Capitulo 17

323 11 0
                                    

Mag da-dalawang linggo na simula ng lumipat pansamantala si Jonah sa condotel na nirentahan nila para mag quarantine. Palagi naman kaming nag uusap pero sa dating app. Oo nga, bakit kami dun nag uusap? Makuha na nga ang number niya.

Katatapos ko lang maligo ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha pero hindi sa'kin familiar ang number na ito kaya hinayaan ko nalamang. Baka wrong number lang o worst, scam. Pero tumawag ng tumawag pa ito hanggang sa narindi na ako kaya naman sinagot ko na ang tawag.

"Yes? Who's this?!"
"Ang sungit. Mangungumusta lang naman eh. Tsk!"

Ewan ko ba, imbes na mainis ako parang natuwa pa ako. Ngayon ko na naman lang kasi narinig ang boses niya pero syempre hindi ko ipapahalata 'yon. Baka lumaki pa ang ulo nito.

"Okay naman ako. Bakit?"
"Wala naman. Anong ginagawa mo?"
"Katatapos ko lang maligo. Mag lalagay sana ako ng lotion kaso tumawag ka eh."
"Sorry."
"Okay lang."
"Anong suot mo?"

Teka, alam ko ang ganitong style eh kaya naman bigla nalamang tumaas ang isang kilay ko.

"Hoy, Mr. Clemente. Mag tigil ka ng tanong mong 'yan."
"Bakit? Nag tatanong lang naman ah. Masama bang mag tanong?"
"Hindi pero mga ganiyang tanong bawal."
"Whatever. Siguro wala kang suot kaya ganiyan ang reaction mo."

Kahit hindi ko siya nakikita alam kong naka ngisi siya ngayon. Ang manyak. Ex ko ba talaga 'to? Kaloka.

"May suot ako noh. Ang dumi ng pag iisip mo."
"Hahaha! You're so cute."
"Ewan ko sa'yo. Pano mo pala nalaman ang number ko?"
"Kinuha ko sa phone mo."
"Paano?"
"Before I left I check your phone. I even spoke to your family."
"Wait, pinake alaman mo ang phone ko?"
"Kinda. But I just get your number and answered the phone call of your mom. That's all."
"Wag mo ng uulitin 'yan ah."
"Ang alin?"
"Wag mo ng pakeke-alaman ang phone ko."
"If you don't want others checking your phone then put a code. Jeez, you should know that from the beginning."

Kalma self. Ngayon na nga lang kayo nag usap mag aaway pa ba kayo? Inhale exhale.

"Fine. May bilin ba si mama? Anong sabi nila? Kumusta sila?"
"Slow down will you? You're not in a race."
"Fine."
"Regarding your first question, wala naman silang bilin. Kinumusta ka lang nila which I said you're okay. They said they are doing okay also."
"Mabuti naman kung ganun."
"Oh yeah, I forgot. My bilin nga pala sila."
"Ano? Anong bilin nila?"
"It's not for you but for me."

Haah? Tama ba ang narinig ko? Hindi sa'kin pero sakaniya?

"They told me to visit your province. They want to thank me for taking care of you in the middle of this pandemic."
"At kailan pa kayo naging close?"
"Nung nag usap kami sa phone. Inaya pa nga ako ng papa mong uminom eh. Of course I can't say no. So after this lockdown, I'll go there."
"Hoy Mr. Clemente. Wag kang pupunta dun. Sinasabi ko sa'yo, malalagot ka sa'kin. Hindi rin pwedeng uminom si Papa. Bawal sakaniya ang uminom."
"Then I'll drink for me and for your dad. Listen, I have to go now. Say hi to your family for me and hope the groceries are enough for them."
"Jonah sandali.."
"You might wanna turn on the TV also. Bye."

Ini-end niya ang tawag kaya hindi ko maiwasang ibagsak ang cellphone ko sa kama. Nakakainis. Matapos humupa ang inis ko ay saka nag sink sa utak ko ang sinabi niya. Groceries? Don't tell me siya ang salarin kung kaya't binabaan ako ni mama ng tawag noon dahil busy sila sa pag aayos ng stock namin sa bahay? Nawala sa isip ko bigla ang groceries ng may sunod sunod na katok akong narinig kaya naman sinabi kong pumasok sa kwarto. Si Maya pala at parang excited.

"Ate Amber, buksan mo ang TV. Bilis."
"Bakit? Anong meron?"
"Si Sir Jonah nasa TV."
"Ano?"

Binuksan ko nga ang TV at sakto nasa news channel ito. May virtual presscon ang department of health at kasalukuyang nag sasalita si Gloryvale habang nasa kaliwa ng screen niya si Jonah. Nakasuot si Jonah ng black blazer, red long sleeves, at maroon na necktie. Ang seryoso rin ng mukha niya. Boss na boss ang dating niya ngayon kumpara kanina na parang nakikipag away ako sa isang kapit bahay na antipatiko.

Nanuod kami ni Maya ng presscon at matapos ni Gloryvale mag salita ay si Jonah naman ang inulan ng tanong ng media. Hindi ko magets ang ibang sinabi niya dahil napaka technical nito which I think related sa pagiging chemical engineer niya pero malinaw sa'kin na nasa stage na sila ng pag develop ng vaccine para sa virus na kumakalat.

"All the pharmaceutical companies here in the country are collaborating to formulate this vaccine. Even our country's scientists are also working with us. Hence, we are asking for your patience and a prayer is appreciated also."
"Mr. Clemente, since this pandemic is also affecting employment which I am sure you're aware of the impact, did your company already laid off employees?"
"Absolutely not. We're in this situation where everything should be in mass production so we can meet the demand so why would I layoff? It's not anymore the business that matters, it's about the public."

Nagpalakpakan naman ang mga tao sa sinabi ni Jonah pero seryoso pa rin ang mukha niya.

"Nakaka nosebleed naman po si Sir Jonah. Pero ang galing niya. Diba ate?"
"O-oo naman."
"Uuy, si Ate nauutal. Nabighani kay Sir Jonah."
"Hala siya. Hindi ah. Magaling naman talaga ang Sir Jonah mo. Siya ang leader noon sa debating team namin sa school at never kaming natalo."
"Wow! Sanaol matalino."
"Kaya mag aral kang mabuti. Honor student ka naman diba?"
"Opo. Pero hindi ko kaya ang level ng utak ni Sir Jonah. Halimaw eh."

Ibinaling ulit namin ni Maya ang atensyon namin sa presscon at nasa last question na bago matapos ang presscon.

"We heard that you rented a condotel in Makati near your company. Is that true?"
"Yes. That's true. Mr. Castillo and I came up with that decision. Aside from the cost of transportation our employees incurring, their safety is our priority. Of course it's lonely and difficult because we'll be away from our loved ones for the meantime.."

Bigla siyang tumigil sa pag sasalita at huminga ng malalim bago tinapos ang kaniyang sasabihin.

"But it's for everybody's best. So please, let's all work together so we can beat this thing and we can spend again some quality time with our family, friends, or special someone."

I can see his sincerity and dedication to his work and I can't help not to be proud of him. Natapos na ang presscon at nag paalam muna si Maya na gagawa ng reflection paper dahil isusubmit nila ngayong araw sa isa sa mga subjects nila. Lalabas na rin sana ako ng kwarto ng biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko pa nga pala nasave ang number niya dala ng inis ko kanina.

"Hello?"
"Hi. Did you watch?"
"Yep."
"Did I do good?"
"Hmm.. Pwede na."
"Tsk! Okay."

Natawa ako ng konti ng marinig ko ang pagka dismaya niya sa sinabi ko.

"Where are you?"
"Dito sa kwarto."
"Can you go to the Mini Library?"
"San 'yan?"
"Hindi mo pa rin alam kung san yung library?"
"Obviously hindi. Di naman ako masyado nag lilibot dito sa palasyo mo."
"Haha! Palasyo. Whatever. Labas ka muna ng kwarto mo."

Lumabas ako ng kwarto gaya ng sabi niya. Iginiya niya ako papuntang mini library through phone call. Pagkarating ko sa tapat ng pinto ay sinabi niyang itong bonsai na nasa kanan ko ang pinag lalagyan ng susi ng pinto kaya hinanap ko pa bago ako nakapasok.

"Wow."

Para akong nakapasok lang naman sa Hogwarts. Hindi ako palabasa ng libro pero itong library wow talaga as in wow.

"Isara mo ang bibig mo."

May kausap pa nga pala ako pero pano niya nalamang bukas ang bibig ko?

"Look up. On your right side."

Sinunod ko naman ang sabi niya at nakita kong may CCTV dun. Mukhang tanga kung mukhang tanga pero bigla ko nalamang inangat ang kamay ko at kumaway. Rinig ko naman ang malakas na tawa ni Jonah sa kabilang linya. Napahiya tuloy ako sa katangahan ko. Matapos niyang makarecover sa pag tawa ay may sinabi siya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"God, I can't wait to go home. I miss you so much Amber."

Jonah's Luvoratory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon