Chapter 16

54 9 0
                                    

Sa mga nagdaang araw ay naging payapa naman ang buhay ko. Hindi naman na ako ginulo. Napapadalas pa ang pagsasama namin ni Lawrenz. Ewan ko sa kanya. Pero never ko na siyang kinulit tungkol sa feelings ko. I know, eventually, this will fades.

Habang naglalakad kami sa Corridor ni Maxine ay nakita namin ang ibang estudyante na nagkakagulo sa harapan ng bulletin board.

Nagkatinginan kami ni Maxine.

"Tapos na ang midterms natin last week, posible kayang meron na yung ranking?" tanong niya kaya bigla akong kinabahan. Hindi ko alam pero feeling ko kasi napabayaan ko na yung pag-aaral ko.

Ibang iba ako dito sa North East Academy kumpara sa Bright Academy na lagi kaming nasa library. Eh ngayon? Puro ata kalokohan ang inatupag ko.

"Let's check?" tanong niya sa akin. Tumango na lamang ako saka kami lumapit sa ibang estudyante. Nakipagsiksikan kami hanggang sa medyo tanaw na namin ang mga names.

Hindi siya per Section. Per Strand ang nangyari.

Napatingin ako sa strand namin. Nanliit pa ang aking mata dahil medyo hindi ko mabasa.

Ang Rank One ay galing sa ibang section. Napatingin pa ako pababa ng list at hindi ko naman kilala ang karamihan sa nababasa ko.

Pagdating ko sa rank 10 ay nagulat ako ng makita ko ang pangalan ko. Nagkatinginan kami ni Maxine.

"O my gosh. Nasa Magic 10 ka!" natawa naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Parang pageant naman na ang ginawa.

Nasa rank 13 si Dyzan tapos Rank 16 si Lawrenz. Samantalang si maxine ay nasa Rank 23 naman.

"Ilan ang section na meron sa atin?"

"There are 5 sections. Each class ay may 40 students." napaisip naman ako duon at sa aming strand ay may 200 na estudyante at nasa top 10 ako? Wow!

Nang magpunta kami sa classroom ay hindi mawala sa aking mukha ang saya dahil sa nakita.

Pagdating namin sa loob ay may pinagkakaguluhan naman sila sa harapan. Malapit sa board.

"Anong meron?" tanong ni Maxine sa isa kong kaklase na si Kate.

"Class Ranking." saad niya.

Nagkatinginan naman kami ni Maxine. Hindi na ako nag abala na tignan pa ang ranking dahil tinawag ako ni Dyzan saka niya ako inakbayan.

"Congrats sa ating top 1" saad niya kaya umirap ako.

"Top 1 nga talaga natin si Allystra." narinig ko na ang pangalan ko.

"Wow! Sang isang school nga pala siya galing dati?" Napalunok ako.

"Hindi ko alam."

"Wait."

"Dyzan,Lawrenz,Maxine,Alden,Sueden,Jane..." puro pangalan na ang narinig ko.

Tinanggal ko ang pagkakaakbay sa akin ni Dyzan saka ako lumapit sa pinagkakaguluhan nila.

"Can I see?"

Tinignan ko ang list at nasa Top 5 nga kaming magkakaibigan. Isang munting ngiti ang sumilay sa aking labi dahil sa nakitang balita.

"Allystra,Ang galing naman. Sang school ka galing dati?" tanong ng isang kong kaklase.

"Allystra, O my gosh!" niyakap ako ni Maxine na parang tuwang tuwa saka siya bumulong sa akin. "Wag mo nalang sagutin." bulong niya saka siya humarap sa akin.

"Tara Canteen, treat mo!" saad niya saka niya ako mabilis na hinila. "Bye Boys" Nagtaka naman sila dahil sa inasta ni Maxine.

Nagtungo nga kami sa cafeteria para bumili ng pagkain. Mabilis lang iyon dahil inumin lang naman ang binili namin.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon