Capitulo 36

252 7 0
                                        

Isang araw na ang nakalipas ng madischarge si Austin mula sa ospital. Mabuti nalang at okay ang results niya at wala namang major injury siyang natamo. Pero major awkwardness naman at pagkainis ang naramdaman ko sa ama niya at ngayon ay kinakabahan ako dahil pupunta sila ni Gloryvale rito sa bahay. Babalik na raw kasi sila ng Pilipinas bukas kaya gusto niya raw makasama ang anak niya bago umuwi. Dahil kailangan ni Austin mag pahinga muna kaya pumayag kami ni Zeke na dumalaw nalang siya rito kesa sa labas pa sila magkita.

Kasalukuyang nag peprepare ako ng lulutuin ng tumunog ang doorbell.

"They're here."

Pumasok ng kusina si Zeke at kita ko sa mukha niya ang pag aalinlangan kaya pansamantala akong lumapit sakaniya.

"Are you okay?"
"I'll be fine Amber. For you and for Austin."
"I'm sorry."

I put my hand on Zeke's shoulder and he gave me a faint smile when we heard someone cleared his throat.

"It seems I'm disturbing the two of you."
"No. Not at all. Listen Amber, I'll just go to the grocery. Bibilhin ko na yung pinapabili mo."
"Yeah. Sure. Thank you Zeke."

Tinapik ako ni Zeke saka isang sulyap ang ginawad niya kay Jonah bago lumabas ng kusina. Hinarap ko naman si Jonah na ngayon ay naka sandal sa pinto at nakapamulsa sa kaniyang pantalon.

"Do you need anything?"
"You. I need you."

Oh boy! Here we go again. Simula ng magkita na naman kami palagi niya akong nilalandi. Yes, nilalandi niya ako. Sinubukan kong hindi siya pansinin pero the more na hindi ko siya pansinin the more rin na nag papapansin siya. Jeez, it feels like I'm dealing with a teenager.

"Yeah right."

Tinalikuran ko na siya at nag patuloy nalamang sa ginagawa ko ng bigla ko nalamang naramdamang may pumulupot na braso sa tiyan ko. Hindi lang pulupot, nilapit niya rin ang kaniyang ilong sa leeg ko't ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa'kin.

"Jonah, ano ba!"

I tried to free myself but he just won't let go. Natatakot ako at baka makita kami ni Zeke o ni Cornellia.

"You smell so good."
"Jonah, lumayo ka. Baka may makakita..."
"I don't care."
"Jonah naman. Please."
"I love it when you beg babe."

Punong puno na ako kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong harapin siya't sampalin. Nagulat siya ng una pero ng makabawi ay tiningnan niya lamang ako.

"Wag mo na akong pahirapan Jonah. Tama na."

Nauwi sa iyak ang inis ko sakaniya. Nag halo halo na ang galit, lungkot, hinanakit, at higit sa lahat ang pag mamahal ko pa rin sakaniya kahit na sinaktan niya ako. After all these years, naiinis ako dahil simula ng makita ko siya ay nakumpirma kong mahal ko pa rin ang lalaking 'to. Tapos ganito pa ang ginagawa niya sa'kin na para bang wala siyang ginawang masama.

Yumuko nalamang ako at patuloy na pinakawalan ang mga luha ko. Narinig ko naman ang pag buntong hininga niya saka ikinulong ang mukha ko sa palad niya at inangat ang mukha ko para magtama ang mga mata namin.

"I'm sorry.."
"Palagi mo nalang akong sinasaktan."
"I know.."
"Ano bang nagawa ko sa'yo?"
"Nothing. I just don't want to lose you."
"Matagal mo na akong pinakawalan Jonah. Simula ng pinili mo si Trinity malinaw na ang ginawa mong desisyon."
"No.. That's not true. You don't understand.."
"Ako pa ngayon ang hindi makaintindi?"

Iniwas ko na ang mukha ko sakaniya at umalis muna ng kusina. Naabutan ko naman sa salas si Gloryvale na kinakausap si Austin.

"Hey Amber. How are.. Wait, are you crying?"
"No. Just rhinitis. Iwan ko muna kayo rito. Iinom lang ako ng gamot. Make yourself at home."
"Yeah, sure."

Jonah's Luvoratory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon