Pagkatapos ng klase namin ay sabay kaming pumasok ni Lawrenz sa sasakyan niya.
Habang nasa biyahe kami ay panay ang kwento ni Lawrenz sa mga bagay bagay na interesado siya. Nakikinig lang ako sa kanya at paminsan minsan ay tumatawa ako. Madaldal din pala tong isang to. Hindi halata sa kanya. Masyado kasi siyang suplado sa karamihan.
Pagkarating namin sa hospital ay agad akong sumunod kay Lawrenz. Umakyat kami sa thirdfloor at pumasok sa isang semi-private room.
Nadatnan namin si Gail at ang Papa niya. Napatingin sila sa amin at agad naman akong bumati ganuon din si Lawrenz. Napatingin ako kay Gail saka ako ngumiti. Hindi niya siguro inaasahan ang aking pagsama. Gulat na gulat siya nang makita ako.
"Mabuti at napadalaw kayo." dala ang pinamili naming mga prutas ay dahan dahan itong nilapag ni Lawrenz sa isang mesa na may kaunting laman din na prutas.
"Kamusta po?" tanong ni Lawrenz sa Papa ni Gail. Nakamasid lang ako sa kanila, nakatayo ako sa likod ni Lawrenz habang nakatingin siya sa papa ni Gail.
Ngumiti siya sa amin. Mukhang kailangan pa niya ng pahinga. Hirap pa rin siya sa pagsasalita kaya hindi siya nakakasagot sa mga katanungan. Puro siya iling at tango. Paminsan minsan ay ngumingiti pero kita mo talaga na hindi pa siya okay.
Nag stay lang kami ng ilang minuto sa hospital at agad din kaming nag paalam. Sumama si Gail sa amin sa baba para ihatid kami.
"Gail, no need. Bantayan mo nalang si Tito." saad ni Lawrenz.
"Ihahatid ko na kayo. Andito na rin naman ako." Nagkatinginan silang dalawa kaya napaiwas ako ng tingin.W ala na kaming nagawa at sabay sabay na kami na bumaba sa hagdan. Habang pababa kami mula sa second floor ay muling nagpasalamat si Gail sa ginawa naming pagdalaw.
"Hindi ko inaasahan ang iyong pagdating, Ally. Nagulat ako kanina pero salamat talaga sa pagdalaw."
"Wala iyon" maikli kong sagot. Agad na kaming nagpaalam sa kanya at nagtungo sa sasakyan ni Lawrenz. Sa tingin ko naman na ay wala ng dahilan para makipagkita pa si Lawrenz kay Gail. Mula ng mahospital kasi ang papa niya ay laging dumadalaw si Lawrenz sa kanila. Hindi na ako umangal kasi naiintindihan ko naman. Wala naman akong ibang dapat gawin kundi ang intindihin.
"Ihahatid na kita,babe!" saad niya kaya tumango ako.
Habang nasa biyahe kami papunta sa amin ay natanong ko siya tungkol sa kanyang kapatid. Nasabi niya kasi sa akin nuon na hindi maganda ang lagay ng kapatid niya.
"Kamusta ang kapatid mo?" tanong ko sa kanya at mabilis siyang tumingin sa akin pero mabilis ding itinuon ang tingin sa kalsada.
"Hindi pa rin okay. Hind ko alam kung magiging okay pa siya." malugkot niya sabi.
"Where is she? Kailan ko siya pwedeng bisitahin?" tanong ko sa kanya.
"Nasa bahay siya. Inaasikaso siya nila Mom. My mother is a doctor." nakaramdam naman ako ng awa sa kanya. Mahirap siguro ang kanyang kalagayan. Seeing your sister in pain.
"Everything will be fine Lawrenz. Gagaling din siya."
"Thank you. I hope so."
"I'll pray for her. By the way, what is her name?"
"Reinzel"
Huminto ang sasakyan niya sa harap ng aming bahay. "Thanks for the ride, Babe." mabilis akong humalik sa kanyang pisngi. Ngumiti naman ako sa kanya. Lagi pa rin siyang nagugulat kapag hinahalikan ko siya sa pisngi.
"Mag-ingat ka. Hihintayin ko kayo bukas. I love you!"
"I love you too Allystra!"
"I know. Take care, Babe! Just call me if you're already home, okay?"

BINABASA MO ANG
Chasing You (Completed)
Teen FictionEkilenoz Allystra Delzario was kicked out at Bright Academy, the most highly recommended school in their town. She was involved in a fight that made her staying at Bright Academy ruined. She loves to study at Bright Academy but she can't do anythin...