Kanina pa ako dito sa garden at pinag mamasdan ang mga bulaklak. Past 12 na ng gabi pero hindi ako makatulog dahil sa mga nalaman ko kanina.
Nalaman ko na 7 months pregnant si Trinity ng mawala ang anak nila ni Jonah. Nasa meeting si Jonah noon kasama si Gloryvale ng biglang tumawag ang kanilang housekeeper at binalitang isinugod sa ospital si Trinity dahil nag overdose ito. Huli na para masagip ang baby kaya naman halos pag bagsakan ng langit at lupa si Jonah ng dumating siya ng ospital lalo pa't siya sinisisi ng kaniyang in-laws kung bakit nag overdose si Trinity. Pinabugbog din siya sa mga tauhan ng father-in-law niya at kung hindi pa dumating si Gloryvale kasama ang mga bodyguards niya ay malamang natuluyan na si Jonah.
And I can't imagine him 6 feet under. Namalayan ko nalamang tumutulo na naman ang mga luha ko pero pinunasan ko agad ito ng makita kong tumatawag si Tokyo para mag video call. Tamang tama, kailangan ko ng makakausap ngayon. Matagal tagal din kaming hindi nakapag usap ng lalaking ito.
"Hello Tokyo, kumusta?"
"Hey Amber, wait. Are you crying?"
"Hindi. May rhinitis lang."
"Okay, akala ko pinaiyak ka na naman ni Jonah."
"Hindi nuh. Actually nagkabalikan na kami."
"Wow! Really?"Ngumiti ako kay Tokyo at tumango. Siya palang ang pinagsabihan ko nito. Sasabihin ko rin naman sa pamilya ko pero pag tapos na ang lockdown. Isasama ko si Jonah sa probinsya tutal gusto naman siyang makita ng pamilya ko.
"I am so happy for the both of you. Hopefully this is it, no more break ups and shit."
"Naku sana nga talaga Tokyo."Habang nag uusap kami ni Tokyo ay nahagip ng paningin ko ang isang babae sa likod niya.
"Hoy Tokyo Lee."
"Yes? What's with the full name?"
"Tokyo naman. May pandemya ngayon, may bitbit ka pa rin?"
"Oh.. Her?"Nakita kong lumabas si Tokyo sa hotel room niya at dun nag patuloy makipag usap sa'kin.
"Hindi ko siya bitbit."
"Ano mo siya?"
"Nothing. Things are actually complicated for her right now. She's staying with me for the meantime 'cause her life is in danger. We're just waiting for her boyfriend to arrive here in Japan. Filipina siya Amber, syempre kabayan natin siya kaya tinulungan ko."
"What do you mean in danger?"
"Muntik siyang ma-rape Amber."
"Oh my god!"Pinapahanap pa ni Tokyo kung sino ang nagtangkang halayin ang kasama niyang babae ngayon kaya naman hindi muna niya pinauwi ito para na rin sa kaligtasan ng babae.
"I don't know how to approach or to be specific, I don't understand her to be honest. She barely talks. Palagi pang tulala pero hindi ko naman siya masisisi though she maintain the cleanliness of the room. Kahit saan din ako pumunta gusto niyang nakabuntot sa'kin. This is the first time I'm having a hard time with a woman."
Nakikita ko sa mukha ni Tokyo ang confusion at pagka dismaya kaya naman medyo natawa ako sa itsura niya ngayon.
"Nakahanap ka rin ng katapat."
"Anong katapat ang pinagsasasabi mo?"
"Look at you, you are frustrated right now. Why? Because you can't handle her."
"Me? The mighty Tokyo Lee can't handle a woman? We'll see about that Amber."
"Wanna bet?"
"Sure."Nag paalam na si Tokyo dahil kailangan niya ng matulog. May lakad daw kasi siya mamaya at ikumusta ko nalang daw siya kay Jonah at sa family ko. Ganun din naman ako, sabi ko ikumusta niya ako kila Tito at Tita pati na rin sa kasama niyang babae ngayon.
Dahil malalim na rin ang gabi kaya napag pasiyahan ko ng pumasok Pagkapasok ko palang ay agad kong nakita si Jonah. Naka suot lamang siya ng boxers at white shirt kaya bakat ang hubog ng kaniyang katawan. Bakit ang sexy ng taong 'to lalo na ngayon na bagong gising siya? Nag iiba tuloy ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
Jonah's Luvoratory (COMPLETED)
RomanceAfter being ghosted by her boyfriend Jonah Clemente, Amber Rose De Jesus had issues on giving chances particularly when it comes to her romantic life. In a span of 6 years, although she had suitors, she opted to dedicate herself helping her family b...