Ang daming tanong sa akin ni Maxine nang makabalik ako sa loob. Nirason ko nalang sa kanya na nagpahangin pa ako sa labas kaya ako natagalan. Hindi naman na siya nagtanong pa kasi naging busy ulit siya sa panunuod sa banda.
Napatingin ako sa aming table kung naduon ba sila Dyzan pero wala akong nakita.
"Maxine, tara muna upo!" yaya ko sa kanya.
"Nako Ally, I'm enjoying the party!" saad niya saka natawa kaya wala akong nagawa kundi ang bumalik sa table.
Pagbalik ko sa table ay siyang pagdating rin ni Lawrenz. Nagpunta lang naman talaga ako sa table namin kasi nagugutom ako.
"Kumain ka na?" tanong niya sa akin. Lawrenz, wag pafall!
"Hindi pa. Kakain pa lang. Ikaw ba kumain ka na?" tanong ko sabay tingin ng oras sa aking phone. 9:30 pm na.
"Hindi pa. Sabay na tayo." saad niya. Nanibago ako sa asal niya. Epekto ba to ng hiwalayan nila?
May girlfriend pala...
"Mabuti naman at naisipan mo ng pumasok?"
"Hmmmmm. Sayang naman ang gabing to kung duon lang ako mamamalagi diba?"napatango na lang ako saka nagsimulang kumain. Yung iba kaya naming kasama kumain na?
Pasado 11 na nuong magsalitang muli ang master of ceremony. Asan na ba si Dyzan? Kanina ko pa di mahalagilap yung lalaking iyon.
Natapos na rin magperform yung banda kaya ang lahat ay nasa kani-kanilang table na. Si maxine nga ay pagod na pagod pero maganda pa rin.
"Ano ng meron?" tanong ko.
"Awarding" maiksing sagot niya.
"San ka galing?" tanong ni Lareign kay Dyzan pagkarating sa table namin. Napatingin tuloy ako sa kanya.
"Wala, nakipag usap lang ako sa mga kaibigan ko sa ibang section" saad niya saka tumingin sa akin kaya agad akong nagtaas ng kilay kaya naman napailing lang siya.
--
"What? Nagugustuhan mo na yung kaklase mo?Isang buwan ka palang diyan Ally, Isang buwan tapos nagkagusto ka na agad sa iba? Paano na si Kite." kausap ko sa cellphone ang kaibigan ko.
"Kaira, gusto lang naman. And wala namang kami ni Kite kaya okay lang."
"Ewan ko sa'yo basta sa kanya pa rin ako, boto pa rin ako kay Kite."
Pagkatapos ng acquiantance night ay balik muli sa dati ang lahat.
Pagpasok ko ng lunes ay makikita mo agad ang mga estudyante na nagmamadali sa pagpasok. Anong oras na ba? Maaga pa naman pero bakit parang lahat nagmamadali.
Bigla akong nagulat ng akbayan ako ni Dyzan. "Bilisan mo!" saad niya saka ako tinangay ng mabilis niyang mga hakbang.
"Teka nga. Teka nga!" reklamo ko kaya napahinto kaming dalawa.
"Bakit kayo nagmamadali, ini-stress mo ako umagang umaga"
"Stressed agad? Wala namang meron." lumabas yung dimple niya dahil sa simpleng pagtawa niya.Napairap nalang ako
Sa pagpasok namin ay napapailing ako sa dami ng babaeng bumabati sa kanya. Wow ah, crush ng bayan?
Pagkapasok namin sa aming klase ay umupo agad kami sa aming mga upuan. Rinig na rinig ko yung iba na nagkwekwentuhan tungkol sa nangyari nuong Friday night. Marami pa rin ang di nakakamove on.
"Basta ako nasayaw ko si Crush" rinig kong tili ni Kate.
"Share mo lang?" pangbabara ng President namin na si Alden.

BINABASA MO ANG
Chasing You (Completed)
Teen FictionEkilenoz Allystra Delzario was kicked out at Bright Academy, the most highly recommended school in their town. She was involved in a fight that made her staying at Bright Academy ruined. She loves to study at Bright Academy but she can't do anythin...