Capitulo 18

312 11 0
                                        

Andito ako ngayon sa garden at pinapanuod si Mang Errol kung pano ang tamang pruning sa mga bonsai rito sa garden. Siguro may green thumb itong si Mang Errol dahil wala ni isang tuyo na dahon akong nakikita sa tanim dito sa garden. Buhay na buhay ang tanim dito simula sa bonsai, bulaklak, orchids, at puno.

"Mang Errol pwede po ba ako mag paturo sa'yo kung pano gawin 'yan?"
"Opo naman Ma'am Amber."

Lumapit ako sa mesa at nakinig sa instructions niya at pagkatapos ay kinuha ko ang secateurs at nag simula. Ingat na ingat ako at baka may maputol ako na hindi dapat maputol.

"Ang galing mo pala Ma'am Amber. "
"Hindi naman Mang Errol. Okay na po ba ito?"
"Opo. Akin na't ibalik ko na siya sa mga kapatid niya."

Nakakatuwa pala ang gardening. Mukhang may idadagdag na ako sa resumé ko pag namaster ko ang pag titrim ng mga bonsai. Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa naisip ko. Pero seryoso talaga 'yun, skill kaya 'to at in demand din na trabaho ang gardener sa ibang bansa kung hindi ako palarin maging bartender eh at least may back up ako.

"Matagal ka na po ba Mang Errol sa ganitong trabaho?"
"Opo Ma'am halos 15 years na rin."
"Ang tagal na nga po. Pero kailan ka po nag simula kay Jonah mag trabaho?"
"Matagal na akong hardinero ng mga Clemente pero noong nakaraang taon lang ako nag trabaho kay Sir Jonah mismo. Nalaman niya kasi yung kagustuhan kong umuwi na ng Pilipinas kaya andito ako."
"Ah. Miss niyo na po family niyo?"
"Sa katunayan Ma'am wala po ang pamilya ko rito. Naiwan po sila Sa UK."

Ngumiti sa'kin si Mang Errol pero kitang kita ko sa mata niya ang kalungkutan. Wala na sana akong balak mag tanong dahil mukhang personal na bagay na 'yun pero nag open naman si Mang Errol kaya nakinig ako sakaniya.

"Nag karoon ako ng asawa sa UK. Briton siya at nagka anak din kami ng isa pero hiniwalayan niya rin ako at sumama sa ibang lalaki. Kalahi niya't mayaman. Gustohin ko man sanang makita ang anak ko pero pinagbawalan niya ako't mag sasampa raw sila ng kaso laban sa'kin kapag ginulo ko ang buhay nila. Syempre, anong laban ko? Mahirap lang naman ako."

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Hindi ko naman pwedeng sabihing okay lang kasi hindi okay ang nangyari. Lalong hindi naman ako pwedeng mag sabi ng masama laban sa dating asawa ni Mang Errol. Lalo lamang siyang masasaktan.

"Ate Amber, may tumatawag po sa cellphone niyo."
"Salamat Maya. Excuse me lang Mang Errol. Salamat din po sa pag tuturo niyo sa'kin sa pag titrim ng bonsai. Sa uulitin."
"Walang ano man Ma'am Amber."

Ngumiti ako sakaniya at siya rin sa'kin bago ako nag punta sa pool side. Tumatawag si Rhem. Mag bubukas na ba kami ulit? Pero naka enhanced community quarantine pa kami sa metro manila.

"Hey Amber."
"Hello Rhem. Balita?"
"Gusto mo bang kumita ngayon?"
"Paano?"

Nalaman kong binili niya ang ilang alcoholic drinks sa club bago nag lockdown at ngayon ay gumagawa siya ng made to order cocktails tapos siya rin ang nag dedeliver gamit ang motor niya.

"Pwede pala 'yun?"
"Hindi ko nga alam kasi may liquor ban diba? Haha! Pero wala eh, hirap ng buhay ngayon. Made to order lang naman 'yun tapos yung mga customers ko sa club ang umoorder sa'kin then nirerefer nalang nila ako. Minsan dun din sa bahay or condo ng customer ako gumagawa ng cocktail drinks nila dahil may mga stock din sila ng inumin. Aside sa cocktails, nag papa order din ako ng sinukmani at ube halaya. Baka gusto mo mag order, may discount ka naman sa'kin."

Natakam tuloy ako sa binibenta ni Rhem. Makagawa nga ng sarili kong version ng sinukmani at ube halaya.

"So ano Amber, gusto mo bang kumita? O oorder ka? Haha!"
"Marunong naman ako gumawa ng sinukmani at ube halaya pero parang interesado ako sa made to order na cocktail."
"Talaga? Great. Tamang tama, may mga customers pa naman akong kilala ka at hinahanap din yung signature drinks mo."
"Ang problema ko nga lang wala akong alcoholic drinks dito."
"Wag mo na 'yun alalahanin. Akong bahala or pwede ka rin naman sa tirahan ng customers mismo gumawa gaya ng ginagawa ko."
"Sabagay. Sige Rhem. Chat mo nalang ako kapag may customer na ako ah."
"Sure. Sige Amber, mag dedeliver na ako. Ingat ka partner."
"Ikaw din partner."

Jonah's Luvoratory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon