Chapter 39

27 6 0
                                    

Naging busy kami sa sumunod na Linggo halos araw-araw may nakahandang quiz sa ibat-ibang subject. Pinagbutihan ko ang aking pag-aaral, ayoko na ulit bumagsak sa quiz.

Mabuti na lang at muli kong nakuha yung focus ko sa pag-aaral. Natutuwa naman ako kasi halos magkasing taas kami ng mga scores ni Lawrenz.

"Babe, ang tataas ng scores mo." Nang makalabas kami sa aming classroom ay agad ko itong sinabi sa kanya.

"Inspired sayo."

"Malapit na ang mid terms. Kailan ba yun?"

"Ang alam ko kasi ay last week ng January. Medyo marami pa tayong oras para mag-aral. Kailangan nating maging highest sa lahat ng subject" napangiti ako sa sinabi niya.

"Hindi ko maipapangako pero kakayanin"

"Ikaw pa? Top one ka nga lang sa klase pati ba naman sa puso ko ay numero uno ka." saka niya ako inakbayan.

"Hoy! Numero uno ka diyan!" tumawa ako sa kacheesihan niya.

"Ayaw mo yun? O di pangatlo ka lang. Ayaw mo ng top one ah!" medyo nagtatampo niyang sinabi.

"Hindi ka naman kasi top one sa puso ko." saka ako sumeryosong tumingin sa kanya. Pati siya ay biglang tumingin sa akin.

"Hindi mo na ako gusto? Hindi mo na ako mahal?" pagpapacute niya kaya mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi. Ang childish ng ginawa niya kaya natawa ako.

"Ang daming alam. Mukha kang bata."

"Mukhang baby." saad niya kaya nagsalubong ang kilay ko. "Baby mo." natawa siya sa sarili niyang joke.

"Abnormal."

"Oh? So, di mo na ako love?" umirap ako sa tanong niya.

"Love."

"Anong love?"

"Mahal na mahal kita, wag kag baliw." saka siya umakbay sa akin.

"Mahal din naman kita. Number one ka pa sa puso ko. Eh ikaw? Mahal mo ako pero hindi naman pala ako numero uno sayo." natawa na ako sa kanya. Mukha siyang bata ngayon.

"Kasi ganito yan. Dapat first priority natin ang sarili natin, mga pangarap natin mga pag-aaral saka ang pamilya bago ang ibang bagay."

"So, ibang bagay ako?"

"Bagay na mahal ko." saka ko hinawakan ang kamay niya. Kahit ngayon ay kinikilig pa rin ako kapag hinahawakan ko siya sa kamay.

"Okay gets ko yung sinabi mo. Dapat hindi sayo nagfofocus ang takbo ng buhay ko, dapat sa sarili ko at sa pangarap ko. Paano yun? Ikaw ang pangarap ko?" saka siya ngumiti. Bumilis yung tibok ng puso ko. Hanggang ngayon ba malakas pa rin ang epekto niya sa akin?

"Nakuha mo na nga ako diba?" saka 'ko mas dumikit sa kanya. "At teka nga. Ilang beses mo ba akong nireject nu'n? Oh diba? Yung pangarap mo nuon tinatanggihan mo lang" saka ako umirap sa kanya. Ngayon ka magsalita.

"Nuon yun. Everything has changed."

"Buti nagbago?"

"Syempre it takes time for me to realized na gusto rin pala kita."

"Talagang hihintuan na sana kita eh. Ang choosy mo! Ako pa talaga tinanggihan mo!"

"Past is past babe"

"But past is connected to the present!" saad ko

"And you are my present.And I'm willing to do everything just to be with you in the future." kinurot niya ako sa aking pisngi.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon