Pagdating ng Weekend ay nagpaalam ako kanila Papa at Mama na aalis ako. Hindi nila tinanong kung saan ang punta ko at basta nalang akong pinayagan. Akala ko ay hindi nila ako papayagan.
Nauna silang umalis. Kahit Sabado ay may trabaho pa rin silang inaasikaso.Susunduin ako ngayon ni Lawrenz sa bahay. We're going to unwind. Masyado kaming nahirapan these past few days. Ang damin ginawang requirements idagdag mo pa ang exam.
Nang dumating na si Lawrenz ay mabilis siyang bumaba sa kotse niya. Naamoy ko agad ang kanyang bango. Ngumiti ako sa kanya. "Good morning babe!" bati niya sa akin.
"Good morning too. Saan tayo ngayon? Sa Mall?"
"Ikaw bahala babe. Kung anong gusto mong mangyari susundin ko."
"Naks naman Babe! Level up ah." natawa siya bahagya dahil sa sinabi ko.
"Oh saan mo ba gusto pumunta?" tanong nito sa akin.
"Sa mall na nga lang. May nakita akong magandang movie na showing ngayon. Gusto ko panuorin yun." excited akong pumasok sa sasakyan niya. Mabilis siyang umikot para sumakay sa front seat.
"Horror ba yun babe?" tanong niya pero umiling ako.
"Hindi, thriller naman siya ngayon." saad ko kaya siya napatango.
"You really love suspense ah."
"Of course babe. Pero syempre mas mahal kita." ngumiti ako ng pagkatamis tamis at namula na naman ang kanyang mga tenga. Sumulyap siya sa akin habang nagmamaneho siya.
"You really know how to make my heart beats so fast."
"Ikaw din naman eh. Dating mo palang nababaliw na ang sistema ko."
"Grabe ka naman sa baliw!" saad niya.
"Baliw nga ako, Baliw sayo!" natawa ako at saka kinuha ang phone ko para picturan siya habang nagdadrive. "Lawrenz, don't look. Just focus on driving. Para kunware stolen to." natawa siya kaya sinamaan ko ng tingin.
"Ninanakawan mo na nga ako ng litrato eh. Ganyan ka ba nuon sa akin?"
"Hoy! Hindi ah. Hindi ako nanguha ng stolen pic mo. Ini stalk lang kita sa fb. Yun lang!" Mas lalong lumaki yung ngiti niya.
"Ang gwapo mo naman kasi babe. Yun nga lang suplado ka." seryoso siyang tumingin sa akin.
"Atleast seryoso." bigla akong napaiwas ng tingin sa kanya. "Alam ko naman Lawrenz. Mas seryoso ako."
"Mas mahal naman kita."
"Ang corny babe." natawa kaming pareho. Nang makarating kami sa mall ay mabilis na pinarada ni Lawrenz ang kotse niya sa likod. Ilang saglit pa ay pumasok na rin kami.
Bumili agad kami ng ticket at saka ng mga pagkain. Madami akong balak gawin ngayong araw. Hindi na kasi ako kinulit pa ni Papa tungkol sa pakikipaghiwalay ko kay Lawrenz. Siguro ay nag usap na sila ni Mama tungkol dito.
Pumasok kami sa loob at sa bandang mataas kami umupo. Mas maganda duon para hindi mangawit ang aming mga leeg. Umupo ako at talagang dala ko na ngayon yung jacket na binili ni Lawrenz nuong nanuod kami nuong Christmas. Nakalongsleeve naman siya kaya paniguradong hindi lalamigin ang bebe ko.
"Babe! Ang tapang mo talaga nuong birthday ko. San mo nakuha yung lakas ng loob mo para kumanta sa harap ng mga bisita ko at sa parents ko? Kita mo ba reaction nila kuya Aldrix? Bumilib daw sila sa lakas mo. Naks botong boto ang mga pinsan ko sayo." natawa ako dahil napakagat siya ng labi niya.
"Wala kasi akong regalo sayo diba?"
"Huh? Ano yung binagay mo na bracelet?"
"Para sa birthday mo yun. Yung kantang ginawa ko para sa monthsary natin." Talagang di niya nakakalimutan ang monthsary. He really value that thing.

BINABASA MO ANG
Chasing You (Completed)
Teen FictionEkilenoz Allystra Delzario was kicked out at Bright Academy, the most highly recommended school in their town. She was involved in a fight that made her staying at Bright Academy ruined. She loves to study at Bright Academy but she can't do anythin...