"Can't I come with you Mommy?"
"I'm sorry anak but you have to stay with Uncle Jonah for the meantime. Mommy needs to do something important but promise, I'll be right back."
Malungkot na tumango sa'kin si Austin habang papalapit na kami sa kumpanya ni Jonah. Ngayon kasi naka schedule ang pag uusap namin nila Zeke at Atty. Dionisio. Nauna na si Zeke sa rendezvous namin dahil ihahatid ko muna si Austin kay Jonah. Paki usap rin ito ni Jonah na makasama niya ang anak namin as much as possible.
"Dito na po tayo Ma'am."
"Ito na po 'yun?"
"Clemente Pharmaceutical and Laboratory diba?"
"Opo."
"Ito na po 'yun Ma'am."
First time ko kasing makapunta sa kumpanya ni Jonah at hindi ko maiwasang mamangha sa laki ng building niya. Mas mababa lang 'to sa Twin Towers eh.
Inabot ko ang bayad sa driver at bumaba kami ni Austin. Papalapit palang kami ni Austin sa entrance ay may sumalubong na kaagad sa'ming isang babae at tatlong parang body guards.
"Good morning Ma'am Amber, Sir Austin."
Napaka formal naman.
"Good morning din."
"Good morning lady."
"Austin! Call her Ate."
"Good morning, Ate."
Nahiya ako sa tinawag ni Austin sa kaharap naming babae pero ngumiti lang ito.
"I'm Rachel. Mr. Clemente's secretary."
"Oh. Nice meeting you."
"Pleasure's mine Ma'am Amber. So shall we go up now?"
"Yes please. Thank you."
Sumunod kami kay Rachel kasama ang tatlong lalaking kasama niya. Napansin kong panay ang tingin ni Austin sa mga lalaki at hindi kalaunan ay nag tanong siya.
"Why are they following us Mommy?"
"Uhm.. They are your Uncle Jonah's knights."
"Is Uncle Jonah a prince?"
Nag liwanag ang mukha ni Austin ng tanungin niya ako. Nagkatinginan naman kaming lima sa tanong ni Austin.
"Hmm.. Maybe. You can ask Uncle Jonah if he's a prince."
"Really? Okay Mommy I will. Is this his castle?"
"You can ask Uncle Jonah also if this is his castle."
"Okay Mommy."
Nagkangitian kami ni Rachel dahil sa mga tanong ni Austin. Halos siya na nga ang nauuna sa paglalakad dahil excited na siyang makita si Jonah. He's really fond of Prince, Princesses, Castle, etc. That is why next month masaya akong maidadala ko na siya sa Disneyland sa birthday niya mismo. Sumakay kami sa elevator na sa tingin ko for VIP only dahil kahit maraming mga empleyado sa labas ay hindi sila sumakay sa elevator na 'to. It's an elevator made of glass kaya kitang kita namin ang dinadaanan namin. Hinawakan ko rin ng maayos si Austin dahil feeling ko anytime pwede kaming mahulog. Nakarating kami sa floor kung saan sa tingin ko located ang office ni Jonah. Pinag antay muna kami ni Rachel sa lobby at saka pumasok sa isang double door na gawa sa mahogany. Hindi naman siya nag tagal at lumabas muli.
"Pasok daw po muna kayo sabi ni Mr. Clemente."
"Sige. Salamat."
"You're welcome Ma'am."
Hinawakan kong muli ang kamay ni Austin at nag tungo sa pinto. Pagpasok namin ay may walong lalaking sabay sabay na lumingon sa'min. Sa gitna ng conference table ay nakaupo si Jonah. Nasa kaliwa naman niya si Gloryvale. Yung iba hindi ko na kilala.
"Ay sorry. Lalabas nalang ulit kami."
"Uncle Jonah!"
"Hey baby."
Bumitaw sa pagkakahawak sa'kin si Austin at tumakbo papunta kay Jonah. Tumayo rin si Jonah at sinalubong si Austin saka kinarga.
"Good morning Amber."
"Ano.. Good morning din."
"Why are you there? Come here."
"Wag na. Nasa meeting siguro kayo."
"No, we're done actually. We're just waiting for the two of you."
BINABASA MO ANG
Jonah's Luvoratory (COMPLETED)
RomanceAfter being ghosted by her boyfriend Jonah Clemente, Amber Rose De Jesus had issues on giving chances particularly when it comes to her romantic life. In a span of 6 years, although she had suitors, she opted to dedicate herself helping her family b...
