Chapter 14

48 8 0
                                    

Dahil matunog ang pangalan ko ngayon sa campus ay hindi muna ako mag iingay. Ayoko na nang napag uusapan.Masakit sa tenga. Ang dami nilang sinasabi di naman nila alam yung buong istorya.

Sino naman kaya ang baliw na nagpakalat ng mga maling balita?

Hindi ko naman as in na hinahabol si Lawrenz. Hindi naman ako nagmakaawa na gustuhin niya rin ako pabalik. I just want to show my feelings to him. Wala naman akong ibang ginawa kundi iparamdam iyon.

Hindi ko sila magets.

Kung gusto nila bakit di rin nila gawin yun sa mga crush nila? Hindi naman masama magexpress diba? At saka... Hindi ko matandaan na sumosobra na nga talaga ako sa aking ginagawa.

I know naman kung saan yung limitation ko at alam kong hindi ko pa yun nararating.

Ewan ko sa kanila...

At tsaka ano daw? Nagbalikan na si Gail at Lawrenz? Hindi ko yun alam ah. Kung alam ko man syempre di na ako lalapit kay Lawrenz. Hindi naman ako ganuong klaseng babae.

Naiinis ako! Malaman ko lang kung sino ang nagpakalat ng mga maling tsismis na yun ay talagang masasabunutan ko.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa aming sasakyan. Maaga ako ngayon. Maaga na naman. Gusto ko lang. Ayoko muna kausapin si Lawrenz at talagang pati sa kanya ay medyo naiinis ako. Medyo lang naman.

Bakit di niya kasi itama yung balita na kumakalat na mali naman talaga.

Naalala ko na naman yung sinabi ng kabilang section sa akin. Pinamukha pa talaga, mali naman yung bintang niya. Ang sarap niyang murahin eh.

"Oh, Ally? Balita namin pinipilit mo si Lawrenz na mapasayo? Ayaw nga sayo nung tao diba? Kaya wag mong pilitin." napairap ako sa sinabi niya.

"Hindi ko alam kung anong nakain mo Ally at nagpapakabaliw ka diyan sa lalaking iyan? You're pretty naman , bakit di ka duon sa mga lalaking naghahabol sayo at nang hindi ikaw ang humahabol." tinuro pa niya yung mga lalaking nakatingin sa akin.

"Hindi ko alam kung saan mo nakuha yan." natawa ako bigla kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Well. Sige ipagpatuloy mo lang yang ginagawa mo. Mukha kang Tanga!" saka siya umalis. Agad namang lumapit sa akin ang tatlong lalaki.

"Hi Ally!"

"Can we be friends?"

"AlLy, Nilo nga pala!"

Hindi ko sila pinansin at umalis na ako sa kinaroroonan nila.

Sa tuwing naalala ko mga nangyari kahapon ay talagang nag iinit ang aking dugo.

Pagdating ko sa campus ay agad na akong pumasok sa classroom. Nadatnan ko agad si Lawrenz pero di ko siya binati ng gaya kong pagbati sa kanya araw araw.

"Ally." tawag niya sa akin.

"Ano?" medyo pabalang na pagsagot ko. Umupo ako sa aking upuan saka ko siya hinarap.

"The rumors..."

"I know." hindi ko na siya pinatuloy sa sasabihin niya.

"Hindi naman yun totoo so bakit ako papaapekto." saad ko. Nakita ko naman na napalunok siya.

"Kung sino man yung nagspread ng tsismis na nagmamakaawa ako sayo na gustuhin mo rin ako pabalik ay talagang makakatikim siya sa akin.Hindi naman ako nagmakaawa sayo diba? Hindi naman. " saad ko saka siya tumango.

"Ayaw mo lang na ituloy ko yung nararamdama ko kasi ayaw mong masaktan ako." saad ko pa na ikinatango niya ulit.

"Diba? Yun lang. Tapos sabi ko hayaan mo lang ako."

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon