Chapter 27

37 8 0
                                    

Pagkatapos naming kumain sa isang restaurant ay nagpasya kami na maglakad lakad muna sa Mall dahil maaga pa naman. 2 pm pa ang first period namin ngayong araw kaya marami pa kaming oras para sa paggala.

"Do you want to go to the bookstore?" nagtitingin lang ako sa paligid ng tanungin niya ito sa akin.

"Sure. Gusto ko ulit bumili ng bagong books na babasahin."

"Are you fan of reading?"

"Oo naman."

"Then, let's go" hinawakan niya ang kamay ko. Habang papunta kami sa Bookstore ay nakakakita rin ako ng ibang mga estudyante na nasa loob ng mall. May mga taga Bright Academy din ako  na nakita pero hindi ko sila kilala kaya okay lang.

Pagpasok namin sa loob ay nagtingin na kami ng mga aklat. Medyo napahiwalay ako sa kanya dahil sa pagkamangha ko. Ang daming bagong libro, ang tagal ko na rin kasing di pumupunta dito. Dati si Kaira ang lagi kong kasama kapag bumibili ako ng libro.

Sa aking pagtitingin ay biglang may kumalabit sa akin. Pagtingin ko ay si Kite pala. Yung dati kong gusto sa Bright Academy, sporty kasi siya.

Mutual feelings pero ilang linggo palang ako nang magtransfer ako sa North East Academy, may pinopormahan na raw siyang iba. Hanep? Ang bilis magbago. Pero okay na yun sa akin.

"Allys?" ramdam ko sa boses niya ang pagkagulat. Napatingin siya sa aking uniform at ID.

"Hi Kite! Long time no see!" bati ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at halos makita ko na naman ang itsura niya na namamangha sa tuwing ako ay nakikita.

"Ikaw nga! I'm glad to see you again. How are you? Kamusta ka na? Long time no calls and texts." Syempre may bago ka.

Tumango ako saka ngumiti. "Yap! I'm doing great. Ikaw? Kamusta naman?"

"Still the same." ngumiti siya. Hindi pa rin siya nagbabago. He's still friendly.

"Well, kamusta kayo ng girlfriend mo?" tanong ko sa kanya. Binalita rin kasi sa akin ni Kaira after a week na naging sila nong pinopormahan niya. Ang bilis naman.

"We broke up last August!" Wow ang bilis naman? Kung gaano kabilis naging kayo ganuon din kabilis na natapos. Iba ka rin pala Kite.

"Oh sorry to hear that." ngumiti siya sa akin bago muling nagsalita.

"It's okay! By the way, sino kasama mo?" bigla akong napatingin kay Lawrenz na ngayon ay titig na titig sa amin.

"Lawrenz!" tawag ko sa kanya at lumapit naman siya sa amin dala ang kanyang mga napiling libro.

"I'm with him." saad ko "Kite, this is Lawrenz. Lawrenz, this is Kite"  nakatingin lang sa kanya si Lawrenz. Suplado mode na naman ang aking gusto.

"Nice meeting you bro!" saad ni Kite saka bumaling sa akin. "By the way Ally, miss ko na makipagdebate sayo sa klase."

Natawa ako bigla. "Yun lang ba? Wala eh! By the way sino kasama mo?"

"Wala. Sige by the way, see you next time. May klase  pa ako. See you next time. I'll call you or I'll send you a message." bumaling siya kay Lawrenz saka tumango bilang paalam saka ulit siya bumaling sa akin saka ngumiti.

Pagkaalis niya ay tumingin agad ako kay Lawrenz na hindi ko mabasa ang reaction sa kanyang mga mata.

"Nakapili ka na?" tanong ko sa kanya.

"Who is he?" tanong niya na seryoso ang mukha.

"He's just my friend from Bright Academy."

"Just friend?"

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon