"Ayan. Sige, inom pa. May tatlo ka pang bote sa loob. Sayang naman kung hindi mo pa uubusin. Bayad pa naman 'yun."
"Shut up Amber."Hinahagod ko ang likod ni Tokyo habang abala siyang nagsusuka malapit sa basurahan. Ikaw ba naman uminom ng walong bote ng beer tapos isang bote ng whiskey. Haay..
"Ano? Okay ka na?"
"Nahihilo ako."
"Gusto mong tubig?"
"Yes please."
"Okay. Halika muna rito sa parking area."Kahit hirap tumayo ay pinilit pa rin ni Tokyo na tumayo. Syempre, inalalayan ko siya hanggang sa nakaabot kami sa parking area.
"Asan na yung kotse mo?"
"Hindi ko muna dinala."
"Pambihira naman. Oh diyan ka muna. Bibili lang ako ng tubig mo. Sigurado kang okay ka lang na iwan dito?"
"Oo. Okay lang ako. Bilisan mo lang."Pinaupo ko muna siya ng maayos bago ako pumunta sa pinaka malapit na convenience store.
"Amber."
Natigil ako sa pag lalakad at ewan, parang nanigas din ako sa kinatatayuan ko. I know that voice. Kahit ayaw ko siyang kausapin ay nilingon ko pa rin siya.
"Wait up."
Patakbo siyang tumawid papunta sa'kin. Di ko akalaing mag kikita pa kami ng taong 'to after so many years. Hindi umabot ng isang minuto ay nasa harapan ko na siya, seryoso ang mukha. This time kitang kita ko na siya dahil sa liwanag na mula sa mga poste kumpara kanina sa loob ng bar. Nag mature na ang itsura niya pero lalo naman siyang gumwapo. Nakaka intimidate rin ang tindig niya at ang pagkakatitig niya sa'kin ngayon.
"M-may kailangan ka?"
"How are you?"
"Okay naman. Ikaw?"
"I'm okay. Are you going home? Let me give you a ride."
"Wag na. Hindi pa kami uuwi."
"Kami?"
"Kasama ko si Tokyo."
"Oh. Yeah, I heard a while ago."Pareho kaming nanahimik ng ilang segundo. Tiningnan ko ulit siya pero nakatingin pa rin pala siya sa'kin kaya umiwas na ako.
"I better keep going."
"San ka pupunta?"
"Convenience store. May bibilhin lang sandali."
"Samahan na kita."
"Wag na.."
"I insist. Baka mapano ka pa sa daan."Dahil sa pagod ay wala na akong lakas para makipag talo sakaniya kaya naman hinayaan ko nalang siya though mas nauuna akong mag lakad kesa sakaniya. Pagkarating namin sa pinaka malapit na convenience store ay kumuha kaagad ako ng Tubig habang si Jonah ay nasa counter nag aantay.
"You done?"
"Di pa. May bibilhin pa ako."Dahil hindi pa ako kumakain ng dinner kaya kumuha na rin ako ng microwaveable na ulam at kanin pati na rin gatas.
"What the hell! 'Yan lang ang kakainin mo? Di ka pa kumakain?"
Nagulat ako kay Jonah na ngayong nasa likod ko na. Muntik ko pang mahulog ang mga pinamili ko.
"Hindi pa. Busy ako kanina kaya nalipasan na ako."
"Pinapabayaan mo na ang sarili mo? Jeez Amber."He close his eyes and take a deep breath then he stares at me again.
"Fine, you can eat that. But this will never happen again."
Magsasalita pa sana ako pero naglakad na siya pabalik ng counter ulit kaya sumunod nalamang ako. Kukunin ko na sana ang wallet ko pero pinigilan niya ako sabay abot ng pera sa cashier at ng isang kahon.
"Add this too. Thank you."
"Nasa mood Sir?" -CashierNgumingisi ngisi pa ang cashier habang inaasikaso ang pinamili namin. Kibit balikat lang si Jonah habang nag aantay.
"Swerte mo Sir. Good luck! Hehe!" -Cashier
Jonah just smirked at him. Pagkatapos niyang mag bayad at makuha ang pinamili namin ay nag lakad na kami pabalik. Nadatnan naming nakahiga na si Tokyo kaya naman nag madali ako agad.
BINABASA MO ANG
Jonah's Luvoratory (COMPLETED)
RomanceAfter being ghosted by her boyfriend Jonah Clemente, Amber Rose De Jesus had issues on giving chances particularly when it comes to her romantic life. In a span of 6 years, although she had suitors, she opted to dedicate herself helping her family b...