Capitulo 33

240 9 0
                                    

Nandito kami ngayon ni Zeke sa Central park nagpapahinga at kumakain na rin ng lunch namin. Inaya niya kasi akong lumabas dahil bukod sa malapit na naman siyang bumyahe, wedding anniversary din namin ngayon.

"Sana ganito nalang palagi."

Matapos maubos ni Zeke ang sandwich niya ay sumandal siya sa bench na inuupuan namin at pinapanuod ang mga nag ice skating sa hindi kalayuan. Kahit malamig na ngayon dito sa New York ay marami pa ring tao ang lumalabas para mag ice skating, mamasyal, mag sight seeing ng Christmas decor, at iba pa. Nagpaalam din ako sa trabahong mag da-day off ngayon para sa araw na ito kaya naman iniwan muna namin si Austin kay Cornellia. Masaya ang dalawang 'yun ngayon dahil nag order kami ng ice cream at pizza para sakanila bago umalis.

"Naalala mo pa ba Amber yung first time nating mag meet?"
"Oo naman."
"Ang cute mo at the same time maganda ka pa rin kahit parang nahiya ka ng sinabi ko sa'yong pwede na kitang ligawan."

Nagulat talaga ako ng sinabi niya 'yun at the same time napreskohan ako sa dating niya. Magandang lalaki naman talaga kasi si Zeke. Habulin at anak mayaman pa. Akala ko nga nagbibiro lang siya o pinagtitripan ako noong sinabi niya 'yun pero totoo palang may nararamdaman siya para sa'kin. Parang na love at first sight kumbaga.

"Napagkamalan mo pang boyfriend ko si Aladdin."
"'Yun nga eh. Stupid me. Binalak ko pa naman pikutin ka nun para hiwalayan mo si Aladdin. 'Yun pala mag kapatid kayo."
"Funny ka."

Nagkatawanan kami sa sinabi niya.  Kahit si Aladdin ng malaman niyang akala ni Zeke na mag jowa kami ay labis din siyang natawa. Hindi kasi kami masyadong mag kahawig ni Aladdin. Si Avril ang mas kahawig niya kaya nga palagi akong inaasar ng dalawa na ampon daw ako. Haha!

"Anyway, kahit naman siguro pikutin kita wala pa rin epekto 'yun sa'yo."

Nilingon ko si Zeke at nakatingin pala 'to sa'kin kaya naman inayos ko ang pagkakaupo ko.

"Alam mo ba Amber na napaka saya ko nun ng pumayag kang mag pakasal sa'kin. Who wouldn't thought na magiging asawa kita."
"Pero hindi mo naman ako hinalikan nung sinabi ni Mayor na 'you may kiss the bride'."

Pang aasar ko naman sakaniya though I admire him for being a gentleman.

"Haha! I'm sorry if you were expecting. I just don't want you to think that I'm taking advantage of you. I don't know how to react that time kaya naman to be safe, sa pisnge mo nalang ako humalik."
"Why thank you. Nakakakilig ka naman. Haha!"
"You're welcome wife."

Kinindatan niya na naman ako gaya noong unang beses kaming nagkakilala kaya napangiti ako.

"Pero sorry kung aaminin ko 'to sa'yo Amber."
"Ano 'yun?"
"Gusto talaga kitang halikan noon. Gusto kong ipakita sa lahat na asawa na kita. Na hindi ka na masasaktan ng kahit sino man dahil sisiguraduhin kong masaya ka lang sa piling ko. Kayo ni Austin."
"Zeke.."

Kinuha niya ang kamay ko at pinisil iyon. Napakabuting tao ni Zeke kaya naman naiinis din ako sa sarili ko bakit hindi man lang tumibok ang puso ko para sakaniya kahit konti man lang. Kahit sa papel lang kami mag asawa ay naging mabuting asawa siya sa'kin at ama rin kay Austin. Wala rin akong narinig sakaniyang reklamo o panunumbat. Kung pwedeng si Zeke nalang talaga pero sabi nga nila, hindi natuturuan ang puso.

"Okay lang Amber. Alam ko ang consequences ng relasyon natin. Masaya pa rin ako kasi naging parte ako ng buhay niyo at ganun din naman sa'kin."
"Hindi ko alam Zeke kung pano talaga kita mapapasalamatan sa lahat lahat."
"I don't need anything Amber. Basta masaya ka, masaya at okay na rin ako that's why next month uuwi na muna tayo ng Pilipinas."

Nakapag usap na kami ni Zeke tungkol sa annulment. Bago kasi kami ikasal ni Zeke ay sinabi niya na bigyan ko lang siya ng tatlo o apat na taon para mabago ang buhay namin ni Austin which he did not failed. Pareho na kami ni Austin nandito sa Amerika, may maganda naman akong trabaho, nakakapag padala ako sa Pilipinas at hindi rin mag tatagal ay magiging American citizens na rin kami ni Austin. Pagkatapos ng annulment baka pwede ko na rin makuha sila Mama at Papa para rito na rin manirahan. Ganun din ang gagawin ko kila Aladdin at Avril kahit medyo matagal ang proseso.

Jonah's Luvoratory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon