Chapter 5

71 14 0
                                    

"Uy! Ano? Tulala ka na naman diyan? Umayos ka nga!" at heto na naman si Dyzan. Mang aasar na naman to panigurado.

"Wag kang mang asar ngayon Dyzan at baka maisipa ko tong paa ko sayo!"

"Okay na ba?"

"Mas okay pa sa okay!" saad ko saka inayos ang gamit ko.

Napatingin ako bigla sa pintuan ng biglang umingay ang klase.

"Okay ka na ba Lawrenz? Bakit pumasok ka na ngayon?"

"Oo nga pre? Okay ka na?"

"Oo. Salamat nga pala kahapon sa pagdala sa akin sa Clinic!"

"Nako pre! Wala yun." Tumango lang si Lawrenz saka tinapik ang dalawa.

Nang papunta na siya sa kanyang upuan ay napatingin siya sa akin. Naalala ko yung nangyari kahapon.

Pero baka ganuon lang talaga siya kapag may lagnat.

"Hoy!" bigla akong napatingin kay Dyzan ng iwinagayway ang kamay niya sa harap ko.

"Ano?"

"Kanina pa ako nagsasalita dito pero todo titig ka diyan kay Lawrenz. Type mo siya?" tanong niya sa akin kaya nanlaki ang aking mga mata.

"Crush mo siya no?" at talagang nilakasan niya pa ang pagkakasabi niya. Napatingin tuloy sa amin ang mga kaklase ko pati si Lawrenz ay napatingin sa amin.

Nasa amin na ang atensyon nila. What did you do Dyzan?

"Huh? What are you talking about? Are you out of your mind? Where the hell did you get that assumption? My goodness, Dyzan!"

"Huwoow! Ang daming sinabi ng taong ito." saad niya. Natawa naman ang iba naming kaklase. Masyado ba akong naging OA?

"Yiieh si Allys may nagugustuhan na sa room!" pang aasar ng isa kong kaklase na lalaki.Napatingin ako sa kanya saka siya sinamaan ng tingin.

"Bahala kayo. Bahala kayo sa kung ano ang iisipin niyo." umupo na silang lahat dahil dumating na ang aming teacher. Nakakahiya ang ginawa ni Dyzan. Bakit kailangan niya pang lakasan? Eh hindi naman totoo yung sinabi niya.

"Allystra, are you mad at me?" bulong niya.

"Don't talk to me. I'm trying to listen here."

"Allystra, sorry. I didn't mean it. I just didn't control my voice"

"Please, you're disturbing me."

"Allystra, What I've said a while ago is just a prank, kinda joke... I was just teasing you."

"I know!"

"So why are you mad at me?"

"Sige English ka pang Bwisit ka!" saka ako tumingin sa kanya.

Napailing lang naman siya saka natawa. Abnormal talaga.

Nang matapos ang first period namin ay pinapunta kaming lahat sa function hall. I o-orient daw kami para sa darating na acquiantance night. Malapit na pala iyon. Wednesday na ngayon. Ilang araw nalang at Acquaintance na.

"Excited ka na ba?" inakbayan ako ni Dyzan habang papunta kami sa function hall.

Tinggal ko naman ang pagkakaakbay niya sa akin kasi ang bigat ng kamay niya. "Bakit naman sana? Eh typical lang naman na sayawan at salu-salo."

"Well, Tignan lang natin kung magiging typical nga talaga!"

"Huh?"

"Hotdog"

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon