Sa loob ng isang linggo ay hindi ko na muling nakita ang babae. Ibang klase siya. Ilang beses akong nagpabalik balik sa building ng mga Humanities and social sciences ngunit bigo akong makita siya.
Hindi naman ako namalikmata nu'ng nakita ko siya. Hindi ako nagkamali, alam kong siya yun. Tandang tanda ko ang pagmumukha ng babaeng iyon.
"Lagi kang may hinahanap, sino ba yun?" tanong sa akin ni Lawrenz.
"Wala." hindi ko alam pero ito lagi ang naisasagot ko sa kanya kapag nagtatanong siya sa akin.
Hindi naman na siya nagtatanong kapag sinagot ko siya, nasa mukha niya ang pagtataka ngunit hindi niya magawang kulitin pa ako sa bagay na nanggugulo sa akin.
Madalas na rin na hindi kami nagsasama nila Dyzan tuwing break time. Minsan lamang kami nagsasabay sa lunch break pero syempre nag uusap pa rin naman kami sa loob ng klase. Yun nga lang ay hindi na kami palaging nagsasabay.
I hope he's already fine.
Isang linggo na ang lumipas simula ng unang pasok ng second sem at sa loob ng isang linggong iyon ay iba't ibang emosyon na ang aking naramdaman.
"Hindi pa rin ba kita masusundo?" natatawang tanong ni Lawrenz sa akin habang nanunuod kami sa ibang section na nag P-Pe.
Vacant namin ngayon at nasa field kami. Nakasilong kami sa isang puno habang pinapanuod ang ibang section na naglalaro ng softball.
"Lawrenz, hatid sundo ako ni Papa araw-araw. Hindi ko nga alam kung bakit eh" napasimangot naman siya saka napatingin sa mga naglalaro.
Hinawakan ko ang pisngi niya kaya napaharap siya sa akin. Ang gwapo ng taong gusto ko, Ang gwapo gwapo niya at anytime ay pwede siyang mag artista. How much more kaya kapag mas nagmature na kami?
Kinurot ko siya sa pisngi kaya napadaing siya sa sakit. Sa kanyang pagpikit ay mas napagmasdan ko ang pilik mata niya na mahaba.
Tumigil ako sa pagkurot sa pisngi niya pero hawak ko pa rin ito.
"Ang gwapo mo Lawrenz Jan." ang kanyang maliit na nunal sa gilid ng labi niya at sa kanyang sentido ay sobrang litaw dahil sa makinis niyang mukha.
Kinuha niya ang kamay ko sa kanyang mukha saka niya ito inilagay sa kamay niya.Magkahawak kamay tuloy kami.
"Lawrenz, san ka mag aaral sa college?" tanong ko saka ko nilaro ang mga kamay niya. Kamay niya na dati ay mahirap abutin ngayon ay halos araw araw ko ng hawak.
"Sa College Bright Academy kung papalarin." saka siya ngumiti sa akin.
Duon ko rin balak, papayagan naman ata ako na magtake ng admission test kasi sa B.A. lang naman ako na banned.
"Ako rin."
"May kapatid ka ba Allys?" tanong niya sa akin kaya napailing ako.
"Wala, Only daughter. Pero madami akong pinsan na katulad mo." saad ko saka ngumiti.
"Tulad ko?" nagtataka niyang tanong.
"Oo, tulad mong gwapo." mas pinaglaruan ko ang kanyang mga kamay.
"Talaga lang ah?"
"Oo naman. Ikaw ba may kapatid ka ba?" sa tanong kong iyon ay medyo napahinto siya saka ngumiti ng malamya.
"Meron." napalunok ako sa sinabi niya.
"Eh? bakit hindi ko nakikita? Nag aaral din ba dito? Ilang taon na siya?"
"Mas matanda ako ng isang taon. Same level."
"Bakit hindi ko siya nakikita sa campus."
"She's sick."
BINABASA MO ANG
Chasing You (Completed)
Fiksi RemajaEkilenoz Allystra Delzario was kicked out at Bright Academy, the most highly recommended school in their town. She was involved in a fight that made her staying at Bright Academy ruined. She loves to study at Bright Academy but she can't do anythin...