Chapter 4

66 13 0
                                    


"Dyzan naman, Ang gulo gulo mo!" reklamo ko sa kanya.

"Meron ka ba? Bakit ang sungit mo ngayon?" tanong niya sa akin kaya napairap ako.

"Meron ako kaya wag mo akong maasar asar at baka maibato ko sayo itong cellphone ko!"

"Ang harsh!"

"Harsh ng mukha mo!"

"Wow! Coming from Ekilenoz Allystra?" hindi lang ako umimik. "Sa gwapo kong ito?"

"Yabang. Wala ka namang Jowa!"

"Wala kang pinagkaiba sa akin. Wala ring silbi yang ganda mo kung wala ka ring boyfriend" napatingin ako sa kanya saka sumilay sa aking labi ang isang matamis na ngiti.

"Thank you for the compliment" saka ko siya kinurot sa pisnge! Mas diniinan ko pa ang pagkurot sa kanya kaya siya napadaing.Agad ko namang tinanggal ang pagkakakurot sa kanya."Pero bad mood pa rin ako sayo kaya wag mo muna akong kausapin lalo na't wala pa akong breakfast! Di mo ko madadaan diyan sa mga pangbobola mo."

Nagpatuloy na ako sa aking ginagawa. Tumayo siya saka hindi tumingin sa akin na lumabas ng aming classroom. Hinayaan ko nalang siya. Mas mabuti kung umalis muna siya sa tabi ko. Nangugulo na naman eh.

Lumipas ang ilang minuto ay dumating na siya na may dala dalang pagkain.

"Oh, kain ka na muna!" sabay abot sa akin ng spaghetti at sterilized na gatas. Tinitigan ko lamang siya.

"Ano?" tanong niya sa akin. "Kukunin mo ba to or gusto mong subuan pa kita?" tanong niya sa akin.

"Ako na" sabay kuha ng pagkain.

"Tsk!"

"Thank you"

"Basta ikaw!" napatingin ako sa kanya pero nagcecellphone na siya.

" Guys, magpalit na raw tayo ng PE natin. May activity tayo sa Gym ngayon sabi ni Ma'am Gievera" si Alden yung President namin.

"Bilisan mo kumain. Papalit lang ako" paalam sa akin ni Dyzan saka lumabas kasama ng iba pa naming kaklase.

Napatingin ako kay Lawrenz na nakayuko. Tulog ba to? Dadalawa nalang kasi kaming nasa classroom. Gigisingin ko ba siya?Pero baka puyat siya kagabi kaya tulog siya ngayon?Pero hindi ba magmumukha akong masama kung di ko siya gigisingin at ipaalam na magpapalit na kami ng PE para sa aming PE class?

Nilapag ko ang aking kinakain saka ako tumayo. Mas mabuti nalang siguro kung gisingin ko siya at ipaalam ang aming gagawin.Pagkalapit ko sa kanya ay naamoy ko agad siya. Ang bango niya. Anong gamit nitong pabango?

Nag aalanganin pa ako kung hahawakan ko ba siya or sisigawan nalang. Dahan dahan ko siyang hinawakan sa balikat saka siya tinapik ng mahina. "Lawrenz? Lawrenz?"

"Hmmm"

"Lawrenz" tapik ko pang muli. Sa puntong ito ay dahan dahan na siyang umupo ng maayos saka kinusot ang kanyang mga mata.Dahan dahang napunta sa akin ang atensyon niya kaya sa hindi inaasahan ay nagkatitigan kaming dalawa. Sa konting segundo ay napansin ko agad ang features ng kanyang mukha.Makapal ang kanyang mga kilay at matangos ang kanyang ilong. Medyo mapula ang kanyang labi at mapapansin mo ang kanyang nunal sa kanyang sentido at isa pa sa gilid ng kanyang labi. Kapansin pansin ito dahil sa taglay niyang kaputian. Ang maganda niyang mga mata, naka contact lens ba to?

"Bakit?" tanong niya sa akin kaya bigla akong napahawak ng mahigpit sa aking palda.Inayos niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay saka tumingin muli sa akin. Ang ganda talaga ng mata niya.Binasa niya ang kanyang labi gamit ang kanyang dila pero mabilis lang iyon.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon