Chapter 13

45 9 0
                                    

"Kalat na kalat na yung paghahabol mo kay Lawrenz!" kausap ako ngayon ni Dyzan dito sa hallway. Wala kaming klase. Vacant namin ngayon.

"Hindi naman yun paghahabol." sagot ko.

"Frinendzone ka no?" tanong niya sa akin saka siya natawa.

"Hindi naman masakit."

"Bakit ka naghahabol?" lumabas na naman yung dimple niya. "Ayaw ka niya, di ka type kaya tumigil ka na."

"bakit ako titigil?"

"Nako! Sinasabi ko sayo Ally, kilala ko na yang si Lawrenz. Pag sinabi niyang ayaw niya. Ayaw niya talaga kaya kung ako sayo tumigil ka na kasi wala ka talagang mapapala."

"Dyzan, duon ka na nga lang kay Lareign."

"Itulak mo ako sa iba eh ikaw nga gusto kong makausap ngayon." umirap ako sa sinabi niya. Pinagmasdan ko ang ibang estudyante na naglalakad. Paminsan minsan ay napapatingin sila sa amin ni Dyzan.

"Mamaya magselos yun."

"Bakit naman sana? Wala namang kami." pinalo ko naman siya sa braso. "Kahit na, babae pa rin yun. Tsaka gusto ka nung tao." natahimik siya.

"Kaibigan kita kaya support ako sa inyo." dagdag ko.

"Kaibigan kita pero tutol ako sa ginagawa mo. Stop chasing Lawrenz!" nagkatinginan kami dahil sa sinabi niya.

"Icrushback mo nalang kaya si Lareign ng matuwa pa ako."

"Ikaw? bakit dika Icrushback?" nanggigigil na ako sayo Dyzan.

"Dyzan! Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong sabunutan kita."

"eh totoo naman.Ayaw ka icrushback kasi ayaw ka nung tao. May iba siyang gusto. IBA! Hindi ikaw kundi Iba." lumayo siya sa akin ng konti. Ang sarap sabunutan eh.

"Tumigil ka na kay Lawrenz. Kilala ko siya, kung ano yung sinabi niya gagawin niya talaga."


"I'll make a move."

Napailing lang siya at parang disappointed na tumingin sa akin.

Nang uwian na namin ay sinundan ko si Lawrenz papunta sa locker area. Ng makarating ako sa locker area ay nagulat pa siyang narito ako.

"What are you doing here?" tanong niya.

"May kukunin." saka ako ngumiti ng matamis pero nagsalubong lang ang dalawa niyang kilay. Ang gwapo talaga.

May mga mangilan ngilan na napatingin sa amin.

"Ally!" tawag niya sa akin.

"Lawrenz... Mahirap pigilan ang nararamdaman kaya hayaan mo lang ako."

Napailing siya saka siya naglakad paalis.

"Lawrenz." tawag ko sa kanya. Hindi siya tumingin at tuloy lang siya sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ako.Hindi naman ako ganito sa mga dati kong naging crush ah.

"Lawrenz Jan!" rinig na rinig ang sigaw ko sa hallway.

Hinabol ko siya at hinawakan sa kamay.

"Ally, I already explained to you that I can't give you back your feelings." Ilang beses niya na akong sinaktan.

Hindi ako makapagsalita.

"Uwi ka na." saad niya saka ako iniwan.

Hindi ko magawang mainis sa kanya kasi nagiging totoo lang siya sa akin. Nagiging totoo siya sa nararamdaman niya. Na hindi niya ako magugustuhan kaya pinapahinto niya ako sa kanya.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon