Matapos ang buong araw kong pag dadriver ay dumiretso na ako sa club kung saan ang pangalawa't pang gabi ko namang trabaho. Nagtatrabaho ako rito bilang flairtender. Mabuti nalang pala at ito ang napili kong short course noong college dahil malaki rin ang kinikita ko rito kahit papano.
"Hello Amber."
"Magandang gabi chief."Sumaludo ako sa security guards namin saka pumasok.
Maganda at masaya ang flairtending. Pero di ko pa rin maiwasang mang hinayang na hindi ko natapos ang kurso kong HRM. Nagkaroon kasi kami noon ng financial crisis kaya bilang panganay, ako na ang nag paubaya. Hindi bale, basta ba ang dalawa kong kapatid maging okay lalo na't hindi magtatagal ay magkakaroon na ako ng college graduate na kapatid which is another motivation para mag trabaho ako ng maigi. Wala naman akong problema sa bunso namin dahil konti lang ang bayaran sa public school at matagal pa bago siya mag kolehiyo kaya malamang makakapag ipon pa ako para sakaniya.
"Mukhang pagod na pagod ka ah."
Nadatnan ako ni Rhem sa locker room na naka upo sa isang sulok. Isa rin siyang flairtender gaya ko. Mabait siya pero malandi which is an asset for him dahil marami siyang customer na babae. Kung di ko nga lang 'to kilala aakalain kong may gusto 'to sa'kin eh.
"Medyo. Huli kong customer pinag buhat pa ako ng groceries niya."
"Seryoso? Halika nga rito."Di pa man ako pumapayag ay hinila niya ako palapit sabay harap ng likod ko sakaniya. Nilagay niya ang kaniyang kamay sa balikat ko at minasahe ng dahan dahan.
"Teka.."
"Sshh.. Relax. Akong bahala sa'yo."Di na ako tumanggi dahil masakit nga talaga ang likod ko. Masarap ang masahe ni Rhem, parang di lalaki ang nagmamay ari ng kamay na nasa likod ko ngayon dahil sa sobrang gaan. Hindi ko rin sinasadyang mapa ungol. Narinig kong tumawa siya ng konti.
"Sarap?"
"Masarap."
"Dapat pala gawin natin 'to bago mag work."
"Oo nga."
"Natatawa tuloy ako, baka may nakakarinig sa'tin."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Alam mo na, baka kung anong isipin ng makakarinig sa'tin."
"Haha! Wala naman tayong ginagawang masama."
"Sabagay. Oh ayan, tapos na. Feel better?"I nod at him and said my thank you. After an hour, nag bukas na ang club. As usual, mas marami ang tao kapag malapit na ang weekend. Di rin nag tagal ay nakita ko na si Tokyo na papalapit.
"Himala, mag isa ka."
"Yeah. Literal na alone time muna."
"Okay. So what would you like to have?"
"Two buckets. The usual."
"Any additional?"
"Pistachio."
"Alright, coming right up."Maluwag pa ang schedule ko from 10pm-12am. Yung mga nag O-OJT muna ang bahala sa ganiyang oras under our supervision ni Rhem. Nagsisimula kami mag flairtending ni Rhem 12am-3am dahil yun ang peak ng party. Kaya naman pwede pa akong makipag usap kay Tokyo. Pag katapos kong ihanda ang order niya ay naupo ako sa kanto ng bar malapit sakaniya.
"Sigurado ka na riyan sa alone time mo?"
"Yes. Bakit?"
"Wala naman. Nakakapanibago lang. As in wala kang kikitaing babae ngayon?"
"Nah, I had an intense last night. Pahinga muna si Tokyo junior."
"Marunong ka rin pala mag pahinga kahit papano."
"Oo naman. Twice or thrice a week is enough. Pero intense naman lahat ng yun. Besides, nag tatrabaho rin kaya ako nuh."
"Okay. Sabi mo eh."
"So that only means tonight tayo ulit ang mag ka-date."
"Seems like tayo nga ulit. Pero mukhang disappointed ka pa ata."
"Of course not. Nakikita mo 'yang mga lalaking 'yan?"Tinuro sa'kin ni Tokyo ang isang grupo ng mga kalalakihan na nakatingin sa direksyon namin. Mukhang mga nag aaral pa ang mga 'to.
"The moment I arrive I already notice them staring at you. May nag tutulakan pa nga, seems like they are about to approach. Natigil lang ng dumating ako."
"Baka naman mag oorder lang."
"Nah. Trust me, I'm a man. I know those kind of stares and as if I'll let them get near you. I know I like you to date someone but not them, hindi pwede ang bagito."
BINABASA MO ANG
Jonah's Luvoratory (COMPLETED)
RomanceAfter being ghosted by her boyfriend Jonah Clemente, Amber Rose De Jesus had issues on giving chances particularly when it comes to her romantic life. In a span of 6 years, although she had suitors, she opted to dedicate herself helping her family b...