Chapter 15

37 7 0
                                    

"Magkasama na naman sila?"

"Ewan ko nga kung bakit lagi silang magkasama."

"Baka naman kasi pinilit ni Ally si Lawrenz."

Napatingin ako kay Lawrenz na diretso lang ang tingin sa dinadaanan.

"Ginayuma naman na niya ata."

"Ilang araw na silang magkasama."

"Sabi sa inyo baka naman mali lang yung balitang kumakalat."

"Si Bea naman ang nagsabi. Pero hindi ba si Gail at Lawrenz?" natigilan  kami ni Lawrenz dahil sa aming narinig.

Napatingin kami sa babaeng nagsalita at parang natakot naman siya dahil sa aming inasta.

"Ano kamo?" tanong ni Lawrenz.

Hindi naman agad nakapagsalita yung babae. Ngayon pa siya natakot?

"Si Bea kasi yung nagpapakalat ng bali balita. Yung kaklase n-niyo. K-kaya naniwala kami agad." Halata sa boses niya ang panginginig.

"Naniwala ka naman."

Hinawakan ako ni Lawrenz sa kamay saka ako hinila.

"O my Gosh! Sila na ba?" ngayon ibang issue na naman ang aming naririnig. What the Hell?

Pagkarating namin sa Classroom ay agad niyang tinawag si Bea.

"Bea, We need to talk?" sa sinabi ni Lawrenz ay napalunok siya. Napatingin sa amin ang mga kaklase namin.

"Anong dapat nating pag usapan?" Balat kayo niyang tanong.

"Iyang mga kahibangan mo. Stop spreading false rumors.You look pathetic."

Nagulat kami sa sinabi ni Lawrenz. Nagsimula ng magbulung bulungan ang mga kaklase ko dahil sa narinig.

"Ows? Alam niyo na pala?" saka siya tumawa.

"What the hell is wrong with you, Bea?" tanong ko sa kanya. Tumayo naman siya saka lumapit sa akin.

"Ikaw." dinuro niya ako. "You are my problem." madiin niyang sabi.

Napairap naman ako sa sinabi niya. "Insecure!" bulong ko.

"Simula ng dumating ka dito. Na sa'yo na ang atensyon ng lahat. Ngayon binigyan kita ng issue para lahat ng atensyon nila mapunta sayo."

Natawa ako sa sinabi niya. "What a Dimwit!" bulong ko.

"Hindi ba?" tumingin siya sa mga kaklase ko. "Simula ng dumating ang babaeng ito na sa kanya na ang atensyon niyo."

"Anong pinaglalaban mo?" tanong ko.

"Close mo na nga si Dyzan, pati ba naman si Lawrenz?" napalunok ako sa sinabi niya. Gusto kong matawa dahil sa kanyang sinabi. Anong klaseng utak ang meron siya para sabihin iyan.

"Do you like him?" tanong ko. Hindi siya nagsalita.

"Dumb!" bulong ng iba kong kaklase.

"Bitch!"

"MANAHIMIK KAYO!!!" sigaw niya. "Hindi ko alam kung paano siya lapitan tapos ikaw, ang kapal naman ng mukha mong lapit lapitan siya. Hindi ka nga gusto diba? Hindi ka gusto bakit hindi mo layuan?"

"Bea, ang kaso dito. Nagpapakalat ka ng maling balita. Obsess ka girl?" di ko na napigilang maging sarcastic.

"How dare you! At least ako hindi ako haliparot katulad mo."

"Nakakatawa. Haliparot na pala ang tawag duon? For you information. Ikaw yung malaking tanga. Napakalaki mong Fake news!" saad ko. Halos manggigil siya sa sinabi ko.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon