Third Person's P.O.V:
"Good night Mommy and Daddy."
"Good night baby."
"Sleep tight little bud."Matapos mag good night kiss ni Austin kay Amber at Zeke ay lumabas na ang dalawa ng kwarto.
"Ready?"
"Yes, let's go."Nag bilin muna ang dalawa kay Cornellia bago umalis at nag puntang Waldorf Astoria. Habang sakay ng kotse ay hindi maiwasan ni Zeke mag sisi sa desisyon niyang payagang kausapin ni Amber si Jonah. May tiwala siya kay Amber pero kay Jonah? Malabo. Sa ospital pa nga lang hindi na nakatakas sakaniya ang pang aakit ni Jonah kay Amber pano pa kaya sa hotel? At bakit sa hotel room? Napamura nalamang si Zeke sa kaniyang isip.
Nakarating sila sa hotel 10 minutes after 7:00PM dulot na rin ng traffic. Bago bumaba si Amber ay pinigilan muna siya ni Zeke.
"Amber."
"Yes Zeke?"
"Mag uusap lang naman kayo diba?"
"Oo. Mag uusap lang kami."
"Okay. Let me know kung pauwi ka na para masundo kita."
"Kahit wag na. Matulog ka ng maayos Zeke. Makakakuwi naman ako. Don't worry."
"No. Susunduin kita Amber. Just call or text me. Okay?"
"Sige na nga po."
"Okay. Thank you."
"Sige, see you later. Ingat sa pag drive."
"I will."Nginitian ni Amber si Zeke bago tuluyang bumaba. Inantay niya munang makapasok ito sa hotel ngunit kahit nakapasok na ito ay parang hindi niya magawang umalis sa lugar na iyon. Napasandal tuloy siya sa manibela at kinalma ang sarili. Nang umokay na siya saka siya nag desisyong umalis at nagtungo sa isang bar.
============================
Amber's P.O.V:
Andito na ako ngayon sa labas ng hotel room ni Jonah at nag hihintay nalamang pag buksan. Kinakabahan ako to be honest pero sabi nga ni Zeke, dapat maayos muna namin ni Jonah ang lahat sa'min dahil ang pinaka maapektuhan nito ay si Austin. Kahit wala na kami ni Jonah ay dapat maging mabuting magulang naman kami alang-alang sa anak namin. Mag papasalamat na rin ako dahil kahit apat na taon na ang nakalipas ay nag reach out pa rin siya. Better late than never ika nga.
Nagulat nalamang ako ng biglang mag bukas ang pinto. Kaagad akong nag iwas ng tingin ng makita ko si Jonah na naka slacks lamang at walang pang itaas pero parang wala lang sakaniyang ganun at pinapasok niya ako. Medyo dim sa loob ng kwarto at iilang ilaw lang ang nakabukas pero naiintindihan ko naman kasi mula sa glass wall na papuntang terrace ay kitang kita ang kalangitan na puno ng bituin. Naaaninag din ang crescent moon kaya maganda ang view mula rito sa kwarto niya. Mahilig talaga siya sa ganitong set up.
"Nag dinner ka na?"
"Ah.. Oo. Kanina."
"I see. Anything that you want?"
"Tubig."
"Seriously?"He just smirked and dialled on the phone. Room service ata at panay order niya ng pagkain.
"And one pint of vanilla."
Matapos niyang mag order ay tiningnan niya ako. Hindi naman ako gumagalaw sa kinatatayuan ko malapit sa pinto kaya napailing siya.
"Sit here."
Itinuro niya ang kama niya kung saan ako pwedeng maupo. Siya naman ay naupo malapit sa coffee table at hinarap ang kaniyang laptop. Medyo nag aalangan pa akong maupo kaya tiningnan niya ako ulit. This time parang naiinis na siya kaya naman lumapit ako sa kama at naupo and there, he smirked again. Dahil mukhang busy siya ngayon sa laptop niya kaya hindi ko alam kung pano ko sisimulang kausapin siya. Nauwi tuloy sa panaka-nakang sulyap ang ginagawa ko para ma-check kung pwede ko na siyang makausap. Lumalalim na rin ang gabi kasi. Naputol lamang ang katahimikan saming dalawa ng mag ring ang doorbell sa kwarto.
"Ako na."
Tumayo siya pero tinawag ko siya ulit kaya nilingon niya ako.
"Hindi ka man lang ba magsusuot ng tshirt or kahit ano?"
"Nope."
"Hindi ka pwedeng ganiyan."
BINABASA MO ANG
Jonah's Luvoratory (COMPLETED)
RomanceAfter being ghosted by her boyfriend Jonah Clemente, Amber Rose De Jesus had issues on giving chances particularly when it comes to her romantic life. In a span of 6 years, although she had suitors, she opted to dedicate herself helping her family b...