Chapter 41

20 7 0
                                    

Nagkulong ako sa aking kwarto pagkarating ko sa bahay. Halong inis, gulat at galit ang namamayani sa aking sistema. Alam kong hindi si Lawrenz ang unang humalik pero sa katotohanang humalik rin siya pabalik ay sapat na sa akin para masaktan.

I trusted him.

Nagtiwala ako sa kanya ng sobra. Wala siyang narinig sa akin na salita nang lagi siyang dumadalaw sa hospital kasama si Gail. Wala ni isang salita...

Hindi ako nagalit sa kanya. Inintindi ko siya kahit alam kong sa sarili ko na nagseselos ako. Na nasasaktan ako.

Wala siyang naranig sa akin na reklamo. Wala! Pero yung nakita ko kani-kanina lang, sapat na para sa akin na masaktan.

Hindi ko pa rin maipagkakaila na hindi nabawasan yung pagmamahal ko sa kanya pero yung tiwala na meron ako sa kanya... hindi ko na alam kung may matitira pa ba.

Hindi ko alam kung paano patigilin ang sarili ko sa pag-iyak. Normal lang naman ang umiyak diba? Nasasaktan ako kaya may rason ako para umiyak.

Pinunasan ko ang aking mga luha. "Bakit ba kasi ang hina mo Ally? Simpleng halikan lang yun tapos umiiyak ka na? Halik lang yun! Tangina! Halik yun eh. Halikan." umiyak na naman ako.

Sinubsob ko ang aking mukha sa aking una at duon ako sumigaw. Kanina lang ang dami dami niyang sinabi sa akin na mga matatamis na salita. Tapos ngayon, ito ang ipaparanas niya sa akin?

Ang galing nila. Gusto kong saktan si Gail. Paano niya yun nagawa?

Fuck them!

Tumunog ang aking phone at agad kong nakita ang pangalan ni Lawrenz. Napapunas ako ng aking luha saka ko ito mabilis na nireject ang tawag niya.

Ilang segundo lang ang lumipas ay tumawag na naman siya pero agad ko ulit itong pinatay.

Nagtext siya sa akin pagkatapos kong di sagutin ang tawag niya.

From:Lawrenz
I'm sorry babe! Let's talk please. Talk to me babe. I love you!

Napakagat ako ng aking labi.Pinatay ko ang tawag saka ako pumasok sa cr. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Bababa ako mamaya at baka mahalata nila Mama na hindi maayos ang pakiramdam ko.

Naligo ako at nag-ayos. Inayos ko ang sarili ko at nang masiguro ko na hndi na namumula ang mata ko ay pilit akong ngumiti sa salamin.

It's dinner time.

Agad akong humalik kanila papa at mama pagkababa ko. Nakaayos na ang lahat.

"How's your work pa?" ngumiti ako sa kanya saka ako umupo.

"Okay lang anak. Ikaw? How are you?"

"I'm fine. Okay naman lahat pa!" tumingin ako kay Mama at nakita ko naman ang ngiti niya.

"You're pretty baby."

"Thanks Ma. Mana ako sayo eh!" saad ko kaya natawa rin siya. Naging magaan ang aming dinner. Nagpaalam ako sa kanila na aakyat na akong muli.

Napakahusay Allystra. Ang galing mong umarte. Hindi ka okay. You're not okay, don't be dumb. You're in pain.

Ginugol ko ang oras ko sa paglilibang sa aking sarili. Nanuod ako ng mga movies. Horror movies! Pero kahit gaano ako magtutok sa pinapanuod ko ay wala pa rin akong naiintindihan. Hindi ako nagugulat sa mga scenes.

"What the fuck?" pinatay ko ang Tv sa aking kwarto saka ako humiga sa aking kama. Paano ko haharapin bukas si Lawrenz? What they did makes me weak. Damn! I love him so much! Pinunasan ko ang aking luha saka ako pilit ngumiti. Huling iyak mo na to ngyaong gabi,Allystra. Nakipaghalikan lang siya pero ikaw pa rin ang mahal niya. Ako pa rin!

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon