Chapter 25

34 6 0
                                    

Siguro naman wala ng nararamdaman si Lawrenz para kay Gail diba? Nakamove on na siya... Tama nakamove on na siya. Kasi kung hindi bakit siya nagiging ganito sa akin? Bakit siya gumagawa ng mga bagay na di naman niya talaga gawain?

Alam ko sa sarili ko na ilang beses niyang sinabi sa akin ni Lawrenz na hindi niya ako magugustuhan dahil may mahal siyang iba. Pero matagal na iyon. Pero look at now, his words and actions are quite the same. Nagtutugma ang lahat.

Feelings fade,right? And I hope Lawrenz is really hitting me. He's into me. If still he's into her then I'm out! I will lose the game. But this is not a game, of course. This is real.

Kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng sasakyan. Mabuti nalang at tumigil na rin si Papa kakapangaral sa akin tungkol sa boyfriend boyfriend na yan. Of course, Wala naman kasing nanliligaw diba?

Hindi ko nga alam kung nililigawan ba ako ni Lawrenz or ano lang. I don't know.

Anong label namin?

Ewan ko.

Basta ang alam namin, gusto namin ang isa't isa.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay humilata agad ako sa kama. Magpapahinga lang ako saglit saka ako magshashower.

"Just got home, Renz." sinend ko sa kanya at saka ko pinagmasdan ang picture naming dalawa. Sana nga lang ay totoo ang pinapakita mo sa akin at hindi mo lang ako ginagawang panakip butas.

Sa dami ng nabasa kong stories ay gasgas na yung ginagawa kang rebound. Kung nagkataon na mangyayari yun sa akin ngayon...

Natigil ako sa pag iisip ng marecieve ko ang mensahe niya.

"Same! Magpahinga ka muna bago ka magshower ulit."

"Yap!" reply ko agad.

"I'll fetch you tomorrow." naalala ko na naman yung sinabi niya kanina. Pero naalala ko si Papa. Baka tanungin niya na naman ako tungkol kay Lawrenz. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kung nagkataon. Maaga ba sila Papa na aalis bukas papuntang trabaho?

"I'm not sure, Lawrenz. Papa might see us if you'll go here."

Agad kong sinagot ang tawag niya saka kinuha ang isa kong unan.

"Bakit? So hindi kita pwedeng sunduin bukas?" tanong niya at bakas sa boses niya ang pagkadismaya.

"Tatawagan kita bukas kung maaga silang aalis para masabi ko rin sayo ng maaga kung masusundo mo nga ako."

Nag usap pa kami at naiopen ko sa kanya na ayaw ni Papa na pumasok muna ako sa relasyon. Ayaw niya ng ligaw ligaw at lalong lalo na ang magkaroon ng boyfriend. Pagkasabi ko sa kanya ay natahimik siya.

"But of course Lawrenz, alam ko naman ginagawa ko kaya don't worry. Nagiging super protective lang naman si Papa."

"But still, we need to obey your Papa." Mahina niyang sabi kaya napaayos na ako ng buhok.

Kinaumagahan ay agad ko siyang tinext na hindi siya pwedeng pumunta sa amin kasi hindi papasok sila Papa.

"So, see you later?" saad ko at napakagat ako sa aking labi.

"Sure!"

"Ingat sa pagmamaneho Lawrenz."

"Of course Allystra. See you later!" saka ko pinatay ang tawag. Napatingin ako sa salamin saka inayos ang aking ponytail. Sinipot ko pa ang aking itsura bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.

Pagkatapos naming kumain ay kinuha ko ang tuna sadwich saka ito binag. Hinihintay na ako ni Papa sa kotse kaya mabilis na ako na lumabas ng bahay. Nagpaalam pa ako kay Mama bago ako pumasok sa sasakyan.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon