Chapter 12

50 10 0
                                    

Nang gabing iyon ay hindi ko pinahalata kanila Maxine na medyo nasaktan ako sa mga sinabi sa akin ni Lawrenz. Pero kahit na ganuon... hindi ko pa rin magawang makumbinsi ang sarili ko na pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya.

Parang sa droga lang iyan,How to stop If you're already addicted?

Paparehab ka?

Ilang gabi na naman akong ganito. Laging malalim ang iniisip. I know I'm to young to enter this kind of situation but the F, I really like him.

Habang tumatagal ay lalo ko siyang nagugustuhan. Hindi pa rin ako nadala sa mga sinabi niya at heto pa rin ako hinahangaan siya.

Paano ba huminto? Kung araw araw lagi ko siyang nakikita diba? Paano ako hihinto kung ganito lagi.

This is not normal. Allystra hindi ka ganito. Hindi ka ganito. Hindi naman talag, pero bakit ka nagkakaganito.

Sunday ngayon at naisipan ko siyang ichat sa messenger. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko.

"Good evening,Lowrens!" mabilis naman niya itong naseen. Akala ko magrereply siya pero wala akong natanggap.

Napatawa naman ako. First time ko atang maseenzone.

"Seenzone? Wala manlang greetback?" sinend ko ulit at mabilis ulit na seen.

Nakita ko naman yung symbol na nagtatype siya, bigla tuloy akong natuwa.

"Good evening!" Napahiga ako sa aking kama dahil sumunod nga siya sa gusto kong mangyari. nagtipa ulit ako ng aking sasabihin.

"Absent ka nuong Friday ah. Bakit?"

"Nagkasakit ako."

"Okay ka naman na ba?"

"Medyo."

"Magtake ka ng gamot mo. Uminom ka naman na ba?"

"Oo."

"Mabuti naman kung ganuon. May kasama ka naman ngayon sa bahay niyo? Nuong Friday pa yan tapos hanggang ngayon hindi ka pa okay? Dapat nagpatingin ka na sa doctor." napaupo ako sa aking kama sumandal ako sa head board saka ako napatingin sa kisame.

Ilang saglit pa ay biglang tumunog ang phone ko.

"No need. Okay na ako." ang bilis naman maging okay. Nakaisip tuloy ako ng kalokohan.

"Okay ka na kasi kausap mo na ako?" tipa ko at pagkasend ko ay bigla akong napasigaw. Ang harot naman ata masyado.

"ASA!"

Tatlong letra pero ang sakit huh.Mabilis akong nagtipa ng sasabihin "Crush, ganyan ka ba sa admirer mo?" send ko sa kanya.

"Hmmmmm"

Napasalubong ako ng kilay dahil sa reply niya.

"Ang harsh mo crush." Ang tagal bago niya na seen. Madami sigurong kausap o sadyang busy lang siya o ayaw niya talaga akong kausap.

"I'm just being honest here."

"I'm being honest too here. Pag sinabi kong gusto kita gusto talaga kita." saad ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Pag sinabi kong tumigil ka. Tumigil ka na." napakagat ako ng labi dahil sa sinabi niya. Binato ko tuloy yung unan na hawak ko.

Bakit ganito ka Lawrenz. Kinain ko na ang lahat ng kahihiyan sa katawan ko para lang gawin ang mga bagay na di ko naman talaga ginagawa dati.

"How to stop myself from liking you?" napatunganga ako sa mensahe na sinend ko. Agad naman niyang naseen kaya humiga na ako ng maayos. Hindi ako makakatulog dahil dito.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon