Chapter 45

28 4 0
                                    

"Babe? Is there something bothering you?" Mabilis akong umiling kay Lawrenz saka ngumiti. It's our PE time at nasa gym kami ngayon. Nag-aaway na naman yung dalawa kong kaibigan dahil nakalimutan daw ni Dyzan yung monthsary nila. Today is March 1. Ilang araw nalang at bakasyon na namin.

"Nagugutom ka ba?" tanong niya. Naglalaro ngayon yung dalawang team ng basketball. Nasa bleachers lang kami na nanunuod. Katatapos maglaro ni Lawrenz kaya andito siya ngayon sa akin tabi.

Sa totoo lang ay iniisip ko pa rin yung sinabi sa akin ni Papa. Ayoko. Hindi ako makikipagbreak kay Lawrenz dahil lang duon.

"Hindi ako nagugutom. Nagbreakfast ako sa bahay kanina. Ikaw ba? Nagugutom ka ba? Sasamahan kita sa cafeteria kung nagugutom ka."

"Hindi na babe. Hindi naman ako nagugutom eh."

Nag-aaway pa rin ang dalawa hanggang sa nag break time kami. Hindi sumama si Maxine sa amin sa cafeteria kaya nakapag-usap usap kami. Ganito pala ang pakiramdam ng kasama sa pagpaplano.

"Mamayang lunch sa rooftop tayo."

"Sa music room nalang. Walang masyadong pumupunta duon. Duon nalang tayo." suhestiyon ni Lawrenz.

"Sige duon na lang."

"Totoo bang nakalimutan mo?" tanong ko kay Dyzan pero tinawanan niya lang ako.

"Hindi. Bakit naman sana?"

Gaya ng usapan namin ay nasurpresa si Maxine sa ginawa ni Dyzan. Lumabas kaming dalawa ni Lawrenz para mabigyan sila ng privacy. Natawa kami sa isa't isa kasi nakita namin yung sarili namin. Nang matapos na sila ay tinawag na nila kami para kumain na ng sabay sabay.

Medyo naging busy kami sa sumunod na mga araw dahil sa papalapit na finals next next week. Tinatapos na rin namin ang iba naming requirements. Lagi kaming tambay sa library para sa review at sa ibang requirements na hindi pa namin natatapos.

Pero kahit na naging busy ako sa mga nagdaang araw ay hindi  ko parin makakalimutan yung usapan namin ni papa. Hindi ko yun magagawa. Mahirap lalo na at wala akong ibang makitang dahilan para hiwalayan siya. I love him so much. Hindi ko yun kaya. I know that both of us will hurt too if I choose to break up with him.

Hindi alam ni Lawrenz ang paguusap namin iyon ni Papa at hindi naman niya na kailangang malaman kasi hindi ko yun gagawin.

Never.

Nang sumapit ang weekend ay muli kaming nakapag-usap ni Papa at naipasok na naman ang tungkol sa amin ni Lawrenz.

"I told you to stop your relationship with him. Why are you being stubborn?"

"Honey! Please, let her enjoy. Mabilis lang ang pagiging teenager."

"Ang what will happen next?" napalunok si Mama. "If I let her do the things she wants to do baka kung ano lang mangyari sa kanya. Parang hinayaan natin siyang mawala sa tamang landas." Tumingin muli si Papa sa akin.

"Hiwalayan mo yang lalaking iyan."

Hindi na ako nakapagsalita pa at nawalan na ako ng gana kumain.

Pagdating ng Monday ay hindi ko inaasahan na mawawala ako sa focus sa klase. Hindi ako nakasagot sa chemistry namin. First subject namin sa umaga pero hindi ako nakikinig.

"You're not listening to my class Ms. Delzario. Are you sick?"

"No ma'am. I'm sorry!" umupo ako at narinig ko naman ang bulong ni Lawrenz. "Are you okay?" tumango ako sa kanya saka nakinig na sa aming teacher.

Hindi ko maalis sa isip ko. Baka mamayang gabi ay tanungin na naman ako ni Papa kung hiniwalayan ko na ba si Lawrenz. Kung magsisinungaling ako sa kanya ay baka mas lalo lang siyang magagalit sa akin kapag nalaman niyang hindi nga kami hiwalay. Nahihirapan ako sa ganitong sitwasyon.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon