Kanina pa ako hindi kinakausap ni Jonah at nakatanaw lamang siya sa labas. Hindi na rin naman ako nag salita dahil alam kong malalim siyang nag iisip ngayon. Sakay kami ng isang sasakiyang itim na ipinadala ng step mom ni Jonah para sunduin kami sa airport.
"Should we go first to your pad Sir?"
"No, go straight to the hospital and stop staring at my girlfriend."Agad namang ibinalik ng driver ang paningin sa kalsada. Hindi ko alam kung matatawa ako sakaniya dahil napaka possessive o ang mamamangha dahil tunog Briton siya simula pa kanina o mananahimik nalang dahil baka lalo pa 'tong mabadtrip pero mas pinili ko nalang 'yung pang huli. Aside sa hindi niya na nga ako kinakausap, kanina pa ito nag susungit kaya naman kinuha ko ang kamay niya at napalingon ito sa'kin. Binigyan ko naman siya ng ngiti sabay pisil sa kamay niya. Nakita ko namang medyo lumambot ang facial expression niya.
"Jonah, baka gusto mo muna mag pahinga or kumain?"
"I'm okay babe. How about you? I'm sorry if we have to go to the hospital immediately."
"It's fine. Naiintindihan namin ng anak mo."Napangiti siya sa pang huling sinabi ko at ginawaran niya ako ng mabilis na halik sa mga labi kaya naman kaagad kong sinilip si koyang driver pero patay malisya naman ito. Sanay na talaga sila sa mga ganito rito.
"Papacheck up na tuloy kita. Gusto ko lang makasigurong okay kayo."
"Okay po."He pulls me closer to him and gave me another kiss on top of my head while we both look outside. Nandito lang din daw sa London naka confine ang dad ni Jonah kaya naman hindi nag tagal ang byahe namin papunta sa hospital.
Pagkarating namin ay agad na kaming pumasok at nag tungo sa private room ng dad ni Jonah. Medyo kinakabahan pa nga ako dahil first time ko mamemeet ang family niya. Nasa 3rd floor kami ngayon at kasalukuyang tinatahak ang kahabaan ng left corridor hanggang sa tumigil kami sa pinaka huling room. Binuksan ni Jonah ang pinto at pumasok kami. Bumungad sa'min ang dalawang bantay ng dad ni Jonah.
"Thank god you're here."
Agad na lumapit ang isang ginang kay Jonah at niyakap siya nito. Nasa 50s na ata ito at siya na ata ang Aunt Betty niya. Malaking babae ito dala na rin siguro dahil British siya.
"Hey Bro."
Tumayo rin ang isang lalaki na halos kasing tangkad lang ni Jonah at ibinaba ang hawak na news paper. Ito na rin siguro ang half brother niya. Kung hindi ko lang alam na may lahi itong Filipino aakalain ko talagang foreigner ito.
"Hey Aunt Betty, Jekyll."
Niyakap naman ni Jonah ang Aunt Betty niya at tinanguan ang kapatid. Mugtong mugto na ang mata ng Aunt Betty niya dulot siguro ng walang humpay na pag iyak samantalang nadakip ko namang nakatingin sa'kin ang kapatid niya. Ngumiti ito at lumapit.
"You must Amber?"
"Yes, I am."
"Nice to meet you. Finally."Nagulat nalamang ako at hindi nakagalaw ng yakapin ako ng kapatid ni Jonah na si Jekyll. Tumikhim naman ng malakas si Jonah kaya naman humiwalay sa'kin si Jekyll. Bahagya pa siyang natawa at itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko sa pulis.
Ang sumunod naman na yumakap sa'kin ay ang Aunt Betty niya. Niyakap ko rin siya ng bahagya at nagpakilala.
"You must be exhausted from the flight. Come, have a sit."
"Thank you Ma'am."
"Oh no. Don't call me Ma'am. You can call me Aunt Betty."
"If you say so Aunt Betty. Thank you."Iginiya niya ako sa couch at pinaupo. Medyo nahihiya pa ako kaya naman huminga ako ng malalim at pinagdikit ang palad na parang nagdadasal. Siguro nga mag dadasal nalang ako para sa dad ni Jonah dahil kitang kita ko galing dito sa couch ang itsura nito. Parang pinatanda lang na version ito ni Jonah. Malaking lalaki, maputi or rather maputla ang kulay ng balat, at totoo ngang sabi ni Jonah na makina nalamang ang bumubuhay dito na ikinalungkot ko rin kahit papano. Hindi ko man lang siya nakilala para patunayan ang pag mamahal ko sa anak niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/219587303-288-k81348.jpg)
BINABASA MO ANG
Jonah's Luvoratory (COMPLETED)
RomanceAfter being ghosted by her boyfriend Jonah Clemente, Amber Rose De Jesus had issues on giving chances particularly when it comes to her romantic life. In a span of 6 years, although she had suitors, she opted to dedicate herself helping her family b...