Third Person's P.O.V:
"Andiyan na siya!"
Sabay sabay nagsitilian at lumabas ng kanilang classroom ang mga estudyanteng babae habang umiling-iling nalamang ang mga kaklase nilang mga lalaki. Simula ng naging part time faculty ang professor nilang doktor ay hindi na bago sakanila na kada dumarating ang kotse nitong pula ay parang nakakita ng hollywood star ang mga kababaihan sa university nila. Kahit nga hindi naman kadepartment nila ay dumarayo pa sa building nila makasulyap lang sa binatang doktor.
"Uy Candice, tara na."
"Sandali. Tapusin ko lang 'to."Nauna ng lumabas si Alyson habang pinapabanguhan naman ni Candice ang love letter niya para sa professor nilang ubod ng kagwapuhan. Sa isip at damdamin niya, ngayon lang siya nagka crush ng sobra sa isang lalaki. Hindi nga niya alam kung crush pa nga bang matatawag ang nararamdaman niya o pag ibig na. Para sakaniya ay wala ng makahihigit pa sa isang Dr. Austin Jonah Clemente. Gwapo, mayaman, matalino, mabait, at higit sa lahat ang bango bango pa. Naalala niya tuloy ng mahuli siya nitong sinisingot niya ang doktor noong may pinapa check siya sa ginawa niyang research paper. Mabuti nalang at ngumiti lang ito, kung iba siguro baka nawirduhan na sakaniya or worst, napagkamalan pa siyang manyak.
Ilang sandali pa ay nagsipasukan na sa classroom ang mga kaklase ni Candice at pang huling pumasok ay si Austin. Sa edad nitong 27, hindi mapagkakamalang doktor o nasa 20s na ang binata dahil sa baby face ito.
"Good morning ladies and gentlemen."
"Good morning Dr. Clemente."Ngumiti ito saka naupo sa unahan pero hindi pa man nag tatagal sa pagkaka upo si Austin ay tumayo ulit siya at nag lakad patungo sa ngayong humahagikhik na si Candice. Hindi ata napansin ng dalaga ang presensya ni Austin at hindi pa rin nawawala sa mukha nito ang kasiyahan habang may binabasang kulay pink na papel. Si Alyson na mismo ang tumawag sa atensyon ng kaibigan niya at nang iangat ni Candice ang kaniyang ulo ay bigla nalamang nanuyo ang kaniyang lalamunan ng makitang nasa tabi niya na si Austin at binabasa rin ang hawak niyang papel.
"Now I know."
'Yun lamang ang sinabi ni Austin saka bumalik sa unahan at nag simulang mag turo.
============================
Dalawang taon ang makalipas ay nasa tapat ng United Filipinas Medical Centre si Candice. Marami na siyang inapplyang hospitals pero either hindi siya tanggap o "we'll just give you a call" ang tugon sakaniya. Sa isip niya ay ang hirap makahanap ng trabaho lalo na't fresh graduate, kakapasa palang sa board exam, at wala pa gaanong work experience bukod sa internship. Kinakabahan siyang pumasok sa ospital at nag tungo sa front desk para sabihing mag aapply siya. Wala talaga sana siyang balak mag apply sa ospital na 'to dahil alam niyang si Dr. Austin Clemente ay nagtatrabaho rin sa ospital na 'to. Matapos kasi siyang madakip ni Austin ay nag iba na ang pakikitungo ng binata sakaniya at kung may pagkakataon ay iniiwasan siya nito hanggang sa natapos ang pag pa-part time ng binatang doktor sa university nila.
"4th floor right side Ma'am. Katabi lang po ng chapel ang HR. Best of luck."
"Thank you."Napaka accommodating naman ng front desk dito kumpara sa ibang ospital na napuntahan ko. Sa ibang ospital kasi ay halos ayaw siyang pag applyin. Kukunin na sana ni Candice ang visitor's pass niya ng may biglang tumabi sa'kaniyang lalaki na nakasuot ng doctor's coat.
"Have you seen my mom and Jan?"
"Yes doc. Dumiretso na po sa office niyo."
"Okay. Thank you."Nagkatinginan silang dalawa at pareho pang nagulat. Hindi makapaniwala si Candice na makalipas ng dalawang taon ay hindi nag babago ang itsura ng crush niya. Hindi kaya bampira ang lalaking 'to?
"Miss Amorsolo?"
"H-hello po Dr. Clemente."Tiningnan siya ng binata mula ulo hanggang paa saka muling ibinalik ang tingin sa mga mata niya.
"What are you doing here?"
"Mag aapply po sana ng trabaho."
"Oh."Tumango tango lang ito bago siya kinausap muli.
"First job?"
"Yes po doc."
"Do you have with you the necessary documents like transcript of records, diploma, and such?"
"Opo doc. Andito po sa folder ko."
"And when can you start?"
"Anytime po. Kailangan ko na po ng trabaho eh."
"Oh.. Good luck then."
"Thank you doc."
"Right. See you around."Itinaas nito ang kanang kamay saka humakbang paalis. Aalis na rin sana si Candice para mag tungo ng HR ng tawagin siya ng babae sa front desk.
"Bakit po Miss?"
"Hired ka na Ma'am. Kunin mo nalang po yung check list mo sa HR para masiguro mo na kompleto na po ang requirements mo. Pag kompleto na po, balik ka kaagad para maorient ka na at makapag simula ng training mo."
"H-haah? Hindi ko maintindihan Miss."Ngumiti ang babae kay Candice at inexplain kung anong ibig sabihin nito.
"Si Dr. Clemente na po mismo ang nag hire sa inyo Ma'am. Kapag sinabihan ka na niya ng see you around 'yun na po ang sign na tanggap ka na sa trabaho. Dadaan din naman po sakaniya ang listahan ng mga aplikante kaya parang mas napadali po ang pag hire sainyo. Sige po, tatawagan ko na rin sa HR para aware na sila."
Hindi pa rin makapaniwala si Candice sa narinig at nalaman hanggang sa tawagin siyang muli ng babae sa front desk at pinapunta sa HR.
"S-salamat."
"You're welcome Ma'am. Welcome to UFMC."Nag lakad na si Candice at nag tungo sa HR.
============================
"Why are you smiling Austin?"
Tanong ni Amber sa anak niya na kasalukuyang kumakain ng dala niyang ice cream cake.
"Oh no Mommy. May nahanap na naman siguro si kuyang paiiyakin."
Naguguluhang tiningnan ni Amber si Austin pero nag kibit balikat lamang ito saka inubos ang cake niya.
"Don't listen to Janessa, mom. I'm just enjoying the day that's all."
"You're a liar kuya."
"Whatever Janessa."Binelatan ni Janessa ang kuya niya samantalang inirapan naman siya ni Austin. Napailing nalamang si Amber sa dalawa niyang anak saka sinabi ang rason kung bakit sila napadaan ni Janessa sa opisina ng kaniyang panganay na anak.
"Your dad's returning today Austin. Mamaya lang nasa Pilipinas na siya. May lakad ka ba mamayang gabi or any appointment?"
"None. What time?"
"8 in the evening."
"Yeah, I'll be there."
"Great. Don't be late, okay?"Nagpaalam na sila Amber at Janessa na uuwi para mag prepare sa bahay nila. Isang buwan din kasing wala si Jonah sa Pilipinas dahil sa mga business trips nito kaya naman excited si Amber na makasama ulit ang mahal niyang asawa.
Nang maka alis na sila Amber ay tinawag ni Austin ang nag tatagong babae sa comfort room ng opisina niya. Pagkalabas ay kaagad itong nag punta sakaniya at naupo sa kandungan niya. The woman smiled seductively that's why Austin immediately captured her lips. They shared an intense kiss until both of them are catching their breath.
"Hindi mo pa ba ako ipapakilala sa family mo baby? Diba sabi mo..."
Austin puts his index finger on the woman's lips to silence her.
"Oh baby, sorry to cut your ambition but that will never happen."
Galit na tumayo ang babae at sinampal si Austin bago nag martsa palabas. Pero bago pa man tuluyang makalabas ang babae sa opisina ni Austin ay may pahabaol ang binata para sa babae..
"You might wanna start packing your things now also. Someone's replacing you soon."
( Austin's Condition Prologue )
BINABASA MO ANG
Jonah's Luvoratory (COMPLETED)
RomanceAfter being ghosted by her boyfriend Jonah Clemente, Amber Rose De Jesus had issues on giving chances particularly when it comes to her romantic life. In a span of 6 years, although she had suitors, she opted to dedicate herself helping her family b...