Kumakain ako ngayon ng breakfast ng bigla nalamang may kumatok ng malakas sa labas ng hotel room ko.
"Jusko Amber, ba't ganiyan pa rin ang itsura mo at ba't ngayon ka palang kumakain? Mag tatanghali na. Kailangan nating umalis ng maaga at baka matraffic pa tayo."
"Opo, binibilisan ko na nga pong kumain."Pumasok si mama sa hotel room ko dala ang mga susuotin ko habang ako naman ay inuubos na ang almusal. Muntikan pa nga akong mabulunan sa pag mamadali.
"Sila Austin at Janessa, Ma?"
"Pinapaliguan na nila Niña at Elena. Halos nag reready na ang lahat. Ikaw nalang ang hindi. Maawa ka naman kay Jonah, anak. Matagal na siyang nag antay, pati ba naman sa kasal ninyo pag aantayin mo pa lalo?"
"Kalma lang ma. Heto na nga at maliligo na po."
"Aba dapat lang. Bilisan mo na. Pagkatapos maayusan ang kapatid at mga kaibigan mo ikaw na ang susunod."Kinuha ko ang twalya't bathrobe saka nag tungo ng banyo. Habang naliligo hindi pa rin ako makapaniwalang ito na yung araw na pinakahihintay namin ni Jonah. 3 months ago matapos mapa walang bisa ang kasal namin ni Zeke ay kaagad niyang kinausap ang pamilya kong mag papakasal kami sa buwan din na 'yon. Ang kaso sabi ni mama at papa palamigin muna namin ng kahit tatlong buwan ang annulment namin ni Zeke. Ganun din ang sinabi nila Aunt Betty at Jekyll kaya sinunod naman namin.
Sa tatlong buwang pag aantay ay ako ang naging abala sa preparation ng kasal namin ni Jonah. Hindi ko na siya inabala dahil marami siyang ganap sa buhay pero paminsan minsan ay tinatanong ko rin siya kung okay ba sakaniya ang mga napili ko.
"Anything will do babe. You're the boss."
Bukod sa pagiging abala sa preparation sa kasal ay nag simula na rin akong mag plano sa itatayo kong sports bar sa BGC. Ayoko naman kasi palaging umasa kay Jonah. Gusto ko may sarili rin akong ipon at kahit hindi man ako ang magiging flairtender na ng bar ay makakapag share pa rin ako ng expertise.
Pagkatapos kong maligo at makapag toothbrush ay saktong kakapasok lang ng mga stylist na mag aayos sa'kin mula ulo hanggang paa. Nakalatag na rin sa kama ang wedding gown na isusuot ko na ginawa pa ni Terrence Vismonte. Regalo niya na raw ito sa'kin dahil sa pag tulong ko noon sakaniya na makumbinsi si Jonah na sumali sa date for a cause. Napakalaking bagay daw na nakasali noon si Jonah dahil ang mga nalikom na pera ay hindi lang sa Metro Manila nakatulong, nakaabot pa raw ito ng Mindanao. Pinakamalaking pera raw ang nalikom nila ng taong iyon.
Abala ang hair stylist ko ng pumasok sila Austin at Janessa kasama ang lola Astrid nila. Pareho na silang naka bihis saka lumapit sa'kin.
"Wow, ang ganda at ang gwapo naman ng mga anak ko. Pakiss nga si Mommy."
Pinauna ni Austin si Janessa bago siya lumapit sa'kin para mahalikan ko ang pisnge niya. Si Janessa ay hindi umaalis sa tabi ko habang naupo naman sa kama si Austin.
"Mommy, pretty."
"Thank you baby. You are prettier."Janessa giggles as she continue to watch the hairstylist ironing my hair. Tiningnan ko naman si Mama at parang naluluha siya kaya tinanong ko siya kung may problema.
"Wala anak. Masayang masaya lang ako para sa'yo. Lalo ka pang gumanda ngayon. Buti nalang talaga hindi ka nag mana sa Papa mo."
"Si mama naman."Nagkatawanan kami sa huling sinabi niya. Pasado alas dose y media na ng natapos akong ayusan. Pagkalabas namin ng the Manila Hotel ay nag hihintay na ang bridal car na sasakiyan namin ni Mama. Sila Avril, Austin at Janessa kasama ang nanny nilang si Niña at Elena ay sa isang sasakiyan na minamaneho ng isa sa bodyguard ni Jonah. Kasalukuyang tinatahak na namin ang daan papuntang Manila Cathedral ng bigla nalamang kaming natigil dahil sa traffic. Ibinaba ng driver namin ang bintana at nag tanong sa traffic enforcer kung anong meron at bakit may traffic.
BINABASA MO ANG
Jonah's Luvoratory (COMPLETED)
RomanceAfter being ghosted by her boyfriend Jonah Clemente, Amber Rose De Jesus had issues on giving chances particularly when it comes to her romantic life. In a span of 6 years, although she had suitors, she opted to dedicate herself helping her family b...