Chapter 34

28 8 0
                                    

Balik North East Academy. Today is Monday and I'm excited to see Lawrenz. Ang tagal din naming hindi nagkita. It almost 2 weeks. I want to hug him so tight.

Bumaba na ako sa aming sasakyan at saka ako nakangiting naglakad papasok sa campus. Maaga akong pumasok ngayon, sana ay maaga rin siya.

Pagpasok ko sa classroom namin ay wala pang katao-tao. Ako lang. Masyado ba akong maaga? Pero dapat sa ganitong oras ay andito na rin si Lawrenz. Maaga 'yun pumapasok.

Siguro ay napagod sa biyahe pabalik dito. Umupo nalang ako sa aking upuan saka ko binuklat yung chemistry book ko. Pero walang pumapasok sa isipan ko. Should I text him?

Kinuha ko ang phone ko saka ko siya tinawagan. Agad naman niyang sinagot.

"Hello?"

"Good morning babe!" masaya kong bati sa kanya ngunit biglang nagsalubong ang kilay ko ng may marinig akong boses na babae. He's with someone else.

"Lawrenz, wag mo 'kong iiwan. Please. I need you right now!" rinig na rinig ko ang iyak ng babae sa kabilang linya.

"Tahan na Gail. Yes! I won't. I just need to answer this call." Napakagat ako ng aking labi. Bakit sila magkasama? Where are they? What are they doing?

"Allys, I'm sorry! I'll see you later.I'll explain to you everything when I see you." saka niya pinatay ang aking tawag.

What was that?

Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Para akong nanghihina na gustong manampal. Bakit niya kasama ang Ex niya? Sila lang bang dalawa?

What the hell?

What is happening? Ang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Natural lang sa akin na magtaka dahil girlfriend niya ako. Anong meron? Damn it!

Nagsidatingan na ang iba kong kaklase at pilit na ngiti ang binigay ko sa kanila. Bumabagabag pa rin sa akin ang nangyari. Lawrenz, are you cheating on me?

Nang dumating si Maxine ay agad ko siyang tinawag para lumabas.

"What happened? Parang iba ang pasok ng bagong taon sa'yo" tawa niya pa.

"My boyfriend is with Gail."

"What?" gulat niyang tanong. Biglang nagbago ang kanyang itsura. Napahawak pa siya sa kanyang noo saka tumingin sa ibang gawi.

"Magkasama sila ngayon."

"Huh? I don't get you? How did you know?" Muli siyang tumingin sa akin.

"I called him. Nagtataka kasi ako kung bakit wala pa siya sa classroom tapos narinig ko yung boses ni Gail. She's crying and she's begging to Lawrenz not to leave her alone."

"What? Bakit? Asan yung magaling niyang boyfriend? I need to talk to Lawrenz right now!" she dialed Lawrenz number but unfortunately Lawrenz didn't answer him. Napakagat ako sa aking labi dahil sa nangyari. Lawrenz? Are you cheating on me?

"Let's just wait for him. I know, there's a reason behind this."

"I know. Pero 'di ko lang maatim ang ginawa ng pinsan ko. Bakit hanggang ngayon ay nakakasama niya pa rin ang magaling niyang ex. Hindi ko siya gets."

Ilang saglit pa ay dumating na ang aming teacher kaya pumasok na kami sa aming classroom. Bakante ang katabi kong upuan na siyang upuan ni Lawrenz. I need a damn explanation, Lawrenz.

Natapos ang dalawa naming subject na hindi ko nakita ni anino ni Lawrenz. What the hell? Where is he? Ano yun? Hanggang ngayon ay magkasama pa rin sila ni Gail?

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon