Capitulo 38

250 8 2
                                        

3 Weeks After...

Katatapos lang namin ni Austin makipag usap kila Mama, Papa, Aladdin, at Avril sa skype dahil araw ng pasko ngayon. Nag pasko na sa Pilipinas pero sa Amerika ay sasalubungin palang namin. Kaming dalawa lang ni Austin ang mag cecelebrate ngayon dahil nasa Europe si Zeke dulot ng trabaho niya. Si Cornellia naman ay kasama ang mama niya pero pupunta naman silang dalawa rito sa bahay bukas.

"Mommy, am I a good boy?"
"Yes you are anak. Why are you asking? Are you worried that Santa will not give you gifts?"
"No Mommy. I know Santa will never forget me. I sometimes see you crying that's why I am asking."
"Oh. I'm sorry if you see Mommy crying."

I hug and kiss his temple as we are listening to Christmas songs and we're in front of our fireplace.

(Background Music: Have Yourself A Merry Little Christmas)

Kahit sa anak ko pala hindi nakaligtas ang pabigla-bigla kong pag iyak ng mga nakaraang araw. Akala niya tuloy siya ang rason kung bakit ako umiyak. Poor Austin, kasalanan ko 'to kung bakit hindi ko siya mabigyan ng buong pamilya. Ang tanga ko kasi. Naiiyak man ako ngayon pero pinilit kong pigilan for the sake of my son kaya naman inaya ko na siyang pumunta ng dining area para makakain na kami tutal limang minuto na rin lang naman ay Noche Buena na.

Habang kumakain kami ay biglang tumunog ang laptop ko kaya naman pansamantala kong iniwan si Austin para tingnan kung sinong tumatawag. Si Zeke pala kaya dinala ko na sa hapag kainan ang laptop para kahit papano kasalo namin siya ngayon.

"Merry Christmas to the two of you!"
"Merry Christmas Zeke."
"Merry Christmas Daddy!"

Nangamusta lang naman si Zeke at bumati. Hindi naman kami nag tagal sa pag uusap dahil may flight siya within an hour. Nasabi niya rin na marami siyang biniling chocolates dahil kasalukuyang nasa Belgium siya ngayon.

"And I have a Louis Vuitton for you Amber."
"Naku, hindi ka na sana bumili. Ang mahal niyan eh."
"Don't worry, naka sale ang bag kaya nakamura ako. Haha!"
"Ikaw talaga. Thank you ah."
"You're welcome. Dito na rin ata ako mag shoshopping ng ipapasalubong natin sa Pilipinas tutal halos sale ang karamihang shops dito sa Europe."
"Sige, share na tayo sa gastusin."

Natatawang napailing nalamang si Zeke at pumayag sa kagustuhan ko. Alam niyang hindi ako papayag na wala akong share. Matapos namin mag usap ay pinag patuloy na namin ni Austin ang pag kain. Ako na nga lang pala dahil tapos na si Austin. Humihingi na siya ngayon ng cake sa'kin pero ilang minuto pa nga lang ang nakakaraan matapos ang pag uusap namin ni Zeke ay may tumatawag na naman. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay lumawak ang pagkaka ngiti ko at sinagot ito.

"Kumusta ang binyag?"
"Okay naman. Merry Christmas Amber and to you also little Amber."

Kumaway si Austin kay Uncle Tokyo niya kahit na kinukulit niya akong bigyan siya ng cake kaya nag excuse muna ako sandali kay Tokyo at pinakausap muna si Austin sa Uncle niya. Matapos kong bigyan ng cake si Austin ay saka ko ulit hinarap si Tokyo.

"Akala ko kanina sasabihin mo Little ano eh. Alam mo na."
"Haha! Of course not although mas kamukha niya ang tatay niya."
"Alam ko naman 'yun."
"I heard galing siya riyan."
"Pano mo nalaman?"
"We met in an event a week ago. So.. Is it true? Wala na talaga kayong pag asa? I mean, I know kasal ka na pero diba ang usapan niyo ni Zeke mag hihiwalay din kayo?"

Napabuntong hininga ako sa tanong ni Tokyo at dahan dahang tango ang sagot ko sakaniya.

"Damn. Sigurado na ba kayo?"
"Wala na akong magagawa Tokyo. Binigay niya lang ang gusto kong mangyari."
"Seriously Amber? Ako pa ba lolokohin mo?"

Jonah's Luvoratory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon