Chapter 36

28 7 0
                                    

"Babe? Asan kana? Malapit na ang oras ng klase." nagulat ako sa bumungad sa akin. Tumawag sa akin si Lawrenz. Medyo na late ako ng gising kaya hindi ako nakapasok ng maaga at traffic pa sa daan.

"Malapit na ako. Nasa second floor na ako." binaba ko na ang tawag at pagkarating ko sa classroom namin ay nakapamulsang nakatayo si Lawrenz sa harapan ng pintuan.Nagtama ang mata namin at ngumiti naman ako sa kanya.

"Good morning!"

"Good morning too." saka ako ngumiti.

"Maaga ako pumasok pero wala ka." ramdam ko sa boses niya ang pagkaseryoso. "Nahuli ka ba ng gising?"

"Oo eh, at saka natraffic kami kanina kaya mas lalo akong natagalan. Akala ko nga ay malelate na ako kanina."

Tumitig siya sa akin kaya medyo napaiwas ako. Anong meron Lawrenz? Hindi ako sanay sa ganyang mga tingin mo.

"Tara, baka dumating na si Ma'am" yaya ko sa kanya saka ako unang pumasok sa loob. Ngumiti ako kanila Dyzan at Maxine na nag-aasaran na naman. Hindi na ako magtataka na sa huli ay sila ang magkatuluyan.

Chemistry ang first subject namin ngayong umaga kaya nakakatakot malate. Mabuti nalang at nakaabot pa ako.

"Good morning class." bati ng aming guro kaya naman ay bumati kami pabalik sa kanya.

"Congratulations to Lawrenz. He got the highest score." saad ng aming guro kaya napatingin ako kay Lawrenz at napathumbs up. Pumalakpak ang iba kaya naman bahagya siyang ngumiti.

"Nice one,babe!" bulong ko.

Ngumiti naman siya "Libre mo ko!" biro niya.

Bigla akong napatingin kay Ma'am ng bigla niya akong tawagin. "Ms. Delzario?" nakakagulat ang pagtawag na iyon. Hindi ganuon kalakas pero ramdam mo yung authority.

"Ma'am?" Tumingin siya sa akin saka tumingin muli sa aking testpaper. Napapisil ako sa aking daliri.

"Is there something bothering you lately? You got a low score in your previous quiz. You got 70 points out of 120 items. What happened?"

Napakagat ako ng aking labi sa sinabi ni Ma'am. Aminado ako na marami akong mali pero hindi ko ineexpect na ganuon nga karami. 50 points?

"Anong nangyari?"

"I'm sorry ma'am."

"It's okay. Bawi ka next time. Lawrenz got 115 points, and Dyzan got 110 while Alden got 100 points. Good job boys!" pagkatapos batiin ni ma'am ang tatlong pinakamatataas ay nagsimula na siyang magdiscuss.

"It's okay, Babe." naramdaman ko ang paghawak ni Lawrenz sa aking kamay. Napatingin ako sa kanya saka ngumiti. First time ko atang nakakuha ng ganung kababang score.

"Is there something bothering you?" tanong niya at agad naman akong umiling.

"Wala lang siguro ako sa focus." Hindi na kami nag usap pa ni Lawrenz at nakinig nalang sa discussion.

Pagsapit ng break time namin ay napagplanuhan namin yung paggawa ng output namin sa Biology.

"Nine ng umaga kami pupunta sa inyo"

"Okay lang" binuksan ko yung bottled water ko saka tumingin kay Dyzan.

"Mabilis lang kaya natin matatapos iyon? Magdadala ako ng mga pwede nating panuorin after." nabaling kay Maxine ang aming mga tingin.

"Kung magfofocus tayo ay matatapos nga natin iyon ng maaga." sagot ni Lawrenz. Umakbay sa akin si Lawrenz "Gusto mo pang kumain?"

"Busog na ako babe!"

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon