Capitulo 35

250 9 1
                                        

Madaling araw na ng dalhin si Austin sa private room. Dahil hindi pwede ang maraming bisita ay ako at si Jonah ang naiwan sa ospital. Labag man sa loob ni Zeke na umalis ay umuwi muna siya dahil nandun pa sa bahay si Cornellia. Babalik nalamang daw siya mamaya. Si Gloryvale naman ay bibisita rin mamaya.

Habang kinukumutan ko si Austin na ngayon ay tulog na ay ramdam ko ang dalawang matang kanina pa ako pinapanuod. Hindi naman siya nag sasalita at wala rin akong balak kausapin siya.

"Good night baby. Get well soon po."

I kissed Austin on his cheek before I sit on the couch. I heard him sigh before he went out of the room. Hindi rin naman siya nag tagal sa labas at bumalik na may dalang dalawang Grande size coffee at inabot sa'kin ang isa bago naupo sa tabi ko.

"Salamat."
"No problem."

Ang awkward ng sitwasyon namin ngayon. Tanging tunog lang ng aircon ang naririnig namin sa loob kaya naman nakakabingi ang katahimikan na namamagitan saming dalawa.

"You can sleep Amber. Ako ng bahala rito."
"Hindi, okay lang. Sanay naman akong gising pag gabi. Ikaw, baka gusto mong matulog muna."
"Okay lang ako. Don't worry about me."

Nanahimik ulit kami pareho at nakatuon ang atensyon sa kape namin. Sinubukan kong tingnan siya pero nilingon niya rin ako kaya naman nag iwas kaagad ako ng tingin. Ngunit umiwas na nga ako ng tingin pero from my peripheral nakikita ko pa rin siyang nakatingin sa'kin. Dahil hindi ako komportable kaya naman hindi na ako nakatiis na kausapin siya.

"May dumi ba ako sa mukha?"
"Wala."
"Eh ba't ganiyan ka makatingin? Actually kanina pa kita napapansin."
"Am I not allowed to stare at my son's beautiful mother?"
"Ewan ko sa'yo."

Inirapan ko siya pero nginitian niya lamang ako. Jeez, he looks hot right now though especially that the two buttons in front of his long sleeves are now open. Medyo magulo rin ang buhok niya ngayon at lumalim ang kaniyang boses dala na rin siguro ng puyat at pagod. Bedroom voice kumbaga. Shit, what am I thinking.

Tumayo siya at tinapon ang pinaginuman ng kape at bumalik sa tabi ko. This time lalo na siyang malapit at inabot niya rin sa'kin ang coat niya.

"Use it. Malamig dito. Baka sipunin ka pa."
"Wag na. Salamat."
"Still stubborn as ever."
"Excuse me?"
"Amber, pati ba naman 'to pagtatalunan pa natin? Gamitin mo na."
"Wag na nga."
"Or do you prefer body heat instead? I'd gladly do it for you."

Nakangisi siya ngayon sa'kin kaya naman hinablot ko sakaniya ang coat niya saka isinuot.

"Good girl."
"Manyak mo."
"Sa'yo lang."

Sa'kin? Anong tawag niya sa ginawa niya kay Trinity nung huli naming pagkikita? Kaya nag init na naman tuloy ang ulo ko. Aalis na sana ako sa tabi niya pero pinigilan niya ako kaya naman napaupo ako sa kandungan niya.

"Jonah.."

Nang bumagsak ako sa kandungan niya ay ipinulupot niya ang kaniyang braso sa baywang ko. Dahil mas malakas siya sa'kin ay hindi ko magawang makaalis sa pagkakaupo sakaniya.

"Please stay still babe."
"Jonah.. Hindi pwede. Baka may makakita sa'tin."
"Are you afraid that we'll be caught by your husband?"
"No. Zeke knows me pero pakawalan mo na ako."
"I don't want to."
"Isa.."

Natawa siya ng binilingan ko siya kaya lalo lamang niya ako hindi pinakawalan.

"You're so cute babe."

I give up. Mapapagod din naman siya at mangangalay ang hita kung matagal niya akong pauupuin sa kandungan niya.

"I missed you so much."
"Will you stop Jonah? May asawa na ako."
"I know."
"So? Why are you acting like this?"
"Because I want to."
"Jonah, hindi na tayo bata. Hindi na rin tayo binata't dalaga. Grow up."
"Whatever you say babe."
"And would you please stop calling me that?"
"Why?"
"Ugh! You're impossible."

Jonah's Luvoratory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon