Mabilis na natapos ang ibang araw. Naging busy ang lahat para sa program na ipagdiriwang ngayong araw na ito. It's already February 14. Ang bilis ng araw, mamaya matatapos na naman ang school year na ito.
Wala akong natanggap na mensahe mula kay Lawrenz pagkagising ko. Lagi lagi kasi ay nagtetext siya sa akin kada umaga. Anong meron? Nakalimutan niya ba akong itext o sadyang nauna lang akong nagising?
Nagsuot ako ng isang Red dress. Simple lang yung design pero mas lalong lumitaw yung kaputihan ko. Mukhang nagugustuhan ko na ang kulay pula. Ngumiti ako sa salamin at naglagay din ako ng konting lipstick sa aking labi. Pinaayos ko rin yung buhok ko kanina kay Manang Andeng, maaga na naman kasing umalis sila Mama.
"Okay na kaya?" kausap ko sa aking sarili habang sinisipat ko ang aking itsura sa malaking salamin na nasa aking harapan.
Tumalikod ako saka tumingin sa salamin. Hindi ba masyadong maiksi ang damit ko? Above the knee kasi ang suot ko at panigurado naman akong okay lang to.
"May date ka ba?" tanong ni Manang pagkababa ko kaya naman ramdam ko agad ang pamumula ng aking mukha.
"Wala manang. May program lang po sa school kaya nag-ayos ako."
"Ang ganda ganda mong bata. Sa mga pumunta ba nuon dito ay wala kang nobyo duon? Ang ga-gwapo nila." bigla akong napaiwas ng tingin kay Manang.
"Naku Manang! Malelate na ako. Aalis na ako." ngumiti naman siya sa akin bago ako lumabas ng bahay. Sakto namang naghihintay si manong Gaspar, agad niya akong pinagbuksan ng pinto para makapasok ako sa loob ng sasakyan. "Ang Ganda mo naman ngayon ma'am."
"Nako, di pa po kayo nasanay!" biro ko sa kanya.
Naging mabilis ang aming biyahe, pumasok ang sasakyan sa loob ng academy at huminto ito sa parking lot. Nasa loob pa lang ako ng sasakyan ay kita ko na ang mga estudyante na nakasunod sa color coding. May mga nakablack dress tapos may ibang mga babae naman na nakasimpleng jeans at blouse.
Bumaba na ako at agad nagpaalam kay Manong.
"San kaya sina Lawrenz?" napatingin ako sa mga lalaking napapasulyap sa akin. They are wearing red too. Basically, taken sila.Hindi ko nalang sila pinansin.
Tinawagan ko si Maxine at ilang saglit pa ay sinagot niya na ang tawag ko.
"Where are you? Nasa parking lot ako."
"Nasa labas ako ng music room. Malapit sa art's room."
"Sige. Sino kasama mo diyan? At anong ginagawa mo diya?"
"I'm waiting for my sweety."
"Sweety ka diyan." tawa ko sa kanya at ramdam ko na napairap na siya sa oras na ito.
"What color are you wearing?"
"Red of course." Tumawa siya sa kabilang linya. "Okay, I'm coming there."
Pagpasok ko sa building na iyon ay agad kong naagaw ang atensyon ng iba. Ngumiti na lang ako sa kanila. Yung iba kasing girls ay nakajeans lang.
Kumanan ako papunta sa music room pero hindi pa ako nakakakanan nang makita ko si Lawrenz na kasandal sa isang pader. He's wearing a 3/4 long sleeve. He's hot.
May dala siyang isang bouquet na red roses. Hindi siya nakangiti at seryoso siyang nakatingin sa akin. Pinagmasdan niya ako mula sa aking suot na heels pataas sa aking mukha hanggang sa magtama ang aming mga mata. Dahil sa ginawa niya ay napadahan dahan ako sa paglakad papunta sa kanya. Tumayo siya ng maayos saka nakita ko pa ang pagkagat niya ng labi.
Nang makalapit ako sa kanya ay naamoy ko agad ang pamilyar niyang pabango na kailanman ay di ko pagsasawaang amuyin.
"Fuck? You're so gorgeous babe. Bakit ka naglakad mag-isa ng ganyan ang suot mo?" nag-alala na siya. Oh he's being possesive now?

BINABASA MO ANG
Chasing You (Completed)
Genç KurguEkilenoz Allystra Delzario was kicked out at Bright Academy, the most highly recommended school in their town. She was involved in a fight that made her staying at Bright Academy ruined. She loves to study at Bright Academy but she can't do anythin...