang hinala ko. Magkakabalikan na kayo this time. Look at your schedule. From one pm to 5 pm. Diretso hanggang December." napailing nalang ako sa sinabi niya. Hanggang ngayon kasi ay naniniwala pa rin siya na magkakabalikan kaming dalawa na mukhang malabo naman na.

"Maxine, tanggap ko na okay. Tulungan mo nalang akong magmove on. Malalim ang pagkakahulog ko at parang ang hirap umahon."

"Girl naman! Don't give on him. Ano ba? Iyan ba si Ally? Don't get tired on chasing him. Mahal ka pa nun ramdam ko." saad niya saka itinaas taas ang kanyang dalawang kilay. "Kaya 'wag kang ma wawalan ng feelings sa kanya.Andami kong gustong sabihin pero baka masapak ako ng pinsan ko eh." binulong niya ang huli niyang sinabi pero narinig ko naman. Nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa sinabi niya.

"Ano raw?" pag-uusisa ko.

"Char! Wala. Basta ramdam kong mahal ka pa non. Basta wag kang mapapagod, medyo topakin ang pinsan ko eh. Ang arte arte. May guilt guilty pa siyang nalalaman."

"Do you know something?" tanong ko sa kanya. Base sa kanyang pananalita ay meron nga siyang nalalaman.

"Wala ah." pagsisinungaling niya. "Sige bye. Alis na ako. pumasok ka na sa klase mo at ioorient na kami ngayon sa immersion site namin." kumaway siya sa akin kaya naman tinignan ko nalang siya palayo. 8-12 kasi ang nakaassign sa kanila samantalang  1-5pm ang kalahati sa amin.

Magkaklase kami ngayong umaga at mamayang hapon naman sila. Bali ganito lagi ang magiging schedule namin. Hanggang December ang Immersion namin. It's almost a month. Today is third week of November katatapos namin mag entrance exam sa Bright nuong last week. Kabado man pero sabay sabay kaming sumubok na apat.

May dalawang upuan ang nasa pagitan namin ni Lawrenz. 8-12 rin kasi ang schedule in Dyzan. Napabuntong hininga ako saka lumapit ng upuan. Umupo ako sa tabi niya. Nagtaas siya sa aking ng tingin ng umupo ako sa tabi niya. Mukhang maghahabol pa rin talaga ako sa kanya.

After all those things that happened to us, still here I am don't get tired of chasing him.

"Tatabi ako." casual kong saad. Parang walang nangyaring hindi maganda sa amin sa nakaraan.

"O-okay." nahalata ko ang pagkautal niya. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. I can feel it, he still loves me. I know!Naalala ko ang sinabi ni Maxine kanina, is he still guilty about what happened to me in Bright Academy? Nagi-guilty pa rin siya kung bakit ako nakick out?

Pagsapit ng break time namin ay agad ko siyang niyaya sa cafeteria. Mukhang binibigyan kami ulit ng tadhana para bumalik sa dati. Wala yung dalawa dahil sa immersion nila kaya kami lang ngayon.

"Ako na oorder." saad niya at nagsimulang pumila. Hindi ko maiwasang mapangiti.Matagal ko ng kinalimutan ang nangyari sa akin sa Bright, at pinagsisihan ko na rin ang lahat. Ang gusto kong mangyari na lang ngayon ay bumalik kami sa dating kami. At mukhang babalik nga, kasi heto na naman ako maghahabol sa kanya.

Kumain kaming sabay at hindi ko maitago sa aking pananalita ang tuwa. Pero mukhang hindi naman niya iyon nahalata.

"Magkano Lawrenz?" tanong ko pagkatapos kong maubos yung binili niya. Tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala.

"Huh?"

"Hotdog!" bulong ko.

"Huh?" mas lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon