Patungo na kami ngayon sa sementeryo kung saan ililibing ang dad ni Jonah. Kasama namin sa kotse si Aunt Betty at Jekyll. Kanina pa dumadaloy ang luha ni Aunt Betty kaya naman nakayakap lamang si Jekyll sa mama niya. Si Jonah naman ay nasa harapan katabi ng driver. Pagkarating namin sa sementeryo ay inalalayan ako ni Jonah at nag lakad na kami papunta sa chapel ng sementeryo para sa misa.
Habang nag mimisa ay hindi maiwasan na lumalabas paminsan minsa si Jonah para siguraduhin ang kaligtasan namin. Palibot ng security team ang perimeter ng chapel kaya naman kahit papano ay panatag kami na walang mangyayari sa'min masama. Matapos ang misa ay hinatid na sa huling hantungan si Mr. Jonathan Clemente. Nagbigay muna sila Aunt Betty, Jekyll, at Jonah ng kanilang huling mensahe para sa yumaong padre de pamilya.
"And lastly, I would like to thank all of you for being our pillar in this trying time. This means a lot to our family."
Matapos magsalita ni Jonah ay sinimulan ng ibaba ang casket ng dad nila. Nasa tabi ko lang si Jonah at mag kahawak kami ng kamay. Tiningala ko siya pero nanatili lamang siyang impassive habang pinapanuod ang pagbaba ng kaniyang ama. Hindi rin nag tagal ay tinatabunan na ito ng lupa. Medyo naging abala ang pamilya Clemente sa pakikipag usap at pag pagpapasalamat sa mga nakiramay kaya naman hindi na ako nag paalam na pupunta muna ng CR dahil na iihi na ako.
"Where are you going Miss Amber?"
"I need to pee."
"Oh. We'll go with you then."
Sinamahan ako ng tatlong bodyguards hanggang nakarating kami ng CR. Pinag antay ko lang sila sa labas dahil hindi naman sila pwede sa comfort room ng mga babae. Sinabi ko nalang na sandali lang ako. Habang nag C-CR ay narinig kong may pumasok rin dito. Rinig sa buong CR ang tunog ng sapatos ng pumasok kaya naman nag madali na akong matapos. Pag kalabas ko ay nag hugas kaagad ako ng kamay pero bigla nalamang akong natigilan ng nahagip ng paningin ko ang isang babaeng nakatayo sa pintuan.
She's wearing black dress, red stilettos, and a wide black brim hat. Her red lipstick is also noticeable as it accentuates the shape of her lips. I look at her and she is smiling at me like we've know each other for so long.
"Hi!"
Hindi ako kumibo at aktong sisigaw na sana ng bigla niya akong tinutukan ng baril.
"You shout then you'll get shot."
"What do you want from me?"
"Give me back my Jonah."
"But Jonah doesn't want to be with you anymore."
"Shut up you bloody bitch!"
Nilapitan niya ako at biglang hinila ang buhok ko palabas ng banyo. Pagkalabas namin ay saka ko nakitang wala ng malay ang mga kasama kong bodyguards kanina, mabuti nalang hindi naman ito pinatay ng anim na lalaking nag aabang sa'min ni Trinity. May kotse rin sa labas ng banyo kaya sapilitan akong pinasakay at umalis kami.
"Where are you taking me?"
Sinenyasan ni Trinity ang isa sa katabi kong lalaki at nilagyan ako ng takip sa mata. Tinakpan din ang bibig ko ng panyo at kaagad kong nalanghap ang gamot sa pinantakip sa'kin kaya unti-unting nawalan ako ng malay.
============================
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Ang huling naalala ko ay tumatawa si Trinity habang may kausap. Tiningnan ko ang buong paligid at mukhang nasa isang bahay ako. Hindi naman ako nakatali o ano pa man kaya kaagad akong bumangon para lumabas pero pag pihit ko ng doorknob ay hindi ko ito mabuksan.
"Let me out, please! Help me."
Sunod sunod kong pinagkakatok ang pinto hanggang sa bumukas ito at iniluwa ang isang lalaking naka suot ng americana kaya naman napa atras ako.
"Be quite lady."
"Sir, please let me out."
"No. Just stay here and don't make any noise or else we'll be forced to do something to you."
Hinawakan ako ng lalaki sa aking braso at pabalibag akong ibinalik sa kama bago siya muling lumabas. Hindi ko na naiwasang maiyak sa sitwasyon ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Jonah's Luvoratory (COMPLETED)
RomanceAfter being ghosted by her boyfriend Jonah Clemente, Amber Rose De Jesus had issues on giving chances particularly when it comes to her romantic life. In a span of 6 years, although she had suitors, she opted to dedicate herself helping her family b...
