It was a memorable vacation I must say. Nagkakilala ng mabuti ang pamilya ko at si Jonah. Ipinaalam na rin namin sakanila na nag dadalang tao ako. Of course nagulat sila pero hindi naman na sila nag tanong pa't binati nila kami. Masaya raw sila na magkakaroon ulit ng chikiting sa pamilya.
"Sana babae naman."
Hirit ni papa. Gusto niya talagang magka apo naman ng babae. Inanyayahan sana sila ni Jonah lumuwas ng Maynila pero tumanggi sila Mama't Papa dahil wala raw maiiwan sa bahay at sa mini grocery. Ganun din si Aladdin dahil hindi raw siya nakapag file ng vacation leave. Sa susunod nalamang daw. Naiintindihan naman namin kaya ang kasama lang naming bumalik sa Maynila ay si Avril at syempre si Zeke. Magkakasama pa rin kami ni Zeke at Austin na babalik ng Amerika sa Lunes.
Kasalukuyang nasa loob kami ng subdivision at tinatahak ang daan papunta sa bahay ni Jonah ng kunin niya ang phone niya at may tinawagan. Kausap niya ata ang security guard sa bahay niya dahil sinabihan niyang buksan ang gate at malapit na kami. Pagkarating namin ay hindi lang ako, maging sila Zeke, Avril, at Austin ay mangha sa laki ng bahay ni Jonah. Noong huli ko kasi rito hindi ko masyadong napagtuonan ang itsura ng bahay mula sa labas kasi hindi ako lumalabas at bawal masyado noon mag lalalabas dahil sa virus. Lalo ko tuloy nakumpirmang hindi 'to bahay, palasyo 'to.
"Nice house Jonah."
"Thanks Palomares."
"Really? Baka nakakalimutan mong tatlo kaming Palomares na kasama mo ngayon."
"Tsk! Yeah right. Anyway, let's go inside, shall we?"Natawa lamang si Zeke sa reaction ni Jonah saka kami sumunod sakaniya sa loob.
"Aling Mylene?"
"Magandang araw Ma'am Amber."Kaagad akong lumapit sakaniya at niyakap siya. Namiss ko rin 'to si Aling Mylene at ang mga kwentuhan namin pag nag luluto siya.
"Wow Aling Mylene, looking young ah."
"Si Ma'am naman, hindi naman. Siya na po ba si Austin?"Nadako ang tingin ni Aling Mylene kay Austin. Saktong nakatingin din ito sakaniya kaya tinawag ko si Austin at pinag mano.
"Pagpalain ka hijo. Ay kay gwapong bata. Kamukhang kamukha ni Sir Jonah."
"I know right Manang Mylene."Jonah smirked at us which made my eyes roll. Ipinakilala ko rin si Aling Mylene kila Zeke at Avril bago niya iginiya sila sa kaniya kaniyang kwarto.
"Asan si Maya, Jonah?"
Tanong ko kay Jonah na nakaupo ngayon sa couch at katabi si Austin.
"Hospital."
"Ano? Bakit? Anong nangyari sakaniya?"
"Haha! Chill babe. Nothing bad happened to Maya. She's just finishing her internship so she can graduate."
"Bakit? Anong course niya?"
"Nursing."
"Wow. Tumatanda na talaga tayo Jonah. Dati dalagita lang si Maya ngayon, gagraduate na ng kolehiyo."
"Oo nga eh. Ang bilis ng panahon. Magkakaroon na ng nurse si Manang Mylene. Anyway, after she graduate and passed the board exam she'll be working in our hospital for the meantime while she's deciding whether to pursue a higher education or a career abroad. What about you Austin? What would you like to become when you grow up?"
"Ahm.. An astronaut, a doctor, and to be a King like you Dad."
"Woah. I should work harder then if that's the case."Jonah and I look at each other then we both giggle. Habang kausap pa namin si Austin ay may narinig kaming pumasok na mga sasakiyan. Hindi nag tagal ay magkasunod na pumasok sila Gloryvale, Gloryjane, Tokyo, Billie Jean, at baby Paris.
"Hey, what's the occasion?"
Tanong ko sakanila.
"You tell us the occasion Amber." Ngisi ni Gloryvale sa'kin. Hindi ko magets kung ano ang ibig sabihin niya.
BINABASA MO ANG
Jonah's Luvoratory (COMPLETED)
RomanceAfter being ghosted by her boyfriend Jonah Clemente, Amber Rose De Jesus had issues on giving chances particularly when it comes to her romantic life. In a span of 6 years, although she had suitors, she opted to dedicate herself helping her family b...