Chapter 10

59 11 0
                                    

Pagsapit ng lunch break ay mabilis akong niyaya ni Maxine. Gusto niyang sumabay sa akin ngayong lunch break.

"Dyzan sama ka na" yaya ko sa kanya. Tumango lang siya saka niya inilagay ang kanyang bag sa kanyang balikat.

"Tara" palabas na kami nang tawagin niya si Lawrenz. Napatingin tuloy sa akin si Dyzan. Kaya ayoko ng may nakakaalam na gusto ko siya eh. Inirapan ko lang siya saka napabaling kay Maxine. Hindi na ako nag abala pang tignan si Lawrenz dahil nakabantay ang mga mata sa akin ni Dyzan.

Napangisi pa siya sabay iling habang naglalakad kami.

Apat kaming naglalakad sa corridor at lahat ng estudyante ay napapatingin sa amin. Well, kasama lang naman kasi namin ni Maxine ang dalawang hearthrob ng school. Di nila kami masisisi kasi kaibigan namin sila.

"Ang ganda ni Allys no?" hindi yun nakawala sa pandinig ko. Napangiti tuloy ako.

"Tsk!"

Hindi ko na pinansin si Dyzan. Basag trip lang yan.

"Ako na ang oorder." saad ni Dyzan. "Sama na ako pre." si Lawrenz. Kailan pa sila naging mag pre?

Pagkalayo nila ay agad nagsalita si Maxine.

"Ally, may tanong ako." kinabahan naman ako bigla sa tono ng kanyang pananalita.

"Ano yun?" medyo nangatal pa ang aking boses.

"May nagugustuhan ka ba sa kanilang dalawa?" tanong niya sa akin saka niya itinuro ang dalawa na nasa pila gamit ang kanyang labi.

Napalunok tuloy ako sa kanyang tanong. Ayoko namang sabihing meron nga. Pag nagkataon ay baka masabi pa niya ito kay Lawrenz. Ayoko. Pakiramdam ko naman di rin magtatagal ang nararamdaman ko sa kanya kaya bakit ko pa to sasabihin sa iba.

Pero alam na ni Dyzan...

"Ano? May nagugustuhan ka ba sa kanilang dalawa?" titig na titig siya sa aking mata. "Imposibleng wala Ally. Babae ako at alam ko kung ano yang mga kinikilos mo. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo." Napalunok nalang ako sa sinasabi niya. Nag init tuloy ako kahit naman ang lamig lamig dito.

"Gwapo silang pareho. May mga ipagmamayabang. Matalino sa klase at talagang masasabing maraming nagkakagusto sa kanila. Malakas ang appeal. Mabait pakisamahan alam nating parehas yan. Ang hot nilang parehas, imposibleng wala kang nararamdaman maski isa sa kanila."

"Maxine, why are you asking me this kind of question?"

"Hindi ko naman na kailangang itanong to kasi nararamdaman ko naman na may gusto ka sa isa sa kanila. "

Hindi ako nagasagot dahil sa sinabi niya. Ibig ba sabihin nito, halata nga ako masyado?

Pagkarating nila Dyzan ay nilapag agad nila ang aming mga pagkain. Hindi na ako umimik at sinimulan ko na lang kumain.

Napapaisip tuloy ako ngayon kung sasabihin ko ba kay Maxine ang nararamdaman ko para kay Lawrenz. Hindi ko alam. Kailangan niya bang malaman? Pero simpleng paghanga lang to.

Kaya nga simpleng paghanga lang kaya pwede ko talagang sabihin.

Hindi ko na alam. Naguguluhan na rin ako sa nangyayari sa nararamdaman ko.

"Allys magsalita ka naman diyan. Kanina ka pa walang imik" nagtaas ako ng tingin na imbes si Maxine ang makikita ko ay ibang mata ang nakasalubong ko. It's Lawrenz eyes.

"Wala lang. Masakit kasi lalamunan ko kaya hindi muna ako ganuong nagsasalita."

Napatingin sa akin si Maxine saka ngumiti. Panigurado sa oras na ito may hinala na siya kung sino ang aking gusto. Habang kumakain kami ay biglang nagsingit ng topic itong si Maxine.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon