Jonah's P.O.V:
3 Years Later..
"Happy Birthday Austin.. Happy Birthday Austin.. Happy Birthday, Happy Birthday. Happy Birthday Austin."
We all clapped as my eldest excitedly blow the candles on his birthday cake. I was about to get an icing rose for Janessa when I caught Amber's death stare so I immediately pulled my hand. Mahirap na.
As promised to Austin, we'll celebrate his birthday in Disneyland so here we are. Well, better late than never. Supposed to be sa Anaheim, California ang plano pero dahil nagkaka edad na ang magulang ni Amber kaya minabuti kong sa Hongkong nalang para konting minuto lang ang byahe mula sa Pilipinas. Muntik pa kaming magkaroon ng argument ni Amber dahil ang gusto ko sa function hall ng hotel mag celebrate ng birthday ni Austin pero ang kay Amber naman sa simpleng restaurant lang.
"Ba't ba ang gastos mo Clemente? Basta sa restaurant lang tayo mag ce-celebrate. Tapos ang usapan."
Ano pa nga bang magagawa ko? There's already finality with her statement at tinawag niya na rin ako sa apelyido ko. Speaking of apelyido, after Amber and Austin returned in the Philippines kaagad kong pinapalitan ang apelyido ni Austin kaya naman hindi na makakailang junior ko na siya. Austin Jonah Clemente. Very cool right? I mean, finally. May magdadala at magpapalaganap ng apelyido ko. Wala naman akong problema sa last name ni Janessa dahil sa'kin na siya naka apelyido talaga. Si Amber nalang ang kulang. I sighed because of the thought. Kailan kaya mapapa walang bisa ang kasal nila ni Zeke?
After the simple celebration in the hotel's restaurant we went out to have some fun. Bukod sa family ni Amber, kasama rin namin sila Tokyo and his wife and kid. Gloryvale and Cameron, Gloryjane and Zeke, Manang Mylene and Maya, Mang Errol and Owen. Lastly, Jekyll and Nicole. As to Aunt Betty, she's in the Philippines right now but was not able to come with us. Madali na kasi siyang mapagod kaya iniwan ko muna si Rachel para assistant ni Aunt Betty in case na may gusto siyang puntahan.
The day was full of joy and laughter. Pasado ala sinko na ng hapon ng makaramdam kami ng pagod, but that's not the case with the kids. Parang wala silang kapaguran at ngayon ay hinihila nila ako papunta naman sa carousel.
"Faster Dad."
"Daddy, fast daddy."
"Aren't you tired my prince and princess?"
"No."Sabay pa nilang sagot sa'kin. Narinig ko namang tumawa si Amber na nakasunod sa'min pero ng nilingon ko siya ay nag iwas lamang siya ng tingin. Nakarating kami ng carousel at hindi nag tagal ay sumakay na si Austin at Janessa. Sasamahan ko sana sila pero pareho nila akong tinaboy. Bawal daw ang matanda.
"You can wait for us outside Dad. I'll look after Janessa."
"But.."
"Bye bye daddy."Kumaway pa si Janessa sa'kin. Unbelievable! Mas masakit pa ata ang pag taboy ng anak ko sa'kin kumpara noong tinataboy ako ni Amber. Gaya nga ng sabi nila Austin, umalis ako sa carousel pero binabantayan ko pa rin sila. Tumabi naman si Amber sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Sinandal niya rin ang ulo niya sa braso ko.
"Thank you Jonah."
"No, thank you babe. Thank you for giving me these two angels kahit na tinaboy nila ako kanina just because of this carousel."
"Hahaha! 'To naman, pati ba naman carousel pinagseselosan mo?"
"Of course not. Masama bang gusto ko lang na ligtas sila?"
"Hindi. Anyway, do you want to come with me?"
"Where are we going?"Itinuro niya sa'kin ang ferris wheel sabay puppy eyes pang tiningnan ako. My babe, how can I say no if she's acting cute right now?
"What about the kids?"
"Sila Aladdin na ang bahala. Aladdin, halika rito."Lumapit naman si Aladdin at pinakiusapan siya ng ate niyang bantayan muna ang mga bata.
"Walang problema. Sige na, alis na. Ako muna mag babantay sa mga pamangkin ko. Enjoy sainyo."
BINABASA MO ANG
Jonah's Luvoratory (COMPLETED)
RomanceAfter being ghosted by her boyfriend Jonah Clemente, Amber Rose De Jesus had issues on giving chances particularly when it comes to her romantic life. In a span of 6 years, although she had suitors, she opted to dedicate herself helping her family b...