Nanuod pa kami ng sine after namin maglaro sa game zone bago kami nagpasiyang umuwi. Naging memorable naman sa akin ang ginawa namin nang araw na iyon dahil hindi ko pa rin akalain na yung dating nagpapatigil ng nararamdaman ko para sa kanya ay malapit ng mapasaakin.
Maaga akong nagising at nag ayos. Sa dalawang linggong di ko naisuot ang uniform ko ay tila nanibago ako. Nakakamiss din ang may pasok.
Pagdating ko sa campus ay madami na agad ang mga estudyante na pakalat kalat.
Papunta ako sa classroom namin ng makasalubong ko si Kyle.
"Hello Ally!" ngumiti lang ako sa kanya.
"How's your vacation? Okay naman?"
"Yap! Ikaw?" simpleng sagot ko.
"So far, it went good too! By the way, you became more gorgeous." biro niya kaya napailing lang ako.
"Di ka pa rin nagbabago Kyle."
"What?" natatawa niyang wika pero mas binilisan ko lang yung lakad ko at hindi na niya ako sinundan dahil may nakita na naman siyang babaeng popormahan. Nako Kyle!
Pagpasok ko sa classroom namin ay ingay agad ang bumungad sa akin. Bumati lang ako sa iba at agad kong hinanap ang mga kaibigan ko. Si Maxine palang ang meron kaya siya agad ang nilapitan ko.
"I missed you, Max!" bati ko sa kanya saka niyakap.
"I missed you too!" pagkatapos niya akong yakapin ay napatingin agad ako sa upuan ni Lawrenz. Maaga yun pumapasok ah, how come that he's not here?
"Wala pa siya." sabay tingin din sa upuan ni Dyzan.
"Magtatransfer daw si Lareign." agad niya ring sabi kaya napatingin ako sa kanya.
"Huh? bakit? San mo naman nakuha yang balitang iyan?"
"Nagpost siya sa FB account niya at sinabi na rin ng iba nating kaklase na kukunin niya na lang ang mga credentials niya ngayong araw. Balita ko sa US na siya mag aaral. Ewan ko mag ma migraine ata sila."
"How about Dyzan?" Napatingin agad kami sa pintuan dahil sa pagpasok niya. Mabilis siyang umupo sa upuan niya saka sinalpak sa tenga niya ang headset.
Mahulugan kaming nagkatinginan ni Maxine.
"Tara labas?" yaya niya kaya sumama na ako sa kanya. Maaga pa para sa klase namin.Tumambay kami sa corridors kung saan malaya namin na nakikita ang ibang mga estudyante.
"Balita ko rin ay nakipaghiwalay na si Lareign sa kanya kasi yun nga baka malabong bumalik sina Lareign dito sa Pilipinas."
"What the fuck?" napamura na lang ako.
Mag iisang buwan palang sila tapos naghiwalay na agad? Biglaan naman ata ang pag alis nila Lareign? Bakit naman ngayon pa? Pwede naman sigurong ipagpatuloy nila yung relationship nila diba? Long distance relationship, Pwede naman yun.
Habang pinag uusapan namin si Dyzan ay bigla kaming nahinto ni Maxine dahil sa biglang pagdating ni Gail kasama si Lawrenz. Napalunok ako bigla.
Napatingin sa akin si Gail saka siya bumaling kay Lawrenz. "Thanks for the ride!" saad niya saka pumasok na sa katabi naming classroom.
Ride?
Magkasabay silang pumasok?
Obvious naman.
"Lawrenz, what's the matter?" tanong ni Maxine na naguguluhan din sa nakita.
"Nothing. Nasiraan kasi sila sa daan kaya niyaya ko na na sumabay sa akin. " sagot niya saka tumingin sa akin. Wala kang karapatang magselos Allystra kasi in the first place, hindi mo alam kung ano ka sa kanya!

BINABASA MO ANG
Chasing You (Completed)
Teen FictionEkilenoz Allystra Delzario was kicked out at Bright Academy, the most highly recommended school in their town. She was involved in a fight that made her staying at Bright Academy ruined. She loves to study at Bright Academy but she can't do anythin...