Katatapos ko lang mag luto ng agahan namin ni Tokyo at ng kaniyang date kagabi. Papunta na sana ako ng kwarto nila ng may narinig akong kakaibang ingay kaya hindi na ako umabante pa.
"Tapos na akong mag luto. Mauna na akong kumain ah."
Sa halos isang buwan kong pag tira sa condo ni Tokyo nasasanay na ako sa mga ingay galing sa kwarto niya. Aaminin ko nung una ay medyo nakakaasiwa pero kalaunan ay nasanay na rin ako kesa naman sa wala akong matirahan. Pinalayas kasi ako ng land lord ko which is another story so I won't dig in to the details. Kaya pala noong humingi ako ng tulong kay Tokyo ay medyo nag alangan pa siya.
"Hmm.. You can stay of course pero ano kasi.. Baka di ka maging komportable kasi alam mo na, most of the time may bitbit ako."
Yep, my bestfriend is a certified fuck boy. Pero kahit ganiyan siya ay may ginintuang puso naman. As much as he can help, he will help maging tao man o hindi.
Nagsimula na akong kumain ng agahan na niluto ko. Habang kumakain naisipan kong buksan ang TV na saktong nasa balita pala. At the same time, para di ko masyadong marinig sila Tokyo.
"Ayon sa Department of Health, ang virus na ito ay pinupuntirya ang respiratory system. Sa ngayon ay patuloy pa ring pinag aaralan pa ng mga eksperto kung ano ang lunas nito."
Pagkatapos kung kumain ay nag hugas na ako ng mga ginamit at pinagkainan ko. Sakto ring lumabas na sila Tokyo.
"Wow, smells good ah. Buti nalang talaga nandito ka Amber dahil kung wala malamang ang napakain ko lang dito kay.."
Oh no Tokyo. Don't tell me you don't know her name when you sex her up already.
"Ang napakain ko rito kay baby hotdog lang."
"Oh, I love hotdogs though." - Girl
"Yes I know baby." - Tokyo
"Especially yours." - Girl
"You naughty girl." - TokyoI look at him dismayed while he shrugged his shoulders. Buti nalang di napansin ni ate o patay malisya lang siya?
"Well. Hate to interrupt pero ang masasabi ko lang ay sulitin mo na ang mga luto ko habang nandito pa ako. Di magtatagal babalik ka na sa instant noodles at HOTDOGS."
"You sure na aalis ka pa? I mean I don't mind you living here with me. What friends are for right."
"I've decided. Nahihiya na ako sa'yo. Sobra sobra na ang tulong mo sa'kin which I'm grateful of course. Once na makahanap ako I'm moving out. Mas kailangan mo ng alone time kesa sa'kin."Sabay ngiti sa baby niya na hindi ko rin alam ang pangalan.
"Alone time huh."
Iniwan ko na silang dalawa at dumiretso sa banyo para maligo. Magsisimula na naman kasi ako ng pang umaga kong trabaho which is a driver, a Grab driver to be exact. Kailangan kong kumayod para sa pamilya ko sa probinsya. May sari-sari store naman kami pero hindi pa rin sapat ang kita nun para mabuhay ang magulang at ang mga kapatid ko. Hindi na pwedeng mag trabaho ang mga magulang namin, si Tatay may karamdaman na at si Nanay naman ang bahala sa bahay. Hindi rin pwedeng mag trabaho ang dalawa kong mga kapatid dahil nag aaral pa sila.
Pagkatapos kong maligo at mag bihis ay nag paalam na ako kay Tokyo na ngayon ay mag isang nag tutupi ng bedsheet niya.
"Oh asan na yung baby mo?"
"Umalis na. Tumawag yung boyfriend."
"Ano? May boyfriend siya at sumama pa rin siya sa'yo?"
"Well, can't do anything about it. Your bestfriend is just too handsome that they can't resist."Binigyan niya ako ng nakaka asar na ngiti with matching taas baba ng kilay. Habang ako hindi makapaniwala sa nalaman.
"You're impossible."
"Life is short, have fun."
"If that's your definition of fun no thank you. Di naman ako nagmamadali as of now."
"Come on girl, I'm not against you helping your fam which is one of the things I am proud of you, but you have your own life too. Ako ang nanghihinayang sa'yo eh. I mean you are beautiful and sexy and smart and the list goes on."
"Talaga? Coming from you?"
"Yes. Absolutely. Pero hindi kita type ah."Nagtawanan kami sa sinabi niya. Alam ko namang di niya ako type kaya nga naging mag kaibigan kami. We share common interests at parang lalaki ang turing niya sa'kin. He said I'm his girl counterpart pero minus ang pagiging fuck boy niya.
"Kaya nga di na nagtaka ang mga schoolmates natin way back in college nung naging kayo ni Jonah."
"Huh? Bakit naman?"
"Before you two become a couple marami ng nag sasabing bagay kayo."Talaga? Ngayon ko lang 'to nalaman.
"Thinking of him again?"
"H-hindi."
"Ako pa niloko mo. 'Yan na nga ba sinasabi ko eh kaya kailangan mo ng makipag date."
"Di ko kailangan ng date. Wala akong oras para riyan."
"Anong wala? You have time if you know how to manage it. Amber, sometimes you need to take a break. I can set up a blind date for you if you'll agree. Malay mo mapalitan na si Jonah sa buhay mo."
"Ganun? You think mapapalitan siya dahil sa blind date?"
"Of course. Love moves in mysterious ways diba. Well, sex is also a perk."
"Maniniwala na sana ako eh. Dinagdagan mo pa."
"Haha! Hey I'm just sayin' a fact and just sharing my experiences too."
"Whatever."
"So yeah, think about it. There's no harm in trying. If you and your date are okay and you're already in the third base or better, home base, please.. Let me know, I am willing to lend my pad to you."
"Gago. Alis na nga ako. Later nalang."
"Haha! Fine, see you later sa club. Ingat ka!"Kumaway na ako kay Tokyo at umalis. Habang papunta ako kay Mr. Jang para kunin yung kotseng minamaneho ko ay hindi maalis sa isip ko ang mga pinag sasabi ni Tokyo kanina. May point naman siya pero ako kasi yung taong naniniwala na darating nalang ang pag ibig ng kusa, hindi na kailangang hanapin. On the other side, di na rin ako bumabata. Kaya heto, I am still a virgin pero hindi ibig sabihin wala akong alam. Hindi pa ako handa para isuko ang watawat ng pagka babae ko. Hindi ko nga isinuko kay Jonah eh though never naman siya nag initiate.
Habang nasa byahe ay tiningnan ko ang cellphone ko sabay punta ng app store. Mag hahanap sana ako ng bagong game para sa phone ko pero iba ang tumambad sa'kin.
"Top dating apps."
Hala, senyales ba 'to? Clinick ko ang app at nag basa ng description pati feedback. Halos magaganda ang pinagsasabi ng mga tao sa app. Mag iinstall ba ako nito? Wala naman sigurong masama. Hindi nalang ako mag lalagay ng picture ko para safe. Besides, tama rin naman si Tokyo. Life is short kaya okay lang din naman siguro kung mag pahinga ako sa trabaho paminsan minsan at mag simulang makipag date.
"Okay. Let's do this."
Di na ako nag dalawang isip at nag install ako ng dating app at gumawa ng profile. Wala nga akong nilagay na profile picture pero may nilagay naman akong konting detalye tungkol sa'kin. Pagkatapos kong gumawa ng profile ay may tumambad kaagad na magandang lalaki sa cellphone ko.
Me: Swipe Right
Sumunod ay 17 years old pero cute. Masyadong bata. Corruption of minor ang aabutin ko nito.
Me: Swipe Left
Sumunod na profile ay isang lalaking nakatalikod. Parang nasa laboratory siya at nakasuot ng gown. Di ko alam kung mag swipe right or left ako. Matingnan nga ang profile.
Name: CJ
Age: 27
Location: Makati
Work: Engineer
Spotify Song: Tonight by John LegendHmm.. For someone who looks like a lab rat unexpected ang song of choice niya. Well, do not judge a book by its cover ika nga kaya nag swipe right nalang ako. Kakaswipe right ko palang eh may match kaagad ako then a message.
CJ: Someone to call a lover? Hmm.. You want me to pass your way? ;)
Oh he knows the song too. I mean it's an old one but this guy's interesting. Now I understand Tokyo. Sana ito na nga ang papalit kay Jonah.
BINABASA MO ANG
Jonah's Luvoratory (COMPLETED)
RomanceAfter being ghosted by her boyfriend Jonah Clemente, Amber Rose De Jesus had issues on giving chances particularly when it comes to her romantic life. In a span of 6 years, although she had suitors, she opted to dedicate herself helping her family b...