"Netflix and chill ang peg mo?"
"Yeah."Naupo siya sa tabi ko sabay lapag ng popcorn at beer sa mesa. Nandito kami ngayon sa condo unit niya at dito raw kami mag de-date. Matapos niya akong halikan sa harapan ng madlang people ay hinawakan niya ang kamay ko't tumakbo kami paalis ng event. Hingal akong narating ang parking area samantalang siya tawa ng tawa. Tinanong ko siya ba't kami tumakbo at hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Because I wanna lay you down in a bed of roses. As soon as possible."
Pakanta pa niya akong sinagot kaya binato ko siya ng sapatos ko. Tinawanan niya lamang ako ng makaiwas siya. On the other hand, masaya akong makita siyang tumatawa ulit kaya pati ako nahawa na sa tawa niya.
"So manunuod tayo ng ganito ang suot?"
"Yeah. Why? Do you wanna get naked?"Ngumisi siya sabay subo ng popcorn. Ang manyak talaga kaya inirapan ko nalamang siya. Hanggang ngayon kasi ay suot pa rin namin ang attire na ginamt sa event. Kahit pa maganda ang suot ko ngayon syempre hindi pa rin komportable unlike sakaniya na naka coat and tie.
"Wala kang extrang damit dito?"
"Wala."
"As in walang wala?"
"Wala. I am not staying here so wala akong damit dito."
"Pambihira naman."Niyakap ko ang sarili ko dahil medyo nakakaramdam na rin ako ng lamig. Kanina pa expose ang balikat, likod, at cleavage ko. Napansin naman iyon ni Jonah kaya naman inabot niya sa'kin ang coat niya. Hindi na ako tumanggi at isinuot ko naman 'yon.
"Do you want me to adjust the AC?"
"No. I'm okay now."Kinuha ko na rin ang popcorn ko dahil nagsisimula na ang pelikula. Wala ni isa samin ang nagsasalita at nakatuon lamang ang mga mata sa TV. Ngunit hindi pa man nga nangangalahati ang pelikula ay nagkatinginan kami ni Jonah pero sabay din kaming nag iwas.
"Do you want me to look for another movie?"
"No. Okay lang. But how did you know this movie?"
"Nicole. She suggested this. I didn't know na may sex scenes pala 'to."Dahil nabanggit niya na si Nicole, siguro pwede na akong mag tanong.
"Jonah."
"Yes?"
"K-kayo na ba ni Nicole?"
"What?! Where did you get that?"
"May chismis na nahuli kayo sa Tagaytay. Tapatin mo nga ako, are you getting even with me because I married Zeke?"Pangalawang beses na sa gabing ito na tinawanan ako ni Jonah. I don't remember saying anything funny with my question kaya naman tumayo na ako at nag lakad papuntang pinto pero nahabol niya ako agad.
"Hey.. Where are you going?"
"Nakakainis ka kasi eh."
"Haha! Sorry. Chill now my queen."
"My queen mo mukha mo."
"Are you jealous?"
"No."
"Yeah right. I am always yours Amber. Body and soul so don't be jealous. Also, revenge is not my nature."Lumapit siya sa'kin at inilagay ang takas na buhok ko sa likod ng tenga ko then his index finger slides from my ear to my chin, tilting my head so our gaze can meet.
"I don't know where and how you concluded those but none of those are true. Nicole's my company's endorser and she's Jekyll's girlfriend."
"Talaga?"He nodded. Sinabi niya sa'kin na last December ay nag punta ng Pilipinas sila Aunt Betty at Jekyll para rito sa Pilipinas mag celebrate ng Christmas kasama siya. Christmas day ay inanyayahan niya sila Aunt Betty, Jekyll, at Nicole sa Tagaytay para makapamasyal.
"It just happened na kami ni Nicole ang nakita siguro ng paparazzi kaya gumawa sila ng article."
"Then why did she bid for 500,000 just to have a date with you?"
"That. That's just a contingency plan just in case hindi mo ako sinipot kanina sa event. I forgot to tell her na nandun ka na. I don't wanna date anyone unless it's you."
"Hmp! Okay."
BINABASA MO ANG
Jonah's Luvoratory (COMPLETED)
RomanceAfter being ghosted by her boyfriend Jonah Clemente, Amber Rose De Jesus had issues on giving chances particularly when it comes to her romantic life. In a span of 6 years, although she had suitors, she opted to dedicate herself helping her family b...