Capitulo 13

365 13 2
                                    

Abala ako sa pag hahanap ng pwedeng ipantakip sa leeg ko ng marinig kong may kumakatok sa kwarto kaya agad kong kinuha sa banyo ang twalyang pampaligo para ilagay sa leeg ko saka binuksan ang pinto.

"Magandang hapon Ma'am Amber."
"Hello po. Ikaw po si Aling Mylene?"
"Ako nga. Kilala mo na pala ako."
"Opo, nakita ko po kayo kanina sa hallway."
"Ah ikaw po pala 'yung nakita ko rin kanina sa tapat ng kwarto ni Sir Jonah."
"Ah..eh.. Ano po.."

Biglang natawa ng mahina si Aling Mylene kaya nakaramdam ako ng hiya. Nakita niya pala ako kanina.

"Wag kayong mag alala Ma'am Amber, malaya kayong gawin kung anong gusto niyong gawin sa bahay na ito."
"Ah.. Salamat po. Wag niyo na po akong tawagin Ma'am. Nakakahiya naman po."
"Pasensya na, hindi ako sanay tawagin ka sa iyong pangalan lamang."
"Ganun po ba."

Napansin ni Aling Mylene ang pagkakapulupot ng tuwalya sa leeg ko dahil kita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Maliligo ka Ma'am Amber? Tulungan na kitang ihanda ang pampaligo mo."
"Ay hindi po Aling Mylene. Ano po kasi.."

Natigil ang pag uusap namin ng may narinig kaming isang boses ng lalaki. Bisita ata dahil sigurado akong hindi boses 'yon ni Jonah.

"Mukhang may bisita ata Aling Mylene."
"Si Sir Gloryvale."
"Sige po Aling Mylene. Baka kailangan po kayo sa baba. Susunod nalamang po ako."
"Sigurado ka Ma'am Amber? Ikaw ang priority namin sa bahay na ito."
"Okay lang po ako Aling Mylene. Wag kayong mag alala."

Nag paalam muna si Aling Mylene at ako naman ay ipinag patuloy ang pag hahanap ng pwedeng pantakip sa leeg ko. Sa tabi ng kama ko ay napansin kong may pinto kaya binuksan ko ito.

"Wow!"

Walk-in closet pala ito. Ang daming damit, bag, sapatos at kung ano-ano pa. Para akong pumasok sa isang boutique sa dami kaya naman nag hanap kaagad ako ng scarf ngunit ng mapagtanto kong nakasuot pala ako ng dress, parang hindi naman bagay ang scarf sa dress kaya naman nag hanap pa ako hanggang sa may nakita akong turtleneck na kulay peach.

"Kahit mainit ngayon titiisin ko nalang kesa may makakita pa ng leeg ko."

Napabuntong hininga nalamang ako saka nagpalit ng turtleneck at white jeans. Matapos kong mag palit ay lumabas na ako't bumaba kung saan nakita kong may nakaupong lalaki sa couch at nag ce-cellphone. Napansin niya ata kaagad ang presensya ko kaya nadako ang atensyon niya sa'kin. Siguro mga nasa late 20's na rin ang lalaki, maganda rin siyang magdala ng damit at parang may lahing puti. Parang may hawig siyang konti kay David Beckham nung kabataan niya.

"Good afternoon po."
"Good afternoon too. Have we met before?"
"Hindi ko po alam. Gusto mo ba ng kape?"
"No, thank you. I'm Gloryvale by the way."

Tumayo siya't lumapit sa'kin para makipag kamay. Tinanggap ko naman ito at sinabi rin ang pangalan.

"Amber po."
"Amber. Yeah, I remember you now. We've met before."
"Talaga po? Saan?"
"In Urban. You're the bartender who console me after my girlfriend left me."

Oh. Oo nga. Naalala ko na siya. Siya yung ginawan ko noon ng customize drink. Naka lima ata siya ng order nun.

"Oh.. Ikaw po yung ginawan ko ng Ghosting."
"Exactly."
"Kumusta na po kayo?"
"I'm okay. Will you stop the po? I'm just 29."
"Sorry."

Ngumiti siya sa'kin pero nawala lang din 'yon at napalitan ng pagtataka.

"So why are you here in Jonah's house?"
"Dito ako pansamantalang nakatira. Pero aalis din ako agad pag tapos na ang lockdown."
"I see. How are you related to him?"
"She's my ex."

Jonah's Luvoratory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon