Chapter 55

44 5 0
                                    

May mga bagay na pansamantla lang, mga bagay na panandalian lamang. Lahat natatapos at nahahantong sa hangganan. Lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan ngunit isa lang ang masasabi kong sigurado, na hindi lahat nagtatagal at ang hangganan lang ang kasiguraduhan. Na lahat matatapos at hahantong sa katapusan.

Hindi mo alam kung gaano ito magtatagal pero natitiyak mo na ano mang oras ay matatapos ito. Dahil lahat ay walang kasiguraduhan. Maging ang buhay nating mga tao ay may hangganan at katapusan.

Ibig sabihin lang niyan, lahat ay nagbabago,Lahat ay natatapos. Na sa mundong ating ginagalawan masasabing walang permante. Na ang permante lang sa mundong ito ay ang pagbabago.

Sa mga nagdaang araw at linggo ay pinilit kong intindihin ang mga bagay bagay. Ang lahat ng nangyari sa akin simula nang mag-aral ako sa North East Academy. Mukhang lahat nga ng ito ay may dahilan. May dahilan kung bakit nakilala ko si Lawrenz. May dahilan ang lahat kung bakit nangyari ang lahat. Kung bakit kami pinagtagpo at pinaglapit. Lahat ng ito ay may dahilan.

Sa mga nakalipas na araw ay pinilit kong bumalik sa dating ako. Pinilit kong hanapin muli ang sarili ko kahit alam kong medyo malabo nang bumalik sa dati ang lahat. Malaki ang pinagbago simula ng maging kami ni Lawrenz. Ang laki ng pinagbago ng buhay ko simula nang pumasok siya sa buhay ko.

Pinilit kong inintindi ang lahat. Lahat nang nangyari. Lahat ng sinabi niya ay pilit kong inintindi. Mukhang dito na nga matatapos ang istoryang nabuo naming dalawa.

Mahirap magtiis pero iyon lang ang maari kong gawin sa ngayon. Magtiis at tanggapin ang mga pangyayari. Na ang lahat ay may hangganan. Na siguro dito nalang kaming dalawa. Na dito na hahantong ang aming kwento.

Masakit pero ang magtiis lang ang pwede kong gawin. Hindi na pwedeng ipilit ang bagay na tapos na. Hindi na pwede. Baka mas lalo lang kaming mahirapang dalawa. Mukhang nagtagpo kaming dalawa para turuan ang isa't isa.

Dahil sa kanya natuto kong pakawalan ang galit at inis na nasa aking dibdib. Natutunan kong magpatawad, natutunan kong intindihin ang lahat. Dahil sa kanya, natuto akong maging mas malakas, natuto akong bumangon kapag nahihirapan. Natuto... na kahit sa kabila ng sakit at mga iyak kailangang ipagpatuloy ang buhay dahil marami pang posibleng mangyari. Na ang nangyari sa pagitan naming dalawa ay umpisa pa lang ng panibagong pahina sa aming buhay.

Hindi nga sa kanya umiikot ang mundo ko pero naging malaking parte siya ng buhay ko. Hindi ako nagsisi na minahal ko siya, na siya ang una kong pag-ibig na alam kong hanggang duon na lang. Una ngunit baka hindi na siyang huli kasi natuldukan na ang aming kwentong dalawa.

Hindi ko na siya nakita simula ng matapos ang birthday ni Maxine. Hindi na muling nagkrus ang aming landas. Ginusto ko man siyang makausap muli pero hindi ko na pinilit pa. Nakuha ko na ang mga sagot na gusto kong malaman. Nakuha ko na.

Tumitig ako sa aking repleksyon sa aking malaking salamin. Ngumiti ako. "You're a strong girl, Ally. Few more months and you'll turn to a woman." Kinausap ko ang aking sarili.

Natutunan ko na walang mangyayari sa akin kung magmumukmok lang ako sa aking kwarto. Hindi uusad ang buhay ko kung patuloy lang akong mabubuhay sa nakaraan. Hindi matanggap ang lahat... Hindi. That's not life. I learned that no matter how unfair life is, you must know how to handle it. Deal with it because that's life. Hindi magiging madali ang lahat pero sa likod nito ay may napakaraming dahilan para lumaban.

Inayos ko ang aking buhok saka ko kinuha ang aking bag. Another school year. Nasa huling baitan na ako ng highschool. Konting tiis nalang at magco-college na rin ako.

Huminga ako ng malalim dahil natitiyak ko na sa araw na ito, muling magtatagpo ang aming landas. Alam kong maraming mababago pero handa na akong harapin ang bagong hamon ng buhay ko.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon