Kinaumagahan ay sinamahan ako ni Austin at Jonah sa ospital para kumpirmahin kung buntis nga ako. Hindi alam nila mama na sa ospital ang tungo namin dahil another big news na naman ito sakanila kung sakaling totoo nga.
"Where's Daddy?"
Tanong ni Austin sa'min kung nasan si Zeke kaya nagkatinginan kami ni Jonah. Isa sa rason kung bakit sinama namin si Austin dahil ipagtatapat na namin sakaniya ang katotohanan. Austin's a smart kid that's why I am confident he'll understand why things just happened.
"He's in your lola and lolo's house baby."
"Okay. Uncle Jonah?"
"Yes my little prince?"
"Do you really like my mommy?"
Muli kaming nagkatinginan ni Jonah sa tanong ni Austin. Masyado na ba kaming obvious pati bata nahahalata kami?
"I just don't like your mommy. I love your mommy. Very much."
Hindi na nagtanong muli si Austin hanggang sa makarating kami ng ospital. Pagkarating namin ay ika lima ako sa pila kaya pinaupo muna kami at tatawagin nalamang daw ako.
"Why are we here Uncle Jonah?"
"Because Mommy will get her check up."
"Are you sick Mommy?"
"No Austin. I just want to make sure I'm okay and healthy."
"Yes Mommy. Eat lots of fruits and vegetables."
"I will Dr. Austin. Thank you."
Ngumiti si Austin saka ipinagpatuloy ang pag gala ng paningin niya sa loob ng ospital. Hindi nagtagal ay tinawag na ako para sa check up. Hindi ko na pinasama ang mag ama dahil maliit lamang ang clinic ng OB/GYN, mag sisiksikan pa kami sa loob.
"Good morning po Doc."
"Good morning din hija. Have a seat."
"Thank you po."
Naupo naman ako at sinimulan ng icheck ni Doc. Tinanong niya muna ako ng kung ano ano saka binigyan ng PT at itinuro sa'kin ang banyo. Pagkapasok ko ay ginawa ko ang kailangan kong gawin. Ilang minuto lang ay nakumpirma kong buntis nga ako.
"Walang hiya ka talaga Clemente. Nakaka dalawa ka na."
Natatawang napa iling nalamang ako bago lumabas at pinakita kay Doc. ang resulta. Tinanong niya rin ako kung gusto ko na ba raw mag pa ultrasound para malaman kung ilang weeks na ang bagong anghel sa buhay ko, or rather sa buhay namin ni Jonah.
"Nakikita mo 'to? 'Yan na ang baby mo Mrs. De Jesus."
Yep, De Jesus ang nilagay ko sa records dahil baka maging issue pa kung ang ilalagay ko ay Palomares. Kilala pa naman ang mga Palomares dito sa'min tapos makikita nila iba ang kasama ko. Pagkatapos ng ultrasound ay binigay sa'kin ni Doc. ang picture ng baby sa sinapupunan ko at nag bayad na rin ako. Nagpasalamat din ako saka lumabas ng clinic pero nag iba nalamang ang timpla ng mukha ko ng makitang may tatlong babaeng nurses ang kinakausap si Jonah.
"Okay lang po ba kami mag papicture Sir?"
Nadako ang tingin ni Jonah sa direksyon ko at kita ko ang pag lunok niya kaya kaagad siyang tumanggi sa mag papapicture sana sakaniya.
"Andiyan si misis eh. Sorry."
Misis ka riyan. Hmp! Disappointed na nag martsa paalis ang mga babae saka lumapit si Jonah sa'kin habang karga si Austin.
"Hey babe, how's your check up?"
"Okay lang."
"Care to share the results?"
"Wag na. Mukhang busy ka eh."
"No I'm not."
"Oo kaya."
"They just recognized me. That's all."
"Whatever. Kung wala pala ako eh di pumayag kang mag papicture. Come here na nga Austin, your Uncle Jonah is busy."
Kukunin ko sana si Austin pero tumanggi itong magpakuha. Sinabi pa niyang annoying daw yung mga babae kanina na kausap ng Uncle Jonah niya.
"Ay ewan ko sainyong dalawa. Bahala kayo."
BINABASA MO ANG
Jonah's Luvoratory (COMPLETED)
RomanceAfter being ghosted by her boyfriend Jonah Clemente, Amber Rose De Jesus had issues on giving chances particularly when it comes to her romantic life. In a span of 6 years, although she had suitors, she opted to dedicate herself helping her family b...
