Capitulo 44

265 8 2
                                        

Kakababa lang namin sa sasakiyan ng salubungin kami nila mama at papa. Hindi ko maiwasang maiyak dahil namiss ko sila ng sobra.

"Amber anak."
"Ma, Pa."

Mahigpit na yakap ang binigay sa'kin ng magulang ko at nag iyakan na rin kami. Iba pa rin talaga ang pakiramdam dito sa Pilipinas kasama ang pamilya mo. Kahit nag iiyakan kami hindi ko maiwasang pag masdan ang bahay namin. Malaki na rin ang pinagbago nito. Kung dati ay yari sa kahoy at bungalow lamang ang bahay namin, ngayon konkreto na't may pa second floor at maliit na balkonahe na rin. Katabi lang din ng garahe ang mini grocery nila mama at may barbecue business pa pala silang nadagdag.

"Ate Amber."
"Aba aba, kayo na ba talaga 'yan Aladdin at Avril?"
"Sino pa nga ba."

Ginulo ko ang buhok nilang dalawa at niyakap na rin. Kahit nagkikita kita kami sa video call hindi ako makapaniwala ngayon na sila yung mga kapatid kong inaalagaan noon. Tumatanda na talaga ako.

"Ang tatanda niyo na."
"Mas matanda ka naman ate." Aniya ni Aladdin.
"Oo naman. Di ko 'yun tinatanggi. Hindi lang ako makapaniwala na ang lalaki niyo na. Mas malaki pa kayo sa'kin."
"Totoo pala talaga ate na napag iiwanan sa height ang panganay." Sabay tawa ni Avril.
"Ganun? Wala kang pasalubong."
"Joke lang te. Hehe!" Nag peace sign pa si Avril sa'kin.

Nilingon ko sila Mama at Papa na kasalukuyang kinukumusta si Zeke lalo na si Austin. Naninibago pa siguro si Austin at hindi siya nagsasalita.

"Ang laki na ni Austin ate."
"Oo nga Aladdin. Ang bilis ng panahon."
"Pero hindi mo na naman kamukha ate."
"Ganun? Wala ka talagang pasalubong Avril."
"Haha! Si ate naman."

Lumapit na rin sila Aladdin at Avril kila Zeke at Austin. Nagkamustahan muna sila bago kami pumasok ng bahay. Mula sa salas ay amoy na amoy ang niluluto ni Mama na pininyahang manok. Bukod sa niluluto ni mama, samu't saring pagkain din ang nakahain na sa mesa kaya nakita kong itinuro ni Austin sa Auntie Avril niya ang hotdog in stick na may kasamang marshmallow. Sila Aladdin at Zeke naman ay lumabas muna at pinag tulungang kunin ang balik bayan box ko para sa'min.

Ganun din sa loob, marami na rin ang pinagbago pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang family picture namin na may bago ng frame at meron din picture si Austin. Napansin ata ni Papa ang pagtitig ko sa mga litrato kaya nilapitan niya ako.

"Kulang nalang yung family picture ninyo anak."

Ngumiti lamang ako kay Papa dahil kahit na excited at masaya ako na magkakasama kami ngayon ay hindi ako nilulubayan ng kaba simula pa kanina sa byahe pauwi rito sa probinsya namin. Hindi ko o namin ni Zeke alam papano sasabihin ang balita tungkol sa pag hihiwalay namin. Bukod dun, papano kaya nila matatanggap ulit si Jonah? Ang hirap.

"Namumutla ka anak. Okay ka lang ba?"
"Po? Opo. Pagod lang po siguro sa byahe."
"Gusto mong magpahinga muna? Ready naman na ang kwarto ninyo. Kami muna ang mag aalaga kay Austin. Marunong bang mag tagalog si Austin?"
"Hindi po eh."
"Oh mi ghad. Mukhang kailangan ko ng tissue anak."

Nagtawanan kami ni Papa saka niya ako inaya sa dining area at sabay sabay kaming kumain. Habang kumakain ay ikinuwento nila ang mga pagbabago sa lugar namin. Tinanong din nila kung kumusta ang buhay sa Amerika. Narinig ko rin na tinuturuan nila Aladdin at Avril mag tagalog si Austin. Dahil matalino si Austin ay madali niyang natutunan ang mga tinuturo sakaniya.

"Aba ang galing naman ng pamangkin namin. Maturuan ko nga 'to ng Binibining Marikit."
"Hoy Aladdin, sa dami ng OPM 'yan talaga?"
"Catchy kaya ng kanta."
"Binibining Mayikit."

Napailing nalamang ako ng sumegundo pa si Austin kahit hindi niya nasabing maayos ang salitang Marikit kaya nagkatawanan si Avril at Aladdin. Napalo tuloy sila ni Mama ng mahina sa balikat dahil sa kalokohan nilang dalawa.

Jonah's Luvoratory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon